wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP 4 Lagumang Pagsusulit

Total questions: 25

Worksheet time: 19mins

Name
Class
Date
1.

Ito ang pinakamahalagang elemento ng estado.

a)

Teritoryo

b)

Mamamayan

c)

Pamahalaan

d)

Soberanya

2.

Saang artikulo ng Saligang Batas ng 1987 nakasaad ang teritoryo ng Pilipinas ng Pilipinas?

a)

Artikulo I

b)

Artikulo II

c)

Artikulo III

d)

Artikulo IV

3.

Anong likhang-isip na guhit ang makikita sa mid-Pacific Ocean na nasa dulong kalahati mula sa prime meridian?

a)

Longhitud

b)

Latitud

c)

Ekwador

d)

International Date Line

4.

Ano ang ginagamit upang mas maging eksakto ang pagtukoy sa lokasyon at distansya sa pagitan ng mga bansa?

a)

Iskala

b)

Degree

c)

Minute

d)

Nautical Miles

5.

Ang Scarborough Shoal ay binubuo ng mga sinasabing triangle-shape chain of reefs and rocks na matatagpuan sa baybayin ng Zambales. Ano ang isa pang tawag sa Scarborough Shoal?

a)

Philippine Ridge

b)

Bajo de Masinloc

c)

Spratly Islands

d)

Sabah

6.

Ang ____________ ay tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng mga halaman at hayop na nabubuhay sa isang pook o rehiyon.

a)

Klimang Tropikal

b)

Maritime

c)

Species

d)

Biodiversity

7.

Anong mga guhit na ito ay matatagpuan sa 0° longhitud at 0° latitud?

a)

Ekwador at International Date Line

b)

Ekwador at Longhitud

c)

Ekwador at Latitud

d)

Ekwador at Prime Meridian

8.

Ang Pilipinas ay matatagpuan sa hilaga ng ekwador at silangan ng prime meridian.

a)

Tama

b)

Mali

9.

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng anyong-tubig MALIBAN sa

a)

Tangos

b)

Golpo

c)

Kipot

d)

Ilog

10.

Ito ang opisyal na tala ng populasyon na may detalye tungkol sa edad, kasarian, at trabaho.

a)

Biodiversity

b)

Sensus

c)

Cardinal

d)

Mamamayan

11.

Alin sa mga sumusunod ang salik na nakakaapekto sa klima?

a)

Biodiversity

b)

Klima

c)

Halumigmig

d)

Kalamidad

12.

Ito ay makitid na daanang-tubig na nagdurugtong sa dalawang mas malaking anyong tubig.

a)

Look

b)

Bukal

c)

Kipot

d)

Ilog

13.

Saang rehiyon ng Pilipinas matatagpuan ang pinakamalawak na pataniman ng palay kaya tinagurian itong "Kamalig ng Palay" ng bansa?

a)

NCR

b)

CALABARZON

c)

Gitnang Luzon

d)

Lambak ng Cagayan

14.

Ang lawak na nasasakupan ng Sierra Madre, pinakamahabang bulubundukin sa bansa ay magmula _______ hanggang sa _______.

a)

Cagayan

b)

Tarlac

c)

Laguna

d)

Quezon

15.

Alin sa mga sumusunod ang tamang gawain upang mabawasan ang epekto ng climate change?

a)

Gustong-gusto ni Joshua na sumakay sa kanilang kotse kahit na malapit lang naman ang kanilang paaralan.

b)

Sinusuportahan ni Katrina ang relokasyon ng kanilang bayan na sirain ang kagubatan at dito lumipat.

c)

Laging may dalang sariling tumbler si Mona kapag bibili ng inumin sa kantina.

d)

Tuwing umaga ay nagtatapon si Patrick ng basura sa dagat upang mabawasan ang kinukuha sa kanila ng mga nagbabasura.

16.

Ang mga sumusunod ay mga masasamang dulot ng bagyo MALIBAN sa:

a)

Sakit

b)

Storm surge

c)

Landslide

d)

Paglindol

17.

Ang ___________ ay isang endemic species sa Pilipinas na tanging matatagpuan lamang sa Bohol.

a)

Philippine Eagle

b)

Tarsier

c)

Pilandok

d)

Tamaraw

18.

Alin sa mga sumusunod ang relatibong lokasyon ng Pilipinas sa paraang insular?

a)

Guam

b)

Taiwan

c)

Tsanel ng Bashi

d)

Malaysia at Indonesia

19.

Ito ang hanging nagmumula sa Mongolia at Siberia na nagdadala ng malamig na hangin.

a)

Monsoon

b)

Storm Surge

c)

Hanging amihan

d)

Hanging habagat

20.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI angkop na gawain para sa klima ng kanilang lugar.

a)

Naisip ni Mario na magtayo ng paghahayupan sa bahay nila sa Batangas.

b)

Nagplanong mangisda sila Mang Toñing kahit na may paparating na bagyo.

c)

Ang pamilya ni Aling Rosa ay mayroong taniman ng mga halamang namumulaklak sa Benguet.

d)

Dahil maulan sa probinsya nina Ronald ay gumawa sila ng taniman ng palay.

21.

Ang lokasyon ng Pilipinas ay may malaking epekto sa klima na nararanasan ng bansa.

a)

Tama

b)

Mali

22.

Ang pinakamapinsalang bagyong naranasan ng bansa na tumama sa Samar at Leyte ay ang bagyong _________.

a)

Ondoy

b)

Haiyan

c)

Rolly

d)

Ompong

23.

Nais malaman ni Sandra ang hangganan ng mga rehiyon sa Pilipinas. Saang mapa siya maaaring sumangguni?

a)

Mapang pisikal

b)

Mapang politikal

c)

Mapa ng kalatagang lupa

d)

Hazard map

24.

Aling elemento ng estado ang tumutukoy sa kataas-taasang kapangyarihan sa loob ng isang teritoryo?

a)

Teritoryo

b)

Mamamayan

c)

Pamahalaan

d)

Soberanya

25.

Ang klima ay tumutukoy sa lagay ng papawirin at hangin sa lokalidad sa isang partikular na mga oras.

a)

Tama

b)

Mali