WorksheetsFilipino 8 Florante at Laura
Total questions: 10
Worksheet time: 50secs
1. Ang Florante at Laura ay obra maestra ni Francisco Baltazar. Ano ang ibig sabihin
ng salitang obra maestra ?.
A. una
B. nag-iisa
C. natatangi
D. naiiba
2. Ang madilim at mapanglaw na gubat na kinagagapusan ni Florante sa kabanata1 ay tumutukoy sa :
A. Madilim at walang kalayaang kalagayan ng bansa sa panahong iyon
B. Madadawag na kagubatang nakapalibot sa panahong iyon
C. Mga gawain ng mga kriminal na nakahahadlang sa pag-unlad ng sambayanan.
D. Magulong kalagayan ng pamahalaan ng panahong iyon.
3.Ang mga syerpe ( ahas o serpiyente) at basilikong gumagala sa gubat ay tumutukoy sa ________.
A. Mababangis na hayop sa gubat na anomang oras ay handang sumila o pumatay.
B. Mga sakit o karamdaman na maaaring dumapo sa sinuman.
C. Mga taong sakim at mapagsamantala sa kahinaan ng iba.
D. Mga mananakop na tila nag-aabang upang makagawa nang masama sa mga Pilipino.
4. Ang kahabag-habag at nakagapos na si Florante sa puno ng higera ay nagpapakita ng kawalang _____ ng mga Pilipino sa panahong iyon.
A. kayamanan
B. kalayaan
C. trabaho
D. pagkain
5. Ang kabanatang may pamagat na “ Hinagpis ni Florante “ ay tumutukoy sa __ .
A. pagtataksil ni Adolfo
B. paghahari ng mga masasama sa Albanya
C. pagtanaw sa mga masayang alaala nila ni Laura
D.pakikipag-usap ni Florante sa kanyang namayapang ama at ina
6. Ang _____ ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin.
A. Idyoma
B. Tayutay
C. Matalinghagang pananalita
D. Masining na pananalita
7. Ano ang nais ipakahulugan ng saknong sa ibaba?
202 “ Ang laki sa layaw karaniwa‟y hubad Sa bait at muni‟t sa hatol ay salat:
Masaklap na bunga ng maling paglingap, Habag ng magulang sa irog na anak”
A. Ang anak na pinalaki sa layaw ay nagiging matigas ang ulo.
B. Ang anak na sunod lahat ng gusto ay lumalaking matalino
C. Ang anak na pinalaki sa layaw ay lalaking walang respeto.
D. Ang anak na lumaki sa layaw ay hindi matututong humarap sa mga pagsubok at kalungkutan ng magulang.
8. Ang taludtod na may salungguhit sa saknong ay halimbawa ng tayutay na__.
10
“ Makinis ang balat na anaki‟y burok,
Pilik mata‟t kilay mistulang balantok,
Bagong sapong ginto ang kulay ng buhok,
Sangkap ng katawa‟y pawang magkaayos. ,
A. Pagtutulad
B. Pagwawangis
C. Pagmamalabis
D. Pagtawag
9. Aling taludtod ang nagpapahayag ng tayutay na pagtawag sa saknong?
13“ Mahiganteng langit ! bangis mo‟y nasaan? Ngayo‟y naniniig sa pagkagulaylay,
Bago‟y ang bandila ng lalong kasam-an Sa Reynong Albanya‟y iniwawagayway
A. Mahiganteng langit ! bangis mo‟y nasaan?
B. Ngayo‟y naniniig sa pagkagulaylay,
C. Bago‟y ang bandila ng lalong kasam-an
D. A. Sa Reynong Albanya‟y iniwawagayway
10. Uri ng tayutay na nagbibigay buhay sa mga bagay, ginagamitan ng mga salitang pandiwa .
A. Pagtutulad
B. Pagwawangis
C. Pagsasatao
D. Pagtawag
