WorksheetsESP #2Q4 Quiz
Total questions: 15
Worksheet time: 34mins
1.Ayos lamang na patabihin mo sa iyo ang bago ninyong kamag-aral kahit iba ang kaniyang relihiyon o paniniwala
Tama
Mali
2. Nagalit ka sa iyong kaklase dahil hindi siya pumasok sa loob ng simbahan na mahigpit dahil ipinagbabawal sa kinabibilangan niyang relihiyon.
Tama
Mali
3. Nakita mong nanalangin sa ilalim ng puno ang grupo ng iyong kamag-aral na nabibilang sa ibang relihiyon. Tahimik kang dumaan upang hindi sila maabala.
Tama
Mali
4. Isinama ka ng iyong kaibigan sa
kanilang sambahan. Nakita mo kung paano sila magbigay galang sa bawat isa kung kaya’t nirespeto mo ang kanilang paniniwala.
Tama
Mali
Piliin ang tamang sagot
A. Hindi ko papansinin at mag-ingay ako habang may prusisyon
B. Tatahimik ako habang dumaraan ang prusiyon.
C. Itutuloy ko ang paglalaro sa kalye habang dumaan ang prusisyon.
D. Kakausapin ko ang bawat kasama sa prusisyon upang mapansin ako.
6. Ang paggalang sa paniniwala ng iba tungkol sa Diyos ay
pagpapakita ng _____________ sa kapwa.
paggalang
pakikipagusap
pakikipagtalo
7. Ito ay makatutulong upang magkaroon ng _____________________ ang bawat isa.
paggawa
pagkakaunawaan
pakikipagtalo
8. Bilang isang bata, maaari mong maipakita ang paggalang sa paniniwala ng iba sa pamamagitan ng _____________.
pakikipagtalo
paghusga
pakikipagkaibigan
9. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang TAMA sa paggalang sa paniniwala ng kapwa.
Pakikipagtalo sa paniniwala ng iba.
Huwag makipagkaibigan sa taong iba ang relihiyon.
Respeto sa paraanng kanilang pagsamba.
10. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang MALI sa paggalang sa paniniwala ng kapwa.
Pakikipagtalo sa paniniwala ng iba.
Pagiging mabuti sa kapwa anuman ang paniniwala nito.
Respeto sa paraanng kanilang pagsamba.
11. Nakikinig ka sa iyong mga kamag-aral habang ipinaliliwanag nila sa inyong ang kanilang mga paniniwala.
/
x
12. Pinaupo sa tabi mo ng inyong guro ang bago mong kamagaral. Iba ang kaniyang relihiyon at bagong lipat siya sa inyong paaralan. Natatakot kang hindi kayo magkasundo dahil magkaiba kayo ng paniniwala. Ano ang gagawin mo?
A. Sasabihin sa guro na ayaw mo siyang katabi.
B. Hindi na lamang siya papansinin.
C. Hahayaang tumabi at makipagkaibigan sa kaniya.
13. Nagbabahagi si Badeth sa inyong klase ng kaniyang natutuhan sa kanilang Bible study. Ibang-iba ito sa paniniwala mo. Ano ang gagawin mo?
A. Sasabihing hindi totoo ang mga sinasabi niya.
B. Pauupuin at ikaw ang tatayo upang magbahagi.
C. Makikinig ako nang tahimik sa kaniyang ibinabahagi.
14. Madalas may suot na “hijab” o belo ang kaklase mong Muslim na babae. Mainit ang panahon kaya naiinis ka sa kaniyang suot. Ano ang gagawin mo?
A. Hihilahin ang belo at sasabihing napakainit ng panahon.
B. Igagalang ko kung ano ang kaniyang suot.
C. Gagayahin ko ang kaniyang itsura.
15. Nagdarasal sa harap ng imahen ng santo ang iyong kaibigan. Hindi ka sang-ayon sa paniniwalang ito dahil sa iba ang iyong nakagisnan. Ano ang gagawin mo?
A. Mag-aantay ako nang tahimik habang inaantay siyang
matapos manalangin.
B. Mag-iingay ako upang mapansin niya.
C. Pagtatawanan ko siya pagkatapos niyang magdasal.
