Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino 5- assessment

Total questions: 30

Worksheet time: 16mins

Name
Class
Date
1.

Anong uri ng pangungusap ito?Ginugunita ngayong araw ang Sikhayan Festival sa Santa Rosa City.

a)

Pasalaysay

b)

Patanong

c)

Padamdam

d)

Pautos

2.

Nag-alay si Mayor Arcillas ng bulaklak sa Dambana ni Dr. Jose Rizal. Ito ay pangungusap na ______.

a)

Patanong

b)

Pautos

c)

Pasalaysay

d)

Padamdam

3.

Bakit tinaguriang Lion City of the South ang Santa Rosa City? Ito ay pangungusap na _______.

a)

Pautos

b)

Patanong

c)

Pasalaysay

d)

Padamdam

4.

Dapat piliin natin ang mga kandidatong kayang ipaglaban ang interes ng bawat mamamayan.Anong uri ng pangungusap ito?

a)

Pautos

b)

Padamdam

c)

Patanong

d)

Pasalaysay

5.

Anong uri ng pangungusap ito? Naniniwala ka bang ang tunay na kalayaan ay natamo ng mga Pilipino noong Hulyo 4, 1946?

a)

Pautos

b)

Pasalaysay

c)

Padamdam

d)

Patanong

6.

" Tapusin mo na ang mga pagsusulit mo ngayon." Ang sabi ng nanay kay Antoneth. Anong uri ng pangungusap ang sinabi ni nanay?

a)

Pasalaysay

b)

Pautos

c)

Patanong

d)

Pakiusap

7.

Pinangunahan ng Pangulo ng Pilipinas ang pagtataas ng watawat ng Liwasang Bonifacio sa Maynila.Ito ay pangungusap na _____

a)

Pasalaysay

b)

Pautos

c)

Padamdam

d)

Patanong

8.

Anong taon ang pinaka malakas na pagsabog ang naitala sa Bulkang Taal? Ito ay pangungusap na ______

a)

Pautos

b)

Pasalaysay

c)

Padamdam

d)

Patanong

9.

Anong uri ng pangungusap ito? Mabuhay ang bansang malaya!

a)

Patanong

b)

Pautos

c)

Padamdam

d)

Pakiusap

10.

Kaugnay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ay isinara sa daloy ng trapiko ang ilang mga pangunahing kalsadasa kamaynilaan. Ito ay pangungusap na ______

a)

Pasalaysay

b)

Pautos

c)

Padamdam

d)

Pakiusap

11.

Ano ang makikita sa larawan?

a)

A. TSART

b)

B. MAPA

c)

C. DAYAGRAM

d)

D. GRAP

12.

Ito ay halimbawa ng _______

a)

A. TSART

b)

B. MAPA

c)

C. VENN DAYAGRAM

d)

D. GRAP

13.

Ang nasa larawan ay isang ______.

a)

A. PIE GRAP

b)

B. MAPA

c)

C. DAYAGRAM

d)

D. BAR GRAP

14.

Ipinakikita sa ______ ang bahagdan na mga aklat na makikita sa silid aklatan.

a)

A. PIE GRAP

b)

B. VENN DAYAGRAM

c)

C. FISHBONE DAYAGRAM

d)

D. BAR GRAP

15.

Anong uri ng dayagram ito?

a)

A. TREE DAYAGRAM

b)

B. VENN DAYAGRAM

c)

C. FISHBONE DAYAGRAM

d)

D. LADDER DAYAGRAM

16.

Ano ang sanhi sa pangyayari?

a)

Bumuhos ang malakas na ulan

b)

Nagkaroon ng malaking pagbaha sa siyudad

17.

Ano ang bunga sa pangyayari?

a)

Ang buong bansa ay nahaharap sa malaking problema

b)

Nagkaroon ng Enhanced Community Quarantine sa bawat siyudad

18.

Ano ang sanhi sa pangyayari?

a)

Dumami ang bilang ng mga kaso ng pagkakaroon ng Corona Virus.

b)

Maraming mga mamamayan ang hindi sumusunod sa pinaiiral na Enhanced Community Quarantine.

19.

Piliin ang bunga sa pangyayari.

a)

Maraming mga magulang at mag-aaral ang hindi pa handa sa pasukan sa Hunyo.

b)

Sila ay may takot at pangamba pa rin sa Corona Virus.

20.

Ano ang sanhi sa pangungusap?

a)

Tuwang-tuwa ang mga Senior Citizen ng Barangay Tagapo.

b)

Marami silang benepisyong natatanggap sa barangay.

21.

Panganay si Andres Bonifacio sa anim na magkakapatid. Labing-apat na taon si Andres nang mamatay ang kaniyang magulang. Gumawa at nagtinda siya ng abanikong papel at tungkod na kahoy. Pumasok siyang

mensahero sa isang kompanya. Naging ahente rin siya ng iba pang kompanya. Ano ang paksa ng binasang talata?

a)

JOSE RIZAL

b)

ANDRES BONIFACIO

c)

MARIA MAKILING

d)

ANDRES FELIDAD

22.

Panganay si Andres Bonifacio sa anim na magkakapatid. Labing-apat na taon si Andres nang mamatay ang kaniyang magulang. Gumawa at nagtinda siya ng abanikong papel at tungkod na kahoy. Pumasok siyang

mensahero sa isang kompanya. Naging ahente rin siya ng iba pang kompanya. Ano ang kaniyang itinitinda?

a)

Kompanya

b)

abanikong papel at tungkod na kahoy

c)

pamaypay at kendi

d)

tubig at sigarilyo

23.

Panganay si Andres Bonifacio sa anim na magkakapatid. Labing-apat na taon si Andres nang mamatay ang kaniyang magulang. Gumawa at nagtinda siya ng abanikong papel at tungkod na kahoy. Pumasok siyang

mensahero sa isang kompanya. Naging ahente rin siya ng iba pang kompanya. Ano ang ugaling taglay ni Andres Bonifacio?

a)

masipag, matapang at matakaw

b)

masipag, matiyaga at madiskarte

c)

masipag, matalino at mataray

d)

tamad, bugnutin at irresponsable

24.

Ang dokumentaryo ay isang programa sa radyo, telebisyon, at maaari ring pelikula na nagsisilbing libangan. Ginigising ng mga isyu ng dokumentaryo ang aking diwa at damdamin kapag naging mabisa ang pagkakalahad nito. Nababago rin nito ang aking _____________, _____________, at _____________.

a)

pananaw

b)

saloobin

c)

itsura

d)

prinsipyo

25.

Nakakita ka na ba ng walis tingting? Kapag nag-iisa lamang ang tingting, marupok ito at madaling maputol. Subalit kapag pinagsama-sama ang mga tingting, nagiging matibay ito at nagagamit ito ng maayos. Ang mga miyembro ng pamilya ay parang tingting—mas matibay kapag magkakasama. Kapag nagkakaisa at nagtutulungan ang buong pamilya, nagtatagumpay sila sa mga problemang kanilang hinaharap.Ano ang kailangan upang magtagumpay ang isang pamilya?

a)

pagkain at tirahan

b)

pagkakaisa at pagtutulungan

c)

pera at materyal na bagay

d)

pagtitiwala sa kapit-bahay

26.

Nakakita ka na ba ng walis tingting? Kapag nag-iisa lamang ang tingting, marupok ito at madaling maputol. Subalit kapag pinagsama-sama ang mga tingting, nagiging matibay ito at nagagamit ito ng maayos. Ang mga miyembro ng pamilya ay parang tingting—mas matibay kapag magkakasama. Kapag nagkakaisa at nagtutulungan ang buong pamilya, nagtatagumpay sila sa mga problemang kanilang hinaharap.Ano ang paksa ng nabasang talata?

a)

Pagkakaisa at pagtutulungan ng buong pamilya

b)

pagsasama -sama ng pamilya

c)

pagmamahalan ng pamilya

d)

pagkakaroon ng walis ay mahalaga

27.

Nakakita ka na ba ng walis tingting? Kapag nag-iisa lamang ang tingting, marupok ito at madaling maputol. Subalit kapag pinagsama-sama ang mga tingting, nagiging matibay ito at nagagamit ito ng maayos. Ang mga miyembro ng pamilya ay parang tingting—mas matibay kapag magkakasama. Kapag nagkakaisa at nagtutulungan ang buong pamilya, nagtatagumpay sila sa mga problemang kanilang hinaharap.Saan maihahambing ang miyembro ng pamilya? Bakit?

a)

Araw, dahil ito ay nagpapakita ng pag-asa.

b)

Puno, dahil ito ay nagpapakita ng katatagan.

c)

Walis tingting dahilmatibay ang pamilya kapag sama-sama.

d)

Bahay dahil dito nabubuo ang pagmamahalan ng mag-anak.

28.

Nakalimutan ni Sophia ang kanyang I.D kaya umuwi siya sa bahay.

Hanapin kung ano ang sanhi sa pangungusap.

a)

Sophia

b)

nakalimutan ni Sophia ang I.D

c)

umuwi siya ng bahay

29.

Uhaw na uhaw si Benjie kung kaya’t uminom siya ng maraming tubig.

Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit?

a)

sanhi

b)

bunga

c)

pandiwa

30.

Masikip na ang aking lumang sapatos kaya bumili ng bagong sapatos si tatay.

Ano ang tawag sa salitang may salungguhit?

a)

sanhi

b)

bunga

c)

pangngalan