NEW
Font size
WorksheetsESP Q4 Quiz
Total questions: 20
Worksheet time: 45mins
Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat ang TAMA kung nagpapakita ito ng pananalig sa Diyos at MALI naman kung hindi.
1. Anomang pagsubok ang dumating sa iyong buhay naniniwala kang hindi ka pababayaan ng Diyos.
TAMA
MALI
Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat ang TAMA kung nagpapakita ito ng pananalig sa Diyos at MALI naman kung hindi.
2. Sabay sabay na nagdarasal ang inyong pamilya bago matulog o kumain.
TAMA
MALI
Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat ang TAMA kung nagpapakita ito ng pananalig sa Diyos at MALI naman kung hindi.
3. Naniniwala lamang sa sariling kakayahan, paniniwala at hindi kailanman kinikilala ang tulong ng Diyos.
TAMA
MALI
Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat ang TAMA kung nagpapakita ito ng pananalig sa Diyos at MALI naman kung hindi.
4. Nasira ng bagyo ang pananim ninyo kaya’t nawalan na kayo ng pag-asang makabangon pang muli.
TAMA
MALI
Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat ang TAMA kung nagpapakita ito ng pananalig sa Diyos at MALI naman kung hindi.
5. Sama-samang nagsisimba ang iyong pamilya
TAMA
MALI
Piliin ang ( / ) kung ang salita ay nagpapakita ng pananalig sa Diyos at ( x ) kung hindi.
11. matakot palagi
Piliin ang ( / ) kung ang salita ay nagpapakita ng pananalig sa Diyos at ( x ) kung hindi.
12. manalangin
Piliin ang ( / ) kung ang salita ay nagpapakita ng pananalig sa Diyos at ( x ) kung hindi.
13. magtiwala
Piliin ang ( / ) kung ang salita ay nagpapakita ng pananalig sa Diyos at ( x ) kung hindi.
14. mangamba
Piliin ang ( / ) kung ang salita ay nagpapakita ng pananalig sa Diyos at ( x ) kung hindi.
15. mawalan ng pag-asa
16. Nagdarasal sa harap ng imahen ng santo ang iyong kaibigan. Hindi ka sang-ayon sa paniniwalang ito dahil sa iba ang iyong nakagisnan. Ano ang gagawin mo?
A. Kakalabitin at sasabihing mali ang ginagawa niya.
B. Mag-iingay ako upang mapansin niya.
C. Mag-aantay ako nang tahimik habang inaantay siyang matapos manalangin.
D. Pagtatawanan ko siya pagkatapos niyang magdasal.
17. Madalas may suot na “hijab” o belo ang kaklase mong Muslim na babae. Mainit ang panahon kaya naiinis ka sa kaniyang suot. Ano ang gagawin mo?
A. Hihilahin ang belo at sasabihing napakainit ng panahon.
B. Sasabihin sa kaniyang hindi maganda ang kaniyang suot.
C. Igagalang ko kung ano ang kaniyang suot.
D. Gagayahin ko ang kaniyang itsura.
18. Nagbabahagi si Krizza sa inyong klase ng kaniyang natutuhan sa kanilang Bible study. Ibang-iba ito sa paniniwala mo. Ano ang gagawin mo?
A. Sasabihing hindi totoo ang mga sinasabi niya.
B. Pauupuin at ikaw ang tatayo upang magbahagi.
C. Sasabihin kong sa susunod ay huwag na siyang magbahagi.
D. Makikinig ako nang tahimik sa kaniyang ibinabahagi.
19. Bumisita ka sa lugar ng iyong pinsan kung saan may ipinagdiriwang na kapistahan. Isinasama ka ng pinsan mo sa gaganaping prusisyon bilang bahagi ng pagdiriwang. Hindi ka sang-ayon dito sapagkat iba ang iyong paniniwala. Ano ang gagawin mo?
A. Sasabihin sa iyong pinsan na manuod na lamang kayo ng sine.
B. Ipaliliwanag sa iyong pinsan na hindi ka makakasama at iintayin mo na lamang siya hanggang matapos ang prusisyon.
C. Sasabihin sa pinsan mong huwag sumama dahil mali iyon.
D. Magtatago ka sa loob ng kuwarto upang hindi ka niya maisama.
20. Pinaupo sa tabi mo ng inyong guro ang bago mong kamag-aral. Iba ang kaniyang relihiyon at bagong lipat siya sa inyong paaralan. Natatakot kang hindi kayo magkasundo dahil magkaiba kayo ng paniniwala. Ano ang gagawin mo?
A. Sasabihin sa guro na ayaw mo siyang katabi.
B. Hindi na lamang siya papansinin.
C. Makikipagpalit ng upuan sa katabi.
D. Hahayaang tumabi at makipagkaibigan sa kaniya.
