wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FILIPINO 8- MAIKLING PAGSUSULIT

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

7. Ibigay ang kahulugan ng matalinghagang pahayag na nakaitalisado, mabuting kasama ang taong marunong tumanaw ng utang na loob.

a)

malaking pasasalamat at kayang bayaran ng ano man.

b)

malaking pasasalamat at hindi kayang bayaran ng ano man.

c)

malaking pasasalamat pero may kapalit.

d)

malaking pasasalamat pero kailangan bayaran sa susunod.

2.

8. Ibigay ang kahulugan ng matalinghagang pahayag na nakaitalisado, itaga mo sa bato.

a)

kalimutan

b)

pakatandaan

c)

isaksak sa bato

d)

wala sa nabanggit

3.

9. Ibigay ang kahulugan ng matalinghagang pahayag na nakaitalisado, mahaba ang kamay.

a)

malikot

b)

magaling

c)

magnanakaw

d)

matulungin

4.

Mga pangungusap na kadalasang nasa pormang patula (may sukat at tugma) na nilulutas bilang isang palaisipan.

a)

Salawikain

b)

Bugtong

c)

Sawikain

d)

Karunungang-bayan

5.

Mga maiiksing pangungusap na kadalasan ay may sukat at tugma na may layong magbigay ng pangaral o gabay sa pang-araw-araw na pamumuhay.

a)

Salawikain

b)

Bugtong

c)

Sawikain

d)

Karunungang-bayan

6.

Mga salita o pahayag na hindi nagbibigay ng tuwirang kahulugan ng mga bubuo rito, bagkus ay ibang kahulugan.

a)

Salawikain

b)

Bugtong

c)

Sawikain

d)

Karunungang-bayan

7.

Bumili ako ng alipin, mas mataas pa sa akin.

a)

sumbrero

b)

sapatos

c)

bahay

d)

tsinelas

8.

Ano ang kahulugan ng sawikaing " bukas ang palad"?

a)

matapat

b)

matulungin

c)

malakas

9.

Isang hukbo ng sundalo, dikit-dikit ang mga ulo. Ano ang sagot sa bugtong na ito?

a)

walis

b)

tambo

c)

posporo

d)

sampayan

10.

Ano ang kahulugan ng buto't balat

a)

malusog

b)

payat na payat

c)

matangkad

d)

mataba

11.

Habang maikli ang kumot,matutong mamaluktot.

a)

Magtiis kung para sa iyo maliit ang kumot.

b)

Darating ang araw na aasenso ang buhay.

c)

Matutong magtipid kung nakakaranas ng problema sa buhay

d)

malamig ang panahon

12.

Bakit nasabing “Ang kalusugan ay kayamanan?”

a)

Kung malakas ka ay mayaman ka.

b)

Kapag malusog ka ito ay isang malaking kayamanang maaring ibenta.

c)

Magiging mayaman ka kung malakas kang kumain dahil marami kang pera.

d)

Ang malusog na katawan lang ang puhunan sa pagkakaroon ng masaganang buhay.

13.

Anong aral ang makukuha sa salawikaing “Ubos-ubos na biyaya, Bukas nakatunganga”.

a)

Kailangang marunong magtipid.

b)

Maging mabuti at mapagbigay sa kapwa.

c)

Mauubos ang pera mo kung nakatunganga ka lang.

d)

Maging mapagbigay sapagkat biyaya ito galing sa panginoong Diyos.

14.

Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing

a)

Doorbell

b)

Kampana

c)

cellphone

d)

alarm clock

15.

Kay lapit lapit na sa mata, di mo pa rin makita

a)

Ilong

b)

Tainga

c)

bibig

d)

dila

16.

Ang bata ay kasinglaki ng isang higante. Anong uri ng paghahambing ang ginamit sa pangungusap?

a)

Pagtutulad

b)

Pagwawangis

17.

Ang kanyang buhok ay singganda ng isang seda. Anong uri ng paghahambing ang ginamit?

a)

Pagtutulad

b)

Pagwawangis

18.

Si Anna ay natutulog na prinsesa. Anong uri ng paghahambing ang ginamit sa pangungusap?

a)

Pagtutulad

b)

Pagwawangis

19.

Si Juan ay parang langgam kung magtrabaho.

a)

Pagtutulad

b)

Pagwawangis

20.

Ang aklat ay isang mahiwagang pintuan patungo sa mundo ng kaalaman.

a)

Pagtutulad

b)

Pagwawangis