NEW
Font size
WorksheetsAgham Reviewer
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Anong sense organ ang iyong gagamitin sa paglalarawan ng sukat, hugis at kulay ng mga bagay na nakikita mo sa paligid?
mata
tainga
balat
ilong
Alin hayop ang naiiba sa pangkat?
kalabaw
baka
kabayo
kambing
Alin sa mga sumusunod ang nabubuhay sa tubig?
bibe
ibon
isda
kalabaw
Ito ay bahagi ng halaman na sumisipsip ng tubig.
tangkay
bulaklak
dahon
ugat
Alin sa mga sumusunod na hayop ang ginagamit ang buntot sa pagbugaw ng mga kulisap?
daga
palaka
kabayo
isda
Anong puwersa ang naging sanhi ng paggalaw ng bangka?
hangin
tubig
baterya
kuryente
Ang proseso ng paggawa ng sariling pagkain ng mga halaman gamit ang liwanag ng araw ay tinatawag na ___________.
Phototherapy
Photosynthetic
Photography
Photosynthesis
Halimbawa ng bagay na _________________ ay bato.
may buhay
walang buhay
gumagalaw
lumalaki
Ang mga nabanggit ay mga pamamaraan ng pangangalaga ng ating sense organs. MALIBAN sa isa, ano ito?
Pagbabasa sa mga lugar na may sapat na ilaw o liwanag.
Paliligo araw-araw.
Pagkusot ng mata kung ito ay makate o pinasukan ng dumi.
Pagkain ng mga mabeberde at madidilaw na prutas at gulay.
Kung ikaw ay nakararanas ng pagkapaso o pagkasunog ng balat, ano ang iyong dapat gawin?
Magpunta sa pagamutan.
Linisin ang sugat ng pagkapaso.
Lagyan ng “ointment” ang paso.
Lahat ng nabanggit
Pinakamalawak na anyong tubig na napakalalim at malalaki ang alon.
Karagatan
Ilog
Dagat
Golpo
Bilang isang mag-aaral, bakit kailangan nating isaalang- alang ang mga hakbang pangkaligtasan at mga babala tuwing maulan ang panahon?
Upang makaiwas sa sakit.
Upag maging ligtas ang sarili.
Upang mapanatili ang magandang kalusugan at pangangatawan.
Lahat ng nabanggit.
Bakit mahalaga ang parola o lighthouse sa mga sasakyang pandagat?
Ito ay nagsisilbing palamuti upang gumanda ang kapaligiran.
Ang parola ay ginagamit upang makagawa ng pagkain ang mga halaman.
Ang parola ay nagsisilbing gabay ng mga barko sa dilim at nagbibigay babala kung may panganib.
Ito ay nagkokontrol ng daloy ng sasakyan.
Magandang panahon ito upang yayain ang iyong mga
kaibigan upang maglaro sa parke. Anong uri ng panahon ito?
maulan
maulap
mahangin
mahangin
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang
nagpapahayag ng tama?
Ang panahon ay nagbabago.
Ang panahon ay tumutukoy sa kalagayan ng
atmospera sa loob ng isang araw o mas maiksing oras.
Mayroong limang uri ng panahon
Ang lahat ng nabanggit ay tama
Anong mangyayari sa dagat kung tatapunan ito ng bagay gaya ng plastik at iba pang basura?
Magiging malinaw ang dagat.
Malalason ang mga isda at iba pang laman-dagat.
Magiging kaaya-aya itong tingnan.
Magandang paliguan ang dagat.
Bakit kailangan natin ang init at liwanag na mula sa mga bagay sa ating paligid?
upang lumaki tayong matangkad
upang hindi tayo mamatay sa sobrang lamig at makita natin
ang kagandahan ng mundo
upang tayo ay maging masaya
upang makagawa tayo ng mga bagay na kapaki-
pakinabang.
Alin sa mga sumusunod ang dapat mong gawin upang mapanatiling ligtas ang sarili mula sa masamang epekto ng init ng panahon?
Magsuot ng makakapal na tela ng damit
Gumamit ng bota upang maging komportable
Maglaro ng Volleyball tuwing tanghaling tapat.
Manatili sa loob ng bahay sa mga oras na matindi ang sikat ng araw.
Ito’y makikita pagkatapos ng ulan. Nabubuo ito dahil sa maliliit na patak ng tubig na nasisinagan ng araw.
Ulap
Bahaghari
Araw
Bulalakaw
May bituin na kulay dalandan, puti, dilaw, pula at asul. Ano ang ipinapakita tungkol dito?
Ang mga bituin ay may iba’t ibang laki.
Ang mga bituin ay nakikita tuwing gabi.
Ang mga bituin ay may iba’t ibang kulay.
Ang mga bituin ay may iba’t ibang hugis.
