WorksheetsPagbabalik-aral (Week 3)
Total questions: 10
Worksheet time: 3mins
Tinatawag na islas ang Pilipinas sapagkat ito ay binubuo ng mga pulo.
Tama
Mali
Ang pag-aaral tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas ay natapos na sa kasalukuyan. Wala ng iba pang pwedeng magsaliksik sapagka’t nasagot na ang mga hinahanap na kasagutan.
Tama
Mali
Ang tulay na lupa ay isang tunay at makatotohanang paniniwala. Maraming mga Pilipino ang naniniwala na ang Pilipinas ay magkarugtong sa mga bansa sa Asya.
Tama
Mali
Ayon sa Bibliya, ang kuwento tungkol sa pagkabuo ng daigdig ay nakapaloob sa aklat ng Genesis.
Tama
Mali
Ayon kay Alfred Wegener, isang heologo at meteorologist. Mahigit 200 milyong taon na ang nakakaraan nang ang kontinente sa daigdig ay magkakarugtong at binuo lamang ng isang supercontinent o napakalaking kalupaan.
Tama
Mali
Anong teorya ang nagsasabing nabuo ang Pilipinas dahil sa pagsabog ng mga bulkan sa Karagatang Pasipiko?
A. Big Bang Theory
B. bulkanismo
C. ebolusyon
D. plate tectonic theory
Ano ang tawag sa mga kuwento tungkol sa pinagmulan ng isang tao, hayop, bagay, lugar, o pangyayari?
A. anekdota
B. alamat
C. fairytale
D. tanaga
Ano ang tawag sa supercontinent o napakalaking kalupaan ayon sa teoryang pinangunahan ni Alfred Wegener?
A. Big Bang Theory
B. Land Mass
C. Pangaea
D. Terrain
Anong teorya kung saan ang mga kalupaan sa daigdig ay magkadikit-dikit. Nagmukha lamang hiwalay-hiwalay dahil sa nalubog sa tubig ang bahaging nagdurogtong bunga ng pagkatunaw ng mga bundok ng niyebe.
A. Tulay na Lupa
B. Big Bang
C. Continental Drift
D. Pacific Ring of Fire
Anong rehiyon kung saan matatagpuan ang karamihan ng mga bulkan sa buong mundo, kung kaya maraming paglindol at pagputok ng bulkan ang nagaganap dito. Ang rehiyong ito ay bunga ng pagbabanggaan ng Pacific Plate?
A. Big Bang
B. Continental Drift
C. Tectonic Plates
D. Pacific Ring of Fire
