wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Estilo ng mga Sanggunian

Total questions: 10

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Sa paraang MLA, paano aayusin ito?


Sa sanaysay ni Gino Dormiendo na “World Class o Wa Klas?” binanggit niya sa pahina 34 hanggang 35 na…

a)

(Dormiendo 34-35)

b)

(Dormiendo)

c)

("World Class" 34-35)

2.

Sa paraang MLA, paano aayusin ito?


Mababasa sa blog na Hulagway ang artikulong “Ma Mon Luk” na may 15 talata…

a)

(Hulagway tal. 1-15)

b)

(“Ma Mon Luk” 15)

c)

(“Ma Mon Luk” tal. 1-15)

3.

Sa paraang MLA, paano aayusin ito?


Sa akda nina Santiago, Perez, at Zafra, mababasa sa pahina 250 hanggang 260…

a)

(Santiago, Perez, at Zafra 250-260)

b)

(Santiago et.al. 250-260)

c)

(Santiago et.al., 250-260)

4.

Paano gagawing APA in-text citation ito?


Constantino, Renato. A Past Revisited. Quezon City: Tala Publishing, 1975.

a)

(Constantino 1975)

b)

(Constantino, 1975)

c)

(A Past Revisited, 1975)

5.

Paano gagawing estilong APA ito?


Nilathala noong 1988 ang sanaysay na "Pilipino sa Pamantasan" ni Rolando Tinio...

a)

(Tinio, 1988)

b)

("Pilipino" 1988)

c)

(Rolando Tinio, 1988)

6.

Gawing estilong APA ang impormasyon:


Sa ulat ni Krissy Esguerra na lumabas kahapon sa Philippine Daily Inquirer, na nasa frontpage nito, darating ang mga bakuna galing sa Sinovac ng Tsina ngayong buwan

a)

(Esguerra, 24 Hunyo 2021)

b)

(Esguerra, 2021 Hunyo 24)

c)

(Esguerra, 2021)

7.

Sa Chicago Manual of Style, __________ ang tawag sa estilo ng bilang na nasa unahan ng ngalan ng awtor:


6 Caroline S. Hau, Necessary Fictions: Philippine Literature and the Nation, 1946-1980 (Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2001), pp. 1-2.

a)

superscript

b)

subscript

c)

typescript

8.

Ginagamit ang daglat na ito kapag magkasunod ang banggit sa isang sanggunian. Kung pareho lamang ang pahinang pinagmulan ng datos, ang daglat ding ito ang isinusulat.

a)

loc. cit.

b)

op. cit.

c)

ibid.

9.

Ginagamit ang daglat na ito kung babanggiting muli ang isang sanggunian na may ibang pahina ngunit may pumagitnang ibang sanggunian dito. Isulat ang apelyido ng may-akda na susundan ng nasabing daglat at ng (mga) pahina.

a)

loc. cit.

b)

op. cit.

c)

ibid.

10.

Pinakamatanda ito sa tatlong estilo ng pagtatala ng sanggunian na unang nilathala noong 1906.

a)

Chicago Manual of Style

b)

APA style

c)

MLA style