WorksheetsSagisag Kultura Kwiz Average Round (Dry-run)
Total questions: 10
Worksheet time: 8mins
Ito ay isang uri ng ilahas na kalapati mula sa family na Columbidae at genus na Ducula. Mayroon itong nagsasalungatang kulay sa ulo, batok, at tiyan hábang mas maitim ang mga pakpak at likuran. Mayroong kulay putî na may itim na pakpak at buntot; mayroon ding nag-aagaw ang kulay abo at rosas o abo at bughaw na mayroong berde; mayroong bughaw o kayumanggi ang likod at pakpak. Ang ilan ay may marka sa paligid ng mga matá.
A. almugan
B. balud
C. banoy
D. kabisote
Ito ay halamang namumulaklak na tumutubò sa matubig na pook sa tabi ng kanal o batis, at inaalagaan dahil sa mahalimuyak na putîng bulaklak. Tinatawag din itong gandasuli sa mga pook Muslim, banay at katkatan sa Bisaya at ginger lily sa Ingles. Katutubo ito sa India ngunit matagal nang pumasok sa Mindanao.
A. mirasol
B. liryo
C. kamya
D. sampagita
Ito ay isang basilika ng Simbahang Romano Katoliko na matatagpuan sa Plaza del Carmen, Quiapo, Lungsod Maynila. Tanyag ito bilang nag-iisang simbahang gawa sa bakal sa buong Asia, at bilang nagiisang Neo-Gotikong simbahang bakal sa bansa at sa Asia.
A. Simbahang San Agustin
B. Simbahang Tumauini
C. Simbahang Santa Maria
D. Simbahang San Sebastian
Ito isa sa pinakamataas na tuktok sa
Filipinas. Matatagpuan ito sa bayan ng Baco sa Oriental Mindoro, sa kabundukang naghihiwalay sa dalawang lalawigan sa pulo. May taas itong 2586 m, at ang palagiang pag-ulan at biglaang pagbahâ ay nagsasanib upang ituring ito ng mga mountaineer bílang pinakamahirap akyating bundok sa buong bansa. Klasipikado ito bílang isang ultra prominent
peak.
A. Bundok Guiting-Guiting
B. Bundok Data
C. Bundok Halcon
D. Bundok Natib
Siya ang unang boksingerong Filipino na naging kampeong pandaigdig, Francisco Guilledo ang tunay niyang pangalan na inampon ng isang Amerikanong
promoter sa boksing noong 1918.
A. Anthony Villanueva
B. Gabriel "Flash" Elorde
C. Ceferino Garcia
D. Pancho Villa
ang ikaanim na pinakamalaking lawà sa Filipinas
at ikatlo sa Mindanao sa lawak na 6500 ektarya. Mababaw ang lawa sa lalim na 3-6 metro. Matatagpuan ito sa bayan ng Buluan sa lalawigan ng Maguindanao at sa mga bayan ng President Quirino at Lutayan sa Sultan
Kudarat.
A. Lawang Bato
B. Lawang Buhi
C. Lawang Buluan
D. Lawang Lanao
Siya ang babaeng bayani sa isang epikong-bayan mula sa mga Talaandig ng Gitnang Bukidnon. Kapatid siyá ni Agyu, ang bayani ng naturang epikong-bayan. Maganda, matalino, matapang, at mahusay sa sining ng pakikidigma, si Matabagka ay sagisag ng mahalagang papel ng kababaihan sa pagtatanggol sa kalayaan ng bayan.
A. Matabagka
B. Imbununga
C. Manimimbin
D. Olaging
Ito ay kilalá bilang suganda na isang
yerbang tuwid ang katawan, kulay lungti, aromatiko, at ginagamit bilang pampalasa at gamot. Ang mga dahon ay makapal, bahagyang magaspang,mabalahibo, hugis puso, at mayroong tila mga bilugang ngipin sa gilid.
Maliliit at mapupusyaw na lila ang mga bulaklak na magkakalayô ang pagtubò. Mainam itong itanim sa mga lugar na may mainit na klima.
talinum
oregano
sabila
tawa-tawa
Ito ay tumutukoy sa gamit sa bahay na kadalasang ginagawang patungan ng mga palayok upang matiyak na maayos ang pagkakapuwesto nitó at para mabigyan ng suporta ang pabilog na ilalim ng palayok. Ito rin ay nagsisilbing proteksiyon kung mainit ang palayok o para hindi malagyan ng uling ang pinagpapatungan.
A. kalan
B. pangalay
C. dikin
D. basahan
Ito ay palawit sa kuwintas na may nilalamáng banal na relikaryo o alaalang mula sa isang tagpo o bagay na nabanggit sa Bibliya. Nagiging mamahálin ang kuwintas sa relikaryong nilalamán ng palawit, bukod pa sa paniniwalang inangkat ito mula sa Hesrusalem at benditado sa Roma. Itinuturing na isang mahalagang hiyas ang ágnos sa lipunan ng mga relihiyoso noong panahon ng Espanyol.
A. fez
B. agnos
C. huwego de anilyo
D. lingling-o
