wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Summative Test # 3 in Araling Panlipunan (Q1)

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

1. Noong 2009, nakaranas ng matinding bagyo ang NCR. Ito ay ang Bagyong Ondoy. Alin sa sumusunod na lungsod ang lubhang napinsala ng bagyong ito?

a)

A. Lungsod Makati

b)

B. Lungsod Mandaluyong

c)

C. Lungsod Marikina

d)

D. Lungsod Maynila

2.

2. Alin sa dalawang lugar sa NCR ang lubhang mapipinsala kapag yumanig ang West Valley Fault?

a)

A. Makati at Navotas

b)

B. Marikina at Makati

c)

C. Pasig at Caloocan

d)

D. Wala sa Nabanggit

3.

3. Ano ang mangyayari kapag gumalaw ang West Valley Fault?

a)

A. lindol

b)

B. pagbaha

c)

C. pagputok ng bulkan

d)

D. tsunami

4.

4. Bumuhos ang malakas na ulan at napansin mong mabilis ang pag-agos ng tubig. Ano ang iyong gagawin?

a)

A. Matulog na lamang nang mahimbing.

b)

B. Maging kampante na lamang sa bahay.

c)

C. Hindi papansinin ang nagrorondang tanod.

d)

D. Lumikas sa ligtas na lugar sa utos ng magulang.

5.

5. Kung ikaw ay nakatira sa Lungsod Marikina, anong panganib o sakuna ang dulot ng Ilog ng Marikina kung may bagyo?

a)

A. Malakas na lindol

b)

B. Malaking sunog

c)

C. Matinding pagbaha

d)

D. Wala sa pagpipilian

6.

6. Bakit mahalaga ang maging handa sa sakuna?

a)

A. Para mapangalagaan ang pamilya.

b)

B. Para mapangalagaan ang mga ari-arian.

c)

C. Para mapangalagaan ang iba pang tao.

d)

D. Lahat ng nabanggit ay tama

7.

7. Nalaman ni Jerald na may parating na bagyo ngayong araw. Ano ang dapat niyang gawin?

a)

A. Magligo sa ulan.

b)

B. Mataranta at magsisigaw.

c)

C. Maglaro sa labas ng bahay.

d)

D. Ihanda ang emergency go bag.

8.

8. Sa iyong paaralan ay nagkakaroon ng earthquake drill para maging handa sa malakas na lindol. Ano ang dapat mong gawin kapag nagkaroon ng “earthquake drill”?

a)

A. Magpanic at umiyak habang lumalabas

b)

B. Habulin at itulak ang mga kaklase.

c)

C. Makipagkulitan sa mga kamag-aral.

d)

D. Gawin ang duck, cover at hold.

9.

9. Alin sa sumusunod na kaugalian ang dapat taglayin ng bawat isa sa panahon ng kalamidad?

a)

A. Maging makasarili

b)

B. Magtulungan

c)

C. Maiinggit sa iba

d)

D. Makipag-away

10.

10. Ikaw ay nasa loob ng inyong silid-aralan nang biglang lumindol. Ano ang iyong gagawin?

a)

A. Umiyak sa iyong upuan.

b)

B. Isagawa ang duck, cover and hold.

c)

C. Tumalon-talon sa ibabaw ng mesa.

d)

D. Mataranta at magsisigaw.

11.

11. Ito ay isang yamang tubig na pasyalan kung papalubog na ang araw. Ito rin ay daungan ng mga barko. Ano ito?

a)

A. Ilog Pasig

b)

B. Ilog Manggahan

c)

C. Lawa ng Laguna

d)

D. Look ng Maynila

12.

12. Alin ang HINDI naglalarawan sa yamang lupa ng NCR?

a)

A. May nagtataasang gusali sa lupain ng NCR.

b)

B. May malawak na sakahan sa lupain ng NCR.

c)

C. May mga pasyalan at parke sa lupain ng NCR.

d)

D. May mga mall at condominium sa lupain ng NCR.

13.

Ano ang nais ipakita ng larawan?

a)

A. Makikita ang Look ng Maynila.

b)

B. May yamang gubat ang NCR.

c)

C. Kaunti lamang ang tao sa NCR.

d)

D. May yamang tubig at lupa ang NCR

14.

14. Anong lungsod sa NCR ang may limitadong likas na yaman ngunit pinakamayamang lungsod sa buong Pilipinas?

a)

A. Lungsod Caloocan

b)

B. Lungsod Makati

c)

C. Lungsod Maynila

d)

D. Lungsod Taguig

15.

15. Ano ang wastong pangangalaga sa yamang tao ng NCR?

a)

A.Tanggalin sa trabaho ang lahat ng manggagawa.

b)

B. Iwasang pag-usapan ang problema ng manggagawa.

c)

C. Pangalagaan ang mga yamang lupa at tubig sa NCR.

d)

D. Tiyakin na ang mga karapatan ng manggagawa ay naibibigay sa kanila.

16.

16. Ito ay mga bagay na nakukuha ng mga tao mula sa kalupaan at katubigan ng NCR. Ano ito?

a)

A. likas na yaman

b)

B. pangangalaga

c)

C. yamang di-natural

d)

D. yamang tao.

17.

17. Ano ang yaman ng NCR na tumutukoy sa mga manggagawa at naghahanapbuhay sa rehiyon?

a)

A. likas na yaman

b)

B. yamang likas

c)

C. yamang panrehiyon

d)

D. yamang tao

18.

18. Sino sa kanila ang nagpapakita ng wastong pangangalaga sa likas na yaman ng NCR?

a)

A. Si Dina na pinipitas ang bulaklak sa parke.

b)

B. Si Roy na hinuhuli ang paruparo sa hardin.

c)

C. Si Nestor na nagtatapon ng basura sa Ilog.

d)

D. Si Paulo na nagtatanim ng halaman sa bakuran

19.

19. Alin ang maling paraan ng pangangalaga ng yamang tao?

a)

A. Lumahok sa mga samahan ng manggagawa.

b)

B. Dapat na ligtas ang lugar kung saan sila nagtatrabaho.

c)

C. Mababa ang sahod na ibinibigay ng may-ari ng pabrika.

d)

D. Lahat ng mga pagpipilian ay mga maling paraan.

20.

20. Ano ang wastong impormasyon sa yamang lupa ng NCR?

a)

A. Walang yamang lupa ang NCR.

b)

B. Hindi mahalaga ang yamang lupa sa NCR.

c)

C. Ang Ilog Pasig ay may kaugnayan sa yamang tao.

d)

D. Tinatayuan ng mga gusali at estruktura ang lupa ng NCR.