Font size
WorksheetsPanghalip Paari
Total questions: 15
Worksheet time: 45mins
Isulat ang panghalip na paari na ginamit sa pangungusap.
May mga monumento si Dr. Jose Rizal sa Rizal Park sa Maynila. Katulad ng monumento niya ang ipinatayo sa China.
(a)
Isulat ang panghalip na paari na ginamit sa pangungusap.
Maagang natuto ng abakada si Jose. Ang kaniyang ina ang nagturo nito.
(a)
Isulat ang panghalip na paari na ginamit sa pangungusap.
Ikaw, Jose Rizal, ay napakatalino. Napakataas ng iyong mga marka.
(a)
Isulat ang panghalip na paari na ginamit sa pangungusap.
Mag – aaral ako ng medisina, Inay. Gagamutin ko ang mga mata ninyo.
(a)
Isulat ang panghalip na paari na ginamit sa pangungusap.
Ako si Dr. Jose Rizal. Mamamatay ako para sa aking bayan.
(a)
Piliin ang panghalip na paaring angkop sa diwa ng pangungusap.
Si Anton ay nagdala ng mga lapis.
__________ rin ang mga krayola.
Akin
Kanya
Atin
Piliin ang panghalip na paaring angkop sa diwa ng pangungusap.
Ako ang may – ari ng mga prutas na ito. __________ din ang mga gulay na nasa kariton.
Iyo
Kanya
Akin
Piliin ang panghalip na paaring angkop sa diwa ng pangungusap.
Kami ni Lito ang gumawa niyan.
__________ ang saranggolang iyan.
Amin
Inyo
Kanila
Piliin ang panghalip na paaring angkop sa diwa ng pangungusap.
Shiela, __________ pala ang unipormeng tinahi ko. Isukat mo na.
akin
iyo
kanya
Piliin ang panghalip na paaring angkop sa diwa ng pangungusap.
Si Bobbie at ako ang nanguha ng bayabas. Ang mga iyan ay __________.
akin
amin
atin
Tukuyin ang kailanan ng panghalip paari na may salungguhit sa pangungusap.
Ang malinis na silid-aralan ay sa amin. Kami ay mga mag-aaral ng 3-Humility.
Isahan
Maramihan
Tukuyin ang kailanan ng panghalip paari na may salungguhit sa pangungusap.
Akin ang maong na may punit sa tuhod. Bigay iyon sa akin ng pinsan ko.
Isahan
Maramihan
Tukuyin ang kailanan ng panghalip paari na may salungguhit sa pangungusap.
Dennis at Kobe, sa inyo ba itong mga magasin sa mesa?
Isahan
Maramihan
Tukuyin ang kailanan ng panghalip paari na may salungguhit sa pangungusap.
Nawawala ang paying ni Fely. Sa kanya kaya ang payong na napulot natin?
Isahan
Maramihan
Tukuyin ang kailanan ng panghalip paari na may salungguhit sa pangungusap.
Sa atin ba ang basurahan sa labas ng gate?
Isahan
Maramihan
