wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Kategorya at Uri ng Pambalanang Pangngalan

Total questions: 15

Worksheet time: 30mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay salitang nagbibigay ngalan sa tao, hayop, bagay,pook, pangyayari, kondisyon at kalagayan.

a)

pandiwa

b)

panghalip

c)

pangngalan

d)

pang-ukol

2.

Anong uri ng pangngalan ang nahahawakan, nalalasahan, nakikita at nagagamitan pa ng ibang pandama?

a)

di-kongkreto

b)

kongkreto

c)

pambalana

d)

pantangi

3.

Ang tagapangasiwa ay nabahala na sa sitwasyon natin ngayon. Ang sinalungguhitang salita ay halimbawa ng __________ pangngalan.

a)

di-kongkreto

b)

kongkreto

c)

lansakan

d)

pantangi

4.

Lalong lumalala ang paninira ng virus sa katawan ng tao. Ang nakasulungguhit na pangngalan ay halimbawa naman ng _____________.

a)

bagay

b)

di-kongkreto

c)

kongkreto

d)

lugar

5.

Ang katarungan ay dapat pairalin sa lahat ng oras. Ang nakadiing salita ay halimbawa ng ______________ pangngalan.

a)

bagay

b)

di - kongkreto

c)

hayop

d)

kongkreto

6.

May impeksyon ang nanay niya kaya inihiwalay ito sa kanila. Alin dito ang nagsasabi ng kalagayan?

a)

impeksiyon

b)

inihiwalay

c)

kanila

d)

nanay

7.

I-tsek ang dalawang pangngalang nagsasabi sa ngalan ng hayop.

a)

alitaptap

b)

apa

c)

bubog

d)

tupa

8.

Alin dito sa sumusunod na mga pangngalan ang may naiibang kategorya?

a)

ale

b)

ate

c)

biko

d)

diko

9.

Alin dito sa sumusunod ang nagsasabi sa ngalan ng lugar?

a)

baon

b)

pantalon

c)

talon

d)

talong

10.

Ang sumusunod ay nagsasabi sa ngalan ng bagay MALIBAN SA isa.

a)

kagamitan

b)

kahirapan

c)

karatula

d)

kariton

11.

Ang sumusunod ay mga di-kongkretong pangngalan MALIBAN SA isa.

a)

Mahal na Araw

b)

Muling Pagkabuhay

c)

Santacruzan

d)

Taft Avenue

12.

Ang sumusunod ay mga kongkretong pangngalan MALIBAN SA isa.

a)

bubong

b)

bulak

c)

kariton

d)

kataksilan

13.

I -tsek ang tatlong pangngalang nagsasabi ng kalagayan.

a)

digmaan

b)

karangyaan

c)

pagluluksa

d)

punyal

14.

Pinikit niya ang kanyang mga mata ng tinusok ang kanyang braso ng karayom. Alin - alin dito ang tatlong pangngalang ginamit sa pangungusap?

a)

braso , karayom , mata

b)

karayom, mata, pinikit

c)

mata, pinikt , tinusok

d)

tinusok, karayom , braso

15.

Pinagbawalan din ang mga batang lumabas ng kani-kanilang mga bahay. Sisitahin ng mga tanod o pulis ang sinumang lalabag nito. Alin- alin naman dito sa sumusunod ang nagsasabi sa ngalan ng tao?

a)

bahay, bata, pulis

b)

bata, pulis, tanod

c)

bata, bahay , lalabag

d)

lalabag, lalabas, pulis