WorksheetsKolonyalismo ng mga Espanyol (Pagsusulit 1.1)
Total questions: 12
Worksheet time: 3600secs
Anong "K" na dahilan ng pananakop ng mga Espanyol ang tinutukoy ng misyong ikalat ang paniniwala sa relihiyong Katoliko sa ngalan ng Santo Papa?
Karangalan
Kayamanan
Kristiyanismo
Anong "K" na dahilan ng pananakop ng mga Espanyol ang tinutukoy ng pagkuha ng ginto at ng iba pang mga likas na yaman mula sa mga sinakop na kolonya?
Karangalan
Kayamanan
Kristiyanismo
Anong "K" na dahilan ng pananakop ng mga Espanyol ang tinutukoy ng pagkakaroon ng mas maraming lupain at pagpapalawak ng kanilang imperyo?
Karangalan
Kayamanan
Kristiyanismo
Anong bansa ang pangunahing katunggali (rival) ng Espanya sa pananakop at pagbuo ng mga imperyo noong 1500's?
Britain
France
Germany
Portugal
Saan matatagpuan ang Moluccas o ang "Spice Islands" na pinag-aagawan noong 1500's dahil doon lamang nagmumula ang mga pampalasang nutmeg, cloves, at cinnamon?
Africa
India
Indonesia
Philippines
Sino ang Portuges na manlalakbay na nagpasimula ng isang ekspedisyong naglayag papunta sa Kanluran (westward) para makarating sa Asya sa Silangan?
Enrique El Negro
Ferdinand Magellan
Ruy Lopez de Villalobos
Miguel Lopez de Legazpi
Sino ang aliping naging unang taong nakapaglakbay nang paikot sa buong mundo nang sumama siya sa isang ekspedisyon ng mga Espanyol bilang tagagabay (navigator) nito?
Enrique El Negro
Ferdinand Magellan
Ruy Lopez de Villalobos
Miguel Lopez de Legazpi
Sino ang Espanyol na manlalakbay na naging matagumpay sa pananakop sa Filipinas sa pamamagitan ng estratehiyang "Divide and Conquer"?
Enrique El Negro
Ferdinand Magellan
Ruy Lopez de Villalobos
Miguel Lopez de Legazpi
Sino ang Espanyol na manlalakbay na nagpangalan sa ating kapuluang Las Islas Filipinas sa ngalan ng Prinsipe ng Espanya na si Felipe?
Enrique El Negro
Ferdinand Magellan
Ruy Lopez de Villalobos
Miguel Lopez de Legazpi
Alin sa mga sumusunod na lugar ang unang narating ni Ferdinand Magellan noong March 16, 1521?
Cebu
Homonhon
Limasawa
Mactan
Sino ang pinuno ng Cebu noong 1521 na kumampi kay Magellan at pumayag na maikalat ng mga Espanyol ang relihiyong Kristiyano sa kanyang mga tagasunod?
Datu Puti
Lapu-Lapu
Raha Humabon
Raha Sulayman
Sino ang pinuno ng Mactan noong nagkaroon ng labanan doon noong 1521 kung saan napatay si Magellan at natalo ang mga Espanyol?
Datu Puti
Lapu-Lapu
Raha Humabon
Raha Sulayman
