NEW
Font size
WorksheetsKATAMTAMAN (AVERAGE ROUND)
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
__________ namin ang inyong pagdating dito sa Villa Escudero.
A. Ikinakagalak
B. Ikinagagalak
C. Ikinapagpapagalak
D. Ikinapagpagalak
Kung ang binibigyang diin sa pangungusap ay ang layon ng pandiwa, ano ang pokus nito?
A. pokus sa tagatanggap
B. pokus sa tagaganap
C. pokus sa ganapan
D. pokus sa layon
Kung ang paksa ng pangungusap ay ang tagatanggap o pinaglalaanan ng kilos na ipinahahayag ng pandiwa, ano ang pokus ng pandiwa rito?
A. pokus sa tagatanggap
B. pokus sa tagaganap
C. pokus sa ganapan
D. pokus sa layon
“You can count on me,” Ang pinakamalapit na salin nito ay _______.
A. bilangin mo kami
B. bilangin mo ako
C. ibilang mo ako
D. maaasahan mo ako
Nag-aaral ako _______ mabuti upang makakuha ako ng iskolarship.
A.nang
B.ng
C. mas
D. lalong
Sino si Plaridel?
A. Marcelo H. Del Pilar
B. Severino Reyes
C. Honorata Dela Rama
D. Amado V. Hernandez
1. “Mahal kita, mahal kita hindi ‘to bola
Ngumiti ka man lang sana ako’y nasa langit na.”
Ang pariralang nasa langit sa linya ng kanta sa itaas ay nangangahulugang _______.
A. napakasaya
B. pakikipagkaibigan
C. sinisinta
D. laruan
Humihingi ako ng tawad sapagkat may mga nasabi akong hindi nararapat. Ang may salungguhit ay nangangahulugang __________.
A. Nabilog ang ulo
B. Matalas ang dila
C. Nagdilim ang paningin
D. Nadulas ang dila
Ang pahayagan ay hindi nagtatala ng anumang uri ng pagbibintang o paninira sa reputasyon nino man nang di muna nagbibigyan ng pagkakataong na marinig ang kanyang panig. Ito ay tinatawag na _______.
A. walang kinikilingan
B. kalayaan ng pagpapahayag
C. makatarungang pakikitungo
D. patas na pamamahayag
“Ang lumakad nang matulin, kung matinik ay malalim.” Ano ang ibig sabihin ng salawikaing ito?
A. Mag-isip na mabuti sa paglalakad.
B. Mag-isip ng malalim kung naglalakad.
C. Ang nagmamadali ay madalas nagkakamali.
D. Ang naglalakad ng mabilis ay hindi makapag-isip.
Si Huseng Batute ay kinilalang Hari ng Balagtasan. Sino siya?
A. Jose Corazon de Jesus
B. Jose Dela Cruz
C. Deogracias a Rosario
D. Lope K. Santos
Ang kinilalang Utak ng Katipunan
A. Julian Felipe
B. Jose Palma
C. Apolinario Mabini
D. Emilio Jacinto
Sino ang Hari ng mga Makata sa Katagalugan na tinawag na Huseng Sisiw
A. Jose Corazon de Jesus
B. Jose Dela Cruz
C. Deogracias a Rosario
D. Lope K. Santos
Kinilala sa pangalang Herminia Dela Riva, Amante Hernani at Julio Abril.
A. Amado V. Hernandez
B. Valeriano Peña Hernandez
C. Lope K. Santos
D. Levi Celerio
Anong uri ng tayutay ang pahayag na ito? “Ang kabutihan mo sa buhay ang magiging hakbang sa pag-unlad.”
A. Pagwawangis
B. Pagpapaplit-tawag
C. Pagtutulad
D. Personipikasyon
