wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP: ISANG BANSA, ISANG LAHI QUIZ

Total questions: 30

Worksheet time: 23mins

Name
Class
Date
1.

1.Ito ay isang tiyak na lugar kung saan namumuhay ang ibat ibang pamilya.

a)

Komunidad

b)

Iskwater

c)

Komunidad na Rural

d)

Komunidad na Urban

2.

Anong uri ng komunidad ang matatagpuan sa mga lalawigan o mga liblib na pook?

a)

Bundok

b)

Komunidad

c)

Komunidad na Urban

d)

Komunidad na Rural

3.

Mahalaga ang pagkain ng sariwang gulay. Saan tayo maaring mag-ani nito?

a)

Komunidad na Pangsakahan

b)

Komunidad na Pangisdaan

c)

Komunidad na Minahan

d)

Komunidad na Industriyal

4.

Mga sariwang isda ang nais bilhin ng nanay ni Alex. Saan niya mabibili ito?

a)

Komunidad na Pangsakahan

b)

Komunidad na Pangisdaan

c)

Komunidad na Minahan

d)

Komunidad na Industriyal

5.

Iniingatan ni Nana ang hikaw na nanggaling sa kaniyang lola. May halo itong ginto na pinagawa ng kaniyang lola noong bata pa siya. Saan nakukuha ang ginto?

a)

pawnshop

b)

mall

c)

minahan

d)

simbahan

6.

Ang komunidad na ito ay matatagpuan sa mga pangunahin at mauunlad na lungsod o bayan.

a)

Komunidad na Rural

b)

Komunidad na Urban

c)

Komunidad Komersiyal

d)

Komunidad na Industriyal

7.

Dito pino-proseso ang mga pagkaing de-lata tulad ng sardinas, corned beef at iba pa.

a)

Komunidad na Pangsakahan

b)

Komunidad na Pangisdaan

c)

Komunidad na Industriyal

d)

Komunidad na Rural

8.

Dito matatagpuan ang naglalakihang gusali tulad ng paaralan at mga tanggapang pamahalaan.

a)

Komunidad na Komersiyal

b)

Komunidad na Rural

c)

Komunidad na Minahan

d)

Komunidad na Industriyal

9.

Ano ang tawag sa mga taong bumubuo sa komunidad?

a)

alien

b)

tao

c)

mamamayan

d)

wala

10.

Ang _____ ay itinuturing na haligi ng tahanan.

a)

lola

b)

ama

c)

ina

d)

kuya

11.

Ang _____ ilaw ng tahanan.

a)

lolo

b)

ama

c)

ina

d)

ate

12.

Tungkulin ng institusyon na ito na pangalagaan ang kalusugan ng mga kasapi ng komunidad.

a)

estasyon ng bombero

b)

simbahan

c)

estasyon ng pulis

d)

ospital/pagamutan

13.

Anong institusyon ang nagtuturo sa mga bata na magbasa at magsulat?

a)

paaralan

b)

pamilihan

c)

simbahan

d)

barangay hall

14.

Dito nabibili ang mga kailangan ng mga mamamayan katulad ng pagkain, damit, at mga gamit sa bahay.

a)

simbahan

b)

barangay hall

c)

pamilihan

d)

pook-sambahan

15.

Ang institusyon na ito ay binubuo ng pari o ministro, mga madre, pastor, at mga mananampalataya.

a)

pook-sambahan

b)

estasyon ng pulis

c)

estasyon ng bombero

d)

pamilya

16.

Ito ay isang simbolo sa mapa na nagpapakita ng mga pangunahing direksyon tulad ng Hilaga, Timog, Silangan, at Kanluran.

a)

mapa

b)

pananda/legend

c)

batayang impormasyon

d)

compass rose

17.

Ano ang tawag sa mga simbolo o larawan ng mga estruktura na makikita sa mapa?

a)

mapa

b)

legend/pananda

c)

compass rose

d)

batayang impormasyon

18.

Ang _________ ay isang patag na larawan ng isang lugar o komunidad.

a)

mapa

b)

compass rose

c)

globo

d)

pananda o legend

19.

Ang ______ ay isang malawak at patag na anyong lupa.

a)

lambak

b)

bulkan

c)

bundok

d)

kapatagan

20.

Ito ay mas mababa kaysa bundok.

a)

bulkan

b)

burol

c)

talampas

d)

pulo

21.

Ito ay mataas at patulis na anyong lupa.

a)

bundok

b)

tangway

c)

bulkan

d)

burol

22.

Ito ay isang mataas na anyong lupa na patag ang tuktok.

a)

bundok

b)

kapatagan

c)

talampas

d)

bulkan

23.

Ito ay isang anyong lupa na may lagusan sa tuktok mula sa ilalim ng lupa na tinatawag na crater.

a)

pulo

b)

bulkan

c)

lambak

d)

burol

24.

Ito ang pinakamalalim at pinakamalawak na anyong tubig sa buong mundo.

a)

karagatan

b)

ilog

c)

lawa

d)

dagat

25.

Ito ay isang pahabang anyong tubig na dumadaloy papunta sa lawa, look o dagat.

a)

lawa

b)

dagat

c)

golpo

d)

ilog

26.

Ito ay anyong tubig na nagmumula sa isang mataas na lugar at bumabagsak patungo sa mag batis o sapa.

a)

talon

b)

ilog

c)

lawa

d)

bukal

27.

Ito ay higit na maliit at mas mababaw kaysa karagatan.

a)

dagat

b)

bukal

c)

look

d)

ilog

28.

Ito ay anyong tubig na napapalibutan ng anyong lupa.

a)

talon

b)

dagat

c)

lawa

d)

golpo

29.

Ang tubig dito ay likas na nagmumula sa ilalim ng lupa.

a)

ilog

b)

lawa

c)

look

d)

bukal

30.

Ito ay mas maliit kaysa golpo at may bahaging napapalibutan ng lupa.

a)

karagatan

b)

look

c)

ilog

d)

golpo