wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Araling Panlipunan 7 (Diagnostic Test)

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang tawag sa panahon kung kailan mayroon nang maunlad na pamahalaan, lipunan, kabuhayan, at kultura ang isang pamayanan o lungsod-estado?

a)

pamayanan

b)

lipunan

c)

kabihasnan

d)

imperyo

2.

Saan matatagpuan ang Mesopotamia?

a)

sa pagitan ng Ilog Indus at Ilog Ganges

b)

sa pagitan ng Ilog Huang Ho at Ilog Yangtze

c)

sa pagitan ng Ilog Tigris at Ilog Euphrates

d)

sa pagitan ng Ilog Pasig at Laguna de Bay

3.

Ang nagsisilbing sulatan ng mga Sumerian.

a)

Parchment Scroll

b)

Clay Tablet

c)

Oracle Bone

d)

Papyrus Reed

4.

Ano ang itinuturing na kauna-unahang imperyo sa buong mundo?

a)

Imperyong Akkadian

b)

Imperyong Babylonian

c)

Imperyong Assyrian

d)

Imperyong Chaldean

5.

Alin sa sumusunod ang ambag ng mga Sumerian sa sibilisasyon ng mundo?

a)

alpabeto

b)

bakal

c)

kalendaryo

d)

armas

6.

Bakit mahalagang matutuhan at maunawaan mo ang mga katangian ng Kabihasnang Mesopotamia?

a)

Para maunawaan ang pag-unlad ng sibilisasyon ng mundo mula sa unang kabihasnang umusbong sa Mesopotamia

b)

Para maunawaan mo na marami na ang naimbento at nadiskubre ng tao bago ka pa ipinanganak

c)

Para maunawaan kung saan at paano nagsimula ang pagtatayo ng mga imperyo at pananakop ng mga lupain sa mundo

d)

Para maunawaan mo ang mahahalagang ambag ng mga sinaunang pinuno sa mundo

7.

Ipinatupad ni Hammurabi ang batas na "Mata sa Mata, Ngipin sa ngipin." Ito ay mas kilala sa tawag na Kodigo ni Hammurabi.



Ano ang ibig sabihin ng batas na ito?

a)

Ang pagpatay ay dapat parusahan ng pagbabayad ng malaking halaga ng pera.

b)

Ang pagpatay ay dapat parusahan ng pagkakulong nang habangbuhay.

c)

Ang pagpatay ay dapat parusahan ng kamatayan.

d)

Ang pagpatay ay dapat parusahan ng pagpatay sa maysala pati na rin ang pinakamalalapit niyang kamag-anak.

8.

Sila ang unang pangkat na gumamit ng sandatang bakal sa pakikidigma.

a)

Chaldean

b)

Akkadian

c)

Hettite

d)

Persian

9.

Siya ay kinikilala bilang malupit at marahas pero napakahusay na administrador sa kanyang kapanahunanan.

a)

Hammurabi

b)

Assurbanipal

c)

Nebuchadenezzer

d)

Cyrus the Great

10.

Estrukturang pinagawa ni haring Nebuchadenezzer para sa kanyang asawa na itinanghal bilang isa sa Seven Wonder of the World.

a)

Hanging Garden

b)

Star grazers of Babylon

c)

Pyramid of Giza

d)

Royal Road

11.

Sa kanyang pamumuno, pinalaya niya ang mga alila sa Babylonia at binigyang karapatan na pumili ng kanilang relihiyon, at binigyan ng pagkakapantay pantay ang iba’t ibang lahi na nakatira sa lungsod na iyon.

a)

Darius the Great

b)

Alexander the Great

c)

Nebuchadenezzer

d)

Cyrus the Great

12.

Sila ang nagtatag ng isang pinaka malawak na imperyo at tinawag nila itong imperyong Achaemenid.

a)

Assyrian

b)

Persian

c)

Akkadian

d)

Babylonian

13.

Siya ay nagpagawa ng Royal Road na may habang 1,200 milya mula Sardis hanggang Susa. Dito naglalakbay ang mga opisyal at mensahero.

a)

Darius the Great

b)

Persian

c)

Babylonian

d)

Akkadian

14.

Ang ________ ay pinumumunuan ng isang gobernador na may direktang kontrol sa kanyang mga nasasakupan. Ito ay itinilaga ni Darius upang maging mapayapa ang kanyang nasasakupan.

a)

Mensahero

b)

Sundalo

c)

Satrapy

d)

Heneral

15.

Ang pinakamahalagang kontribusyon ng Phoenecian.

a)

Coins

b)

Cunieform

c)

Alpabeto

d)

Kalendaryo

16.

Sya ay kinikilala na "ama ng mga Hebreo."

a)

Moises

b)

Abraham

c)

Isaac

d)

Jacob

17.

Ang tawag sa paniniwala na iisang Dios

a)

Monotheism

b)

Polytheism

c)

Trinity

d)

wala sa nabangit

18.

Ang tawag sa maraming kikikilalang diyos?

a)

Monotheism

b)

Polytheism

c)

Trinity

d)

wala sa nabangit

19.

Saan umusbong ang Kabihasnang Indus?

a)

Lambak sa pagitan ng Ilog Indus at Ilog Ganges

b)

Lambak sa pagitan ng Ilog Tigris at Euphrates

c)

Lambak sa pagitan ng Ilog Huang Ho at Yangtze

d)

Lambak malapit sa IIog Amazon

20.

Saan umusbong ang Kabihasnang Tsina?

a)

lambak sa pagitan ng Ilog Tigris at Euphrates

b)

lambak sa pagitan ng Ilog Indus at Ganges

c)

lambak sa pagitan ng Ilog Huang Ho at Yangtze

d)

lambak malapit sa Ilog Amazon