NEW
Font size
WorksheetsNASYONALISMO AT IDEOLOHIYA SA TIMOG SILANGANG ASYA
Total questions: 10
Worksheet time: 2mins
Masidhing pagmamahal sa bayan na nagtulak sa mga bansa sa Timog Silangang Asya na mag-aklas laban sa pagmamalupit ng mga mananakop.
Ideolohiya
Imperyalismo
Nasyonalismo
Kolonyalismo
Isang sistema o lipon ng mga ideya o kaisipan na naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at pagbabago nito.
Ideolohiya
Komunismo
Nasyonalismo
Imperyalismo
Ang sumusunod ay mga ideolohiya na sinuportahan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya. Alin sa sumusunod na ideolohiya ang niyakap ng bansang Indonesia?
Komunismo
Sosyalismo
Guided Democracy
Kapitalismo
Ang sumusunod ay mga salik na nagbigay-daan sa pag-usbong ng nasyonalismo sa Indonesia. Alin ang hindi kabilang?
Paghahangad na matigil ang mga hindi makatarungang patakaran ng mga mananakop na Dutch.
Kapabayaan ng mga Dutch sa sistema ng edukasyon sa bansa ang kultura at antas ng karunungan ng mga Indonesian.
Patakarang pang-ekonomiya na ipinatupad ng mga Dutch tulad ng culture system at pagkontrol sa mga sentro ng kalakalan ay nagkaroon ng negatibong epekto sa kabuhayan ng mga Indonesian.
Nawala ang karapatan at kalayaan na pamunuan ang kanilang sariling bansa.
Paano naipamalas ng mga Pilipino ang damdaming nasyonalismo?
Sa pamamagitan ng Kilusang Propaganda at pagtatag ng Katipunan.
Sa pamamagitan ng pananahimik at pagsunod sa mananakop.
Sa pamamagitan ng pagsawalang bahala sa pagmamalupit ng mga mananakop
Sa pamamagitan ng pagyakap sa pamumuno ng Espanya.
Anong ideolohiya ang niyakap ng mga Pilipino na ginagamit pa rin sa kasalukuyan?
Sosyalismo
Komunismo
Kapitalismo
Demokrasya
Paano ipinakita ng mga Vietnamese ang kanilang damdaming nasyonalismo?
Pagsuporta sa France
Pagsulong sa Ideolohiya
Pakikidigma sa mga Kanluranin
Pananahimik at pagwawalang-bahala
Nahati ang Vietnam sa 17th Parallel. Nabuo ang Hilagang Vietnam na pinamumunuan ni Ho Chi Minh at ang Timog Vietnam sa pamumuno ni Bao Dai. Naging magkatunggali ang dalawang Vietnam dahil sa pagkakaiba ng ideolohiya. Anong ideolohiya ang sinuportahan ng Hilagang Vietnam?
Kapitalismo
Demokrasya
Komunismo
Nasyonalismo
Paano ipinahayag ng mga Pilipino ang damdaming nasyonalismo?
Sa pamamagitan ng paglaganap ng ideolohiya.
Pagpapalawak ng damdaming nasyonalismo
Sa pamamagitan ng pagpapalakas at pagpaparami ng mga hukbo.
Sa paggamit ng dalawang pamamaraan, ito ay ang propaganda at himagsikan.
Ang sumusunod ay mga salik na nagbigay-daan sa pag-usbong nag nasyonalismo sa Burma. Alin ang hindi kabilang?
Hinangad ng maraming Burmese na maihiwalay ang kanilang bansa mula sa India.
Isa sa mga hindi matanggap ng mga Burmese ay nang gawing lalawigan lamang ng Indian ang Burma.
Ang paghahangad na lumaya ang nagtulak sa mga Burmese na ipahayag ang kanilang damdaming nasyonalismo.
Nilagdaan ang Kasunduang Yandabo na naging dahilan ng tuluyang pagkontrol ng Espanya sa teritoryo ng Burma
