NEW
Font size
WorksheetsKahulugan ng Ekonomiks
Total questions: 10
Worksheet time: 4mins
Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na kinilala sa buong daigdig. Alin sa mga sumusunod ang magpapakita ng tunay na kahulugan nito?
Si Jose ay mayroong tatlong sasakyan na iba’t iba ang uri samantalang nag-iisa lamang siya sa buhay.
Si Mario ay madalas na mangibang bansa dahil nais niyang mapag-aralan ang mga kultura at tradisyon ng mga ito.
Si Vivian ay nagmamay-ari ng malaking lupain na kanyang pinagkakakitaan sa pamamagitan ng mga bungang kahoy at palay.
Si Silvia ay nakahiligang bumili ng mga bag dahil isa ito sa mga madalas na ipinagreregalo niya.
Bawat isa sa atin ay may bahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya. May pananagutan tayo sa kalagayan ng ating bansa sapagkat tayo ang gumagawa ng desisyong pang-ekonomiya. Lahat ng decision makers sa isang ekonomiya ay _____.
Nakikipag-ugnayan sa pagpili ng pangkat
Nagsu-supply ng salik ng produksiyon
Lumilikha ng produkto at serbisyo
Gumagawa ng pagpili
Ang mga sumusunod ay kahulugan ng Ekonomiks maliban sa ________.
Ang pag-aaral ng mga pamamaraan kung paano nagbabahagi ang mga mamamayan at bansa ng kanilang limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang kanilang walang katapusang kagustuhan.
Isang pag-aaral na tumutukoy kung paano gumagawa ng pasya ang tao o lipunan.
Isang agham panlipunan na nakatuon sa kung paano ginagamit ang may kakapusang pinagkukunang-yaman upang makabuo ng kalakal at serbisyo at ibahagi ito sa mga tao
Ang pag-aaral na may kinalaman sa pagpapatakbo ng enerhiya ng bansa.
Ano ang batayang katanungang hinahanapan ng kasagutan sa pag-aaral ng ekonomiks?
Paano gagamitin ang mga limitadong pinagkukunan upang matugunan ang walang hanggang kagustuhan ng tao?
Paano makakamtan ng mga tao ang kasaganaan sa harap ng matinding pangangailangan?
Paano mapapaunlad ang isang bansa?
Paano magagamit ang mga pinagkukunan upang mapaunlad ang buhay ng karamihan?
Alin sa mga sumusunod ang higit na nagpapaliwanag kung bakit isang agham panlipunan ang ekonomiks?
Pinag-aaralan nito ang iba’t ibang sistemang panlipunan
Pinag-aaralan nito ang ugnayan ng mga tao sa isa’t isa, sa mga grupo, at sa mga institusyon upang matugunan ang kanilang mga kagustuhan
Pinag-aaralan nito ang epekto ng mga pinagkukunan sa lipunan
Pinag-aaralan nito ang pamilya bilang isang mahalagang institusyong panlipunan
Ang ekonomiks ay nag-uugnay sa iba’t ibang agham ng pag-aaral kaya malawak angsaklaw ng pag-aaral nito. Anong agham ng pag-aaral ang kinabibilangan ng ekonomiks?
Physical sciences
Abstract sciences
Social sciences
Natural sciences
Ang salitang ekonomiks ay galing sa salitang oikonomeia, isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay:
pakikipagkalakalan
pamamahala ng sambahayan
pamamahala ng negosyo
pag-iimpok
Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon?
Dinadaluhang okasyon
Tradisyon ng pamilya
Opportunity cost ng desisyon
Gustong desisyon
Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?
Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan.
Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakaimpluwensiya sa kaniyang pagdedesisyon.
Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.
Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning pangkabuhayan na kinakaharap.
Ang pangangailangan ng tao ay walang katapusan dahil…
Marami ang salaping pambili
Iba-iba ang kailangan ng tao
Nagbabago ang pangangailangan ng tao
Patuloy na dumarami ang tao
