NEW
Font size
WorksheetsKomunikasyon at Pananaliksik Repaso Bilang #2
Total questions: 20
Worksheet time: 16mins
Ano ang Konseptong Pangwika ang tinuturing na daan ng pagkakaisa at simbolo ng kaunlaran ng isang bansa?
a. Wikang Pambansa
b. Wikang Katutubo
c. Wika Opisyal
Ano ang madalas gamitin na lingguwahe nating mga Pilipino sa kasalukuyan?
a. Bisaya at Espanyol
b. Ingles at Filipino
c. Filipino at Espanyol
Ano ang salin sa wikang Filipino ng "what an extravagant dress you're wearing!"?
a. "O kay gara ng iyong kasuotan!"
b. "O kay ganda ng iyong kasuotan!"
c. "O kay grande ng iyong kasuotan!
Ang isang tao ay masasabi nating bilingguwal kung may kakayahan itong gumamit ng dalawang wika o dayalekto nang may _________?
a. kaalaman
b. katatasan
c. kahusayan
Ano ang Multilingguwalismo?
a. Kakayahang makapagsalita ng higit sa isang wika
b. Kakayahang makapagsalita ng isang wika
c. Kakayahang makapagsalita ng higit sa dalawang wika
Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng wika?
a. Ito ay may arbitraryo
b. Ito ay may masistemang balangkas
c. May superyor na wika
Ano ang Bilingguwal?
a. Ang tawag sa taong may kakayahang gumamit ng dalawang wika o dayalekto
b. Ang tawag sa taong may kakayahang magsalita
c. Ang tawag sa taong may kakayahang gumamit ng wika o
dayalekto
Ano ang Bilingguwalismo?
a. Ito ay ang tawag sa paggamit ng maraming lenggwahe o wika
b. Ito ay ang tawag sa paggamit ng dalawang uri ng lenggwahe o wika
c. Ito ay ang tawag sa paggamit ng wika
Kapag Si Nadine ay nagsasalita ng Ingles at Tagalog, siya ba ay isang Monolingguwal?
a. Oo
b. Hindi
c. Pareho lang
Ito ang wikang natutuhan kasunod ng unang wika. Ito ay karaniwang wikang nagagamit sa kapaligiran ng sariling tahanan.
a. Lingua Franca
b. bilinguwal
c. Ikalawang wika
Ano ang pagkakaiba ng Monolingguwalismo and Monolingguwal?
a. Pareho lang sila
b. Ang Monolingguwalismo ay para sa bansa at ang Monolingguwal ay para sa tao
c. Ang Monolingguwal ay para sa bata at ang Monolingguwalismo ay para sa matanda
Ito ang wikang may simbolong L3 na natututuhan ng isang tao habang lumalawak ang kanyang ginagalawang mundo dahil ito’y isa ring wikang nagagamit sa maraming pagkakataon sa lipunan.
a. Ikatlong wika
b. Wikang katutubo
c. Lingua Franca
Ito ang tawag sa wikang nakagisnan mula sa pagsilang.
a. Wikang monolinguwal
b. Unang wika
c. Teoryang babah
Ayon kay ___________ Ang pagkamalikhain ng wika ay makikita sa kakayahan ng tao lamang at wala sa ibang nilala tulad ng mga hayop. Nagagamit ng tao ang wika upang makapagpahayag ng mga karanasan, kaisipan, damdamin, hangarin, at iba pa.
a. Bloomfield
b. Gleason
c. Chomsky
Ito ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa, kung saan isang wika ang ginagamit na wikang Panturo sa lahat ng larangan o asignatura.
a. Wikang Peculiar
b. Wikang Katutubo
c. Monolingguwalismo
Sa wikang ito, pinakamataas o pinakamahusay na naipapahayag ng tao ang kanyang mga ideya, kaisipan, at damdamin.
a. Ikalawang wika
b. Wikang katutubo
c. Lingua Franca
Maituturing na ______________ ang isang tao kung magagamit niya ang Ikalawang wika nang matatas sa lahat ng pagkakataon.
a. bilingguwalismo
b. bilingguwal
c. balanced bilingual
Ito ang probisyon para sa bilingguwalismo o pagkakaroon ng dalawang wikang Panturo sa mga paaraln at wikang Opisyal na iiral sa lahat ng mga pormal na transaksiyon sa pamahalaan man o sa kalakalan.
a. Artikulo 13 ng Saligang Batas 1973
b. Artikulo 15 Seksiyon 1 at 2 ng Saligang Batas 1973
c. Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 ng Saligang Batas 1973
Ayon kay ____________ ang bilingguwalismo bilang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wikang tila ba ang dalawang ito ay katutubong wika niya.
a. Bloomfield
b. Gleason
c. Chomsky
Ayon kay __________________ ang probisyon ng Saligang Batas ang naging basehan ng Surian ng Wikang Pambansa sa pagharap sa Kalihim ng Edukasyon at Kultura ng kahiligang ipatupad ang patakarang bilingual instruction na pinagtibay ng Board of National Education (BNE) bago pa umira ang Martial Law.
a. Pociano B. Pineda
b. Genoveva Medroza Matute
c. Amado V. Hernandez
