wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Natutukoy ang Nangangailangan ng Serbisyo at Produkto

Total questions: 20

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Tukuyin kung sino ang taong nangangailangan ng produkto at serbisyo sa mga sumusunod na sitwasyon. "Matibay, maganda at murang lapis at papel".

a)

PASYENTE

b)

MAG-AARAL

c)

SANGGOL

2.

Tukuyin kung sino ang taong nangangailangan ng produkto at serbisyo sa mga sumusunod na sitwasyon. "Sapat na gamit panturo sa paaralan."

a)

BUNTIS

b)

GURO

c)

BATA

3.

Tukuyin kung sino ang taong nangangailangan ng produkto at serbisyo sa mga sumusunod na sitwasyon. "Masustansayang, pagkain, gatas, bitamina at malinis na boteng pinagdedehan."

a)

PASYENTE

b)

BUNTIS

c)

SANGGOL

4.

Tukuyin kung sino ang taong nangangailangan ng produkto at serbisyo sa mga sumusunod na sitwasyon. "Maayos na panggagamot ng mga kawani ng ospital."

a)

PASYENTE

b)

GURO

c)

DYANITOR

5.

Ito ay bilihan ng mga tao ng mga anumang uri ng produkto sa isang barangay.

a)

SALON

b)

SARI-SARI STORE

c)

BARBER SHOP

6.

Ito ay negosyo kung saan kumakain ang mga tricycle driver, mag-aaral, at nag-oopisina sa murang halaga.

a)

KARINDERYA

b)

PATAHIAN

c)

BOTIKA

7.

Ito ay negosyo na nag-aalok ng gupit sa buhok ng lalaki.

a)

VULCANIZING SHOP

b)

SALON

c)

BARBER SHOP

8.

Ito ay negosyo kung saan ginagawa ang butas na gulong ng mga motor.

a)

VULCANIZING SHOP

b)

LAUNDRY SHOP

c)

BOTIKA

9.

Dito tayo nakakabili ng kailangang gamot ng isang may-sakit.

a)

BOTIKA

b)

KARINDERYA

c)

SALON

10.

Dito tayo kalimitang nagbabayad ng ating mga bayarin sa kuryente, tubig at iba pa.

a)

PAARALAN

b)

BOTIKA

c)

BAYAD CENTER

11.

Ang mga sumusunod ay mga pangunahing pangangailangan ng isang bata, maliban sa isa. Ano ito?

a)

masustansyang pagkain

b)

maayos na kasuotan

c)

libangan o laruan

d)

hanapbuhay

12.

Si Mommy Christine ay bagong panganak, kaya natatakot siyang iiwan si baby sa kama na mag-isa baka mahulog ito. Ano kaya ang maaari niyang gawin?

a)

kargahin na lang si baby oras-oras

b)

magpagawa ng crib o kuna

c)

patulugin si baby

d)

ipaubaya sa ibang tao

13.

Ang mga taong gumagawa at nagbebenta ng mga produkto ay tinatawag na _____________.

a)

kostumer

b)

labandera

c)

mag-anak

d)

negosyante

14.

Ang mag-anak ni Aling Vilma ay tulirong-tuliro dahil ang anak niyang bunso ay kinumbulsiyon sa mataas na lagnat. Kung ikaw si Aling Vilma, ano ang iyong gagawin?

a)

ipagwalang bahala lang

b)

sumigaw ng sumigaw

c)

punasan ng malamig na tubig bago dalhin sa ospital

d)

umiyak ng umiyak

15.

Ang taong higit na nangangailangan ng pagmamahal at pag-aaruga ay_______.

a)

babae

b)

lalaki

c)

mag-aaral

d)

matanda

16.

Ang mga bumibili at namimili ay tinatawag nating ____.

a)

kapitbahay

b)

kostumer

c)

magsasaka

d)

tindera

17.

Ang mga taong naghahanapbuhay ay laging kulang ang kanilang oras upang asikasuhin ang mga pansariling kasuotan, kaya’t kailangan nila ng serbisyo ng isang _______.

a)

drayber

b)

kusinera

c)

labandera

d)

tubero

18.

Si Carla ay maysakit, ano ang kanyang pangunahing kailangan?

a)

gamot, masustansyang pagkain, doktor

b)

libangan, laruan, pera

c)

tirahan, damit, gadget

d)

bag, papel, lapis

19.

Ang pangunahing pangangailangan ng sanggol ay .

a)

diaper, lampin, gatas

b)

uniporme, libro, duyan

c)

magarang damit, sapatos, bag

d)

ulam, kanin, saging

20.

Ang mga __________ ay kailangang kumain ng masustansyang pagkain para maging malusog ang kanilang magiging anak.

a)

buntis

b)

dalaga

c)

matanda

d)

teenager