wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Paunang Pagtataya

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay isang uri ng panitikan na lumaganap bago pa dumating ang mga Kastila sa ating bansa.

a)

Maikling Kuwento

b)

Karunungang-Bayan

c)

Epiko at Sanaysay

d)

Mga Awit at Korido

2.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng karunungang-bayan?

a)

bugtong, tula, salawikain, palaisipan, kasabihan

b)

kasabihan, palaisipan, bugtong, tula, sawikain

c)

salawikain, sawikain, kasabihan, bugtong, palaisipan

d)

salawikain, tula, epiko, palaisipan, sawikain

3.

“Ano man ang tibay ng piling abaka ay wala ring lakas kapag nag-iisa”. Ano ang ibig sabihin ng salawikaing ito?

a)

Pagtitiis

b)

Pagtitiwala

c)

Pagmamakaawa

d)

Pagkakaisa

4.

Ito ay tumutukoy sa mga salitang naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay.

a)

Pandiwa

b)

Pang-abay

c)

Pang-uri

d)

Panghalip

5.

“Nagpapasalamat pa rin ako na naipagdidiriwang ko ang Pasko sa bahay kasama ng mga mahal ko sa buhay na minsan ko lang makasama”. Alin sa pangungusap na ito ang pang-abay na panlunan?

a)

Nagpapasalamat

b)

naipagdidiriwang

c)

sa bahay

d)

mahal sa buhay

6.

“Sabi ni Inay, napakaganda raw pagmasdan ang paglubog ng araw sa probinsiya tuwing hapon”. Alin sa pangungusap na ito ang pang-abay na pamanahon?

a)

sabi ni Inay

b)

paglubog ng araw

c)

sa probinsya

d)

tuwing hapon

7.

Ito ay pinapahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan at binibigkas sa paraang patula.

a)

Salawikain

b)

Palaisipan

c)

Sawikain

d)

Bugtong

8.

Alin sa sumusunod ang totoo tungkol sa bugtong at palaisipan?

a)

Ang bugtong ay isang uri ng palaisipan.

b)

Mahaba ang bugtong samantalang maiksi ang palaisipan.

c)

Ang bugtong ay isang karunungang-bayan, katutubong awitin naman ang palaisipan.

d)

Ang palaisipan ay suliranin samantalang isang tanong naman ang bugtong.

9.

“Pupunta kami sa bahay ng aming kaibigan bukas”. Anong uri ng pang-abay ang salita “bukas” sa pangungusap?

a)

Pamanahon

b)

Panlunan

c)

Pamaraan

d)

Panggaano

10.

“Nagmamadaling bumaba ng hagdan si Josephine.” Anong uri ng pang-abay ang salita “nagmamadali” sa pangungusap?

a)

Pamanahon

b)

Panlunan

c)

Pamaraan

d)

Panggaano