wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

WORKSHEET NO. 1 GMRC

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kawilihan sa pag-aaral?

a)

Makipagkuwentuhan sa katabi sa oras ng klase.

b)

Palagiang paglahok sa pangkatang gawain.

c)

Nakikilahok sa talakayan paminsan-minsan.

d)

Nagpapasa ng proyekto na lagpas sa itinakdang araw.

2.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi nagpapakita ng kawilihan sa pag-aaral?

a)

Nakikinig sa guro sa oras ng talakayan.

b)

Ginagawa ang takdang-aralin kung nais lamang

c)

Ibinabahagi sa iba ang mga natutunan

d)

Gumagawa ng proyekto gamit ang makabagong teknolohiya

3.

Paano mo maipapakita ang matapat na paggawa sa mga proyektong pampaaralan?

a)

Ipagawa ang proyekto sa mga magulang

b)

Gawin ang proyekto sa abot ng makakaya

c)

Bayaran ang kapitbahay sa paggawa ng proyekto

d)

Gayahin ang proyektong ginawa ng kamag-aral

4.

Alin sa mga sumusunod na Gawain ang nagpapakita ng pagkakaisa?

a)

Paggawa ng proyekto at pagsusumite sa itinakdang araw

b)

Pag-aaral ng mabuti at pagbahagi sa mga natutunan sa iba

c)

Pakikilahok ng bawat kasapi sa pangkatang gawain sa klase

d)

Pagsali sa talakayan nang walang pakundangan

5.

Bakit kailangang makilahok at makiisa sa pangkatang gawain ang bawat kasaping mag-aaral?

a)

Para hindi masita ng guro

b)

Upang hindi magalit ang mga kamag-aral

c)

Para matapos ang gawain

d)

Dahil ito ang kailangang gawin

6.

Binigyan kayo ng takdang-araling ng inyong guro. Napagod ka sa kalalaro. Ano ang gagawin mo?

a)

Ipagawa sa Kuya ang takdang-aralin.

b)

Magpahinga sandali at gawin ang takdang-aralin.

c)

Hindi gawin ang takdang-aralin.

d)

Liliban sa klase kinabukasan.

7.

Bakit kailangang mag-aaral ng mabuti?

a)

Upang magkapagtapos at makakuha ng magandang trabaho sa hinaharap.

b)

Upang mapatunayan sa lahat na magaling ka.

c)

Upang maipagmalaki ang sarili.

d)

Upang matalbugan mo ang iyong mga kapatid.

8.

Ikaw ay nagpapakita ng kawilihan sa pag-aaral kapag ikaw ay___________.

a)

Pumapasok sa paaralan kung gusto lang.

b)

Lumiliban kapag umuulan.

c)

Nag-aral kung may malaking baon na ibibigay si Nanay.

d)

Nagsusumikap na mag-aral.

9.

Ano ang iyong gagawing paghahanda kapag may pagsusulit?

a)

Mag-aaral ng mabuti.

b)

Maagang matulog upang huwag mapuyat.

c)

Magdasal imbis na mag-aral.

d)

Kaibiganin ang mga matatalinong kaklase.

10.

Paano maipakikita ang tiyaga sa pag-aaral?

a)

Gawin lamang ang mga madadaling Gawain sa pag-aaral.

b)

Tapusin ang sinimulang Gawain, gaano man ito kahirap.

c)

Simulan agad ang gawain at hindi tapusin pagnahihirapan na.

d)

Mag-aral lang kapag binigyan ng malaking baon.

11.

May proyekto ka na may kahirapang gawin ngunit makakaya mo kung pipilitin mo. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Itago na ito ng tuluyan.

b)

Ipagpaliban na lang muna.

c)

Gumawa ng paraan upang matapos ito ng hindi humihingi ng tulong.

d)

Bahala na lamang.

12.

Pumasok sa paaralan si Jerry na hindi naligo at madumi ang uniporme. Tanghali na kasi siya nagising at mahuhulina siya sa klase kung maliligo pa siya. Ano ang dapat sanang gawin ni Alma?

a)

Umabsent na lang upang di-pagtawanan sa klase

b)

Maligo pa rin at magsuot ng malinis na umiporme kahit mahuli sa klase

c)

Pumasok pa rin kahit hindi naliligo at marumi ang uniporme

d)

Magsuot ng bagong umiporme at pumasok kahit hindi naliligo

13.

Binigyan ni Bb. Cruz ang kaniyang mga mag-aaral ng pangkatang gawain. Kung ikaw ay kabilang sa pangkat na madalas napapagsabihan dahil hindi tama ang ginagawa, ano ang gagawin mo?

a)

Lilipat ng ibang grupo

b)

Maging pasimuno sa pagbabago upang makagawa nang maayos

c)

Pagalitan ang mga kagrupo

d)

Magpatuloy sa hindi magandang gawain

14.

Ano ang dapat mong gawin kung may pangkatang gawain sa paaralan ngunit hindi tumutulong ang iyong mga kagrupo?

a)

Hikayatin ang mga kagrupo na magkaisa at magtulung-tulong upang matapos ang gawain

b)

Hayaan na lang ang ayaw tumulong

c)

Mag-isa mong tapusin ang pangkatang gawain

d)

Isumbong sa guro na ikaw lang ang seryoso sa grupo

15.

Bakit mahalaga ang pagkakaisa sa pagtatapos ng gawain?

a)

upang manalo sa anumang kumpetisyon

b)

dahil sa pagkakaisa at pagtutulungan nagiging matagumpay at madaling natatapos ang gawain

c)

dahil magandang tingnan ang pangkat na nagkakaisa at nagtutulungan

d)

upang mapanitili ang pagkakaibigan sa lahat ng panahon

16.

Binigyan kayo ng inyong guro ng gawain na inyong sasagutan habang wala siya dahil ipinatawag siya ng punung- guro. Ano ang gagawin mo?

a)

sagutan ang gawain nang may katapatan

b)

maglaro at saka na lang ang ipinagagawa ng guro

c)

magbukas ng kwaderno upang makakuha ng mataas na marka

d)

mangopya sa katabi

17.

Paano mo maipapakita ang kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral?

a)

Mga extra-curricular activities lang ang pagtutuunan ko ng pansin.

b)

Sinisikap pumasok araw-araw at ginagawa lahat ng takdang aralin.

c)

Liliban sa klase tuwing araw ng kaniyang paglilinis at shortened period.

d)

Paghuhusayan ko lang mag-aral sa mga pinakagusto kong guro at asignatura.

18.

Bakit kailangang mag-aral ng mabuti?

a)

Upang maipakita sa mga taong mapang-api.

b)

Upang matalbugan mo ang iyong mga kapatid.

c)

Upang mapatunayan sa lahat na magaling kang bata.

d)

Upang makapagtapos at makahanap ng magandang trabaho.

19.

Ano ang kahalagahan ng pangkatang gawain sa pagkatuto ng mga mag-aaral?

a)

Malalaman ang kahinaan ng ibang kamag-aral.

b)

Kailangan ito para ang mga iba ay maging tamad.

c)

Nababawasan ang kanilang pagod sa maghapong pag-aaral.

d)

Natutuhan ng mga bata ang makisama para matapos ang isang gawain.

20.

Bakit kailangang magtanong sa isang pag-uusap o talakayan?

a)

Gusto lamang magpasikat sa iba.

b)

Isang paraan ito upang mainis ang iyong kausap.

c)

Daan ito upang malinawan ang mga hindi naiintindihan.

d)

Para mapahiya ito kung hindi niya nasagot ang mga tanong.

21.

Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin ng isang mag-aaral kung ang guro ay nagsasagawa ng talakayan sa isang asignatura?

a)

Makipagdaldalan sa kaibigan.

b)

Huwag pakinggan ang sinasabi.

c)

Tumahimik at makinig ng mabuti.

d)

Lumipat ng upuan para matulog.

22.

Sa iyong palagay, ano ang dapat tandaan ng bawat miyembro ng pangkat upang maging mabilis at maayos ang gawain?

a)

Ipaubaya sa ibang miyembro ang gawain dahil sa tingin mo mas magaling sila sa iyo.

b)

Makikilahok ang bawat miyembro upang mapadali ang gawain.

c)

Hindi sasali sa gawain dahil walang ibabahaging ideya.

d)

Ipagpilitan ang nabuong ideya tungkol sa gawain.

23.

Ano ang iyong gagawin kung hindi mo naintindihan ang ipinapagawa sa iyo ng guro?

a)

Hayaan na lang kasi nakakahiya

b)

Magtatanong sa kaklase kung anong gagawin.

c)

Hindi na lang iintindihin ang sinasabi ng guro.

d)

Mahinahon na tatanungin ang guro tungkol sa gawain.

24.

Bakit kailangan ang pagkamahinahon kapag may ginagawang proyekto ang iyong pangkat?

a)

Upang maintindihan ang ideya ng bawat isa nang mapabilis ang ginagawang proyekto

b)

Upang lalong mapatagal ang ginagawang proyekto

c)

Upang bigyan ng malaking marka ng guro

d)

Upang purihin ng guro

25.

Kahit mahirap lang si John ay humahanap siya ng paraan upang makatulong sa sarili na maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Naghanap siya ng pagkakakitaan tulad ng pagtitinda ng pagkain sa mga kaklase upang mayroong pambaon. Alin sa mga positibong kaugalian ang ipinakita ni John sa sitwasyong ito?

a)

Mapanghusga

b)

Mahinahon

c)

Matulungin

d)

Masipag