wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Summative Test

Total questions: 25

Worksheet time: 22mins

Name
Class
Date
1.

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Tinutukso si Miya ng mga bata sa kanila dahil sa luma niyang kasuotan. Ano ang iyong gagawin?

a)

A. Sasali ako sa panunukso kay Miya.

b)

B. Sasabihan ko ang ang mga bata na mali ang kanilang ginagawa.

c)

C. Mananahimik lang at panunuorin ang panunukso ng mga bata.

2.

2. Nasunugan ang iyong kaklase at halos wala silang naisalbang gamit, Anong tulong ang maaari mong gawin?

a)

A. Magbigay ng damit at pagkain.

b)

B. Balewalain ang nangyari sa kanila.

c)

C. Hayaang iba ang tumulong sa kanila.

3.

3. Mahiyaing bata si Liezel, hindi siya masyadong nakikipag-usap sa iba, nais mo siyang isali sa inyong paglalaro, ano ang iyong gagawin?

a)

A. Pilitin mo siyang makipaglaro sa inyo.

b)

B. Tatakutin siya upang makipaglaro sa inyo.

c)

C. Kumbinsihin siya na nais mong makipaglaro at makipagkaibigan.

4.

4. Inutusan ka ng iyong ina na bumili sa tindahan, sa paglalakad mo ay may nakasabayan kang babaeng nagmamadali at hindi niya napansin na nalaglag ang kanyang wallet. Ano ang iyong gagawin?

a)

A. Hindi sasabihin at pasekretong kukunin ang wallet.

b)

B. Pupulutin ang wallet at tatawagin ang babae upang maibigay.

c)

C. Hindi papansinin ang nangyari at patuloy na maglalakad papuntang tindahan.

5.

5. May ipinagagawang proyekto sa sining ang inyong guro. Tinawagan ka ng iyong kaklase at gusto niya ay magpagawa sa iyo ngunit nais mong tumanggi dahil bilin ng inyong guro na kayo ang gagawa. Ano ang iyong sasabihin sa kanya na hindi masasaktan ang kanyang damdamin?

a)

A. Pasensya ka na, marami akong ginagawa.

b)

B. Pasensya ka na, hindi kita pwedeng ipaggawa kung gusto mo tutulungan na lang kita.

c)

C. Pasensya ka na, baka mapagalitan tayo kapag nalaman ng ating guro na ipinaggawa kita ng ating proyekto.

6.

Panuto: Isulat ang Wasto sa patlang kung pahayag ay nagsasaad ng pagsasaalang - alang sa kapakanan sa kapwa at Di-wasto kung hindi.

(a)   1. Tumulong ng walang alinlangan ang pamilya Diaz sa biktima ng bagyo.

7.

(a)   2. Paggalang sa opinyon ng iba.

8.

(a)   3. Ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay kailangang taglay natin sa tuwina.

9.

(a)   4. Nagpapahiram sa nangangailangan ngunit pinatutubuan.

10.

(a)   5. Ikinalulugod ng Diyos ang ginagawa nating pagsasaalang-alang sa kapakanan ng ating kapwa.

11.

(a)   1. Iniiwasan ni May na makisali sa usapan ng matatanda.

12.

(a)   2. Nakita ni Faith na walang baon ang kanyang kaklase kaya’t binigyan niya ito ng kanyang kinakain.

13.

(a)   3. Hindi gumagamit ng po at opo si Axel habang nakikipag-usap sa matanda.

14.

(a)   4. Nakikipagtalo ang pinuno sa kaniyang miyembro dahil nais niyang siya lamang ang masunod.

15.

(a)   5. Tahimik si John na gumagawa ng kanyang takdang -aralin habang ang ate niya ay nasa online class.

16.

(a)   1. Pamimintas sa kasuotan ng iba.

17.

(a)   2. Paggamit ng po at opo sa pakikipag-usap sa nakatatanda.

18.

(a)   3. Pagbibigay kasiyahan sa mga lolo at lola.

19.

(a)   4. Pagsingit sa mahabang pila upang mauna.

20.

(a)   5. Pakikinig sa mga payo ng mga magulang.

21.

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Iwasto ang mga ito upang maipakita ang pagsasaalang-alang sa kapanan ng kapwa.

1. Magbingi-bingihan sa payo ng mga magulang.

4 lines
22.

2. Pagsagot nang pabalang sa mga nakatatanda.

4 lines
23.

3. Pagsasabi ng di-makatotohanan sa kapwa.

4 lines
24.

4. Pagpili ng taong gustong tulungan lamang.

4 lines
25.

5. Pansariling kaligayahan lamang ang isipin sa tuwina.

4 lines