wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

SNES Pretest in EsP 5

Total questions: 50

Worksheet time: 26mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutugon sa mapanuring pag-iisip?

a)

Naiisa-isa mo ang mga tuntunin sa pakikinig sa radyo.

b)

Nababasa mo ang isang balita tungkol sa ekonomiya ng Pilipinas.

c)

Naisasagawa mo nang sunod-sunod ang mga pamantayan sa tamang pagbabasa ng libro.

d)

Naipaliliwanag mo nang maayos at may kumpletong detalye ang tungkol sa COVID-19 pandemic.

2.

Sino sa mga batang ito ang nagpakita ng pagiging mapanuri?

a)

Lahat ng nababasa ni Ana sa internet ay kaniyang pinaniniwalaan.

b)

Bago maniwala sa balita, inaalam muna ni Alma kung totoo ito o hindi.

c)

Ikinakalat ni Gene ang anumang usapan nila ng kaniyang kaibigan kapag hindi niya ito kaharap.

d)

Isinusumbong agad ni Raffy sa kanilang guro ang mga kaklaseng sa tingin niya ay nangongopya tuwing may pagsusulit.

3.

Bakit mahalaga sa isang batang tulad mo ang laging mapanuri sa iyong nababasa, naririnig o napanonood?

a)

Upang umunlad ang buhay mo

b)

Upang dumami ang iyong mga kaibigan

c)

Upang maging maayos ang pakikitungo mo sa kapwa

d)

Upang tamang impormasyon ang makalap at matutuhan

4.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI makatutulong para malinang ang pagiging mapanuri?

a)

Ang natatanggap na impormasyon ay sinusuring mabuti kung tama at totoo.

b)

Hinihingi ang opinyon ng mga magulang, guro o mga taong mapagkakatiwalaan.

c)

Ang sariling kagustuhan ang ginagawang batayan sa pagpili ng babasahin, pakikinggan o panonoorin.

d)

Ang mga binabasa, pinakikinggan o pinanonood ay nagdaragdag ng kaalaman at naghahatid ng magandang aral.

5.

May mga nagsasabing may COVID-19 ang isang pamilya sa inyong lugar. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Maniniwala agad sa nasagap na balita.

b)

Maghihintay ng totoong balita mula sa kinauukulan.

c)

Ipagkakalat sa iba para iwasan ang pakikisalamuha sa kanila.

d)

Ipagwawalang-bahala ang naririnig na balita dahil malayo naman ito sa inyo.

6.

Ayon sa IATF at DOH, kinakailangang sundin ang mga itinakdang safety health protocols upang mas maging ligtas ang bawat isa sa pagkakaroon ng virus. Sang-ayon ka ba rito?

a)

Hindi, dahil hindi naman ako lalabas ng bahay namin.

b)

Oo, kailangang sumunod sa batas upang hindi maparusahan.

c)

Oo, dahil ang mga ahensiyang ito ang nakaaalam ng nararapat gawin.

d)

Hindi, dahil malakas at malusog naman ako kaya hindi ako magkakasakit.

7.

Sa panonood ng telebisyon, alin ang dapat mong isaalang-alang?

a)

Ang mga sikat ngayon na palabas lamang ang iyong pinanonood.

b)

Ang mga pinanonood ng iyong mga kabarkada ang dapat panoorin.

c)

Ang mga palabas na puwede lamang sa mga batang tulad mo ang iyong pinanonood.

d)

Pinanonood kahit hindi angkop sa iyong edad tulad ng mararahas na eksena dahil ito ang iyong hilig.

8.

Nakita mong may malaswang pinapanood sa internet ang iyong kuya at niyaya ka niyang manood. Siya ay matanda lamang sa iyo ng dalawang taon. Ano ang magiging saloobin mo sa kanya?

a)

Makikisali ako sa panonood niya.

b)

Hahayaan ko na lang siya sa kagustuhan niya.

c)

Wala naman ang mga magulang namin kaya hahayaan ko na lang siya manood.

d)

Pagbabawalan ko siya kahit ikagalit niya dahil alam kong masama ang ginagawa niya.

9.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kawilihan sa pag-aaral sa panahon ngayon?

a)

Minamadali ang pagsasagot sa mga gawain upang makapaglaro ng paboritong online games.

b)

Nag-aaral nang mabuti gamit modyul at matiyagang ginagawa ang mga pinagagawa ng guro.

c)

Hindi na binabasa ang mga aralin at kinokopya na lamang ang mga sagot na ginawa ng nanay.

d)

Iniaasa ang gawain sa paaralan sa nakatatandang kapatid dahil mas maayos kung siya ang gagawa nito.

10.

Sinabihan ka ng iyong kamag-aral na palitan ang mababa niyang iskor dahil pagagalitan siya ng kanyang nanay. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Hindi ko ito gagawin dahil masama ang pandaraya.

b)

Hindi ko ito gagawin dahil tataas ang marka niya kaysa sa akin.

c)

Gagawin ang pinagagawa niya para hindi siya mapagalitan ng kanyang nanay.

d)

Susundin ko ang hiling niya para ako naman ang hihingi ng pabor sa susunod.

11.

Kitang-kita mong kumuha ng pera sa pitaka ng iyong tatay ang iyong kapatid. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Isusumbong mo siya sa iyong tatay.

b)

Hindi mo papansinin ang kanyang ginawa.

c)

Hindi mo siya isusumbong kung hahatian ka niya.

d)

Pagsasabihan mo siyang ibalik ito dahil masama ang kumuha nang hindi nagpapaalam.

12.

Miyembro ka ng Mga Batang Iskawt sa inyong paaralan. Napagkaisahan ng grupo na magsagawa ng Clean Up Drive sa barangay sa Sabado.

a)

Hindi ako sasali sa proyekto.

b)

Sasali ako kapag mayroong sertipikong ibibigay.

c)

Sasali ako sapagkat ako ay isang batang iskawt na laging handa sa lahat ng bagay.

d)

Hindi ako sasali sapagkat ang araw ng Sabado ay nakalaan para sa aming pamamasyal.

13.

Nagpatawag ng pagpupulong ang inyong guro. Sinabi mo ito sa iyong ama ngunit hindi siya nakadalo dahil nakalimutan niya ito. Masakit na masakit ang kalooban mo. Paano mo sasabihin sa kanya ang iyong saloobin?

a)

“Nagtatampo po ako sa inyo dahil sa ginawa ninyo sa akin.”

b)

“Naiintindihan ko po kasi hindi po naman ninyo sinasadya.”

c)

“Hindi ko na sasabihin sa inyo ang anumang gawain sa paaralan.”

d)

“Sana hindi ko na lang ipinaalam sa iyo ang tungkol sa pagpupulong”.

14.

Nagbigay ang iyong guro ng proyekto na ipapasa kinabukasan. Niyaya ka ng iyong kaibigan na dumalo sa “Birthday Party” ng kanyang pinsan. Ano ang iyong gagawin?

a)

Sasama sa party para hindi magtampo ang kaibigan.

b)

Sasama sa party pero magpapaalam din agad sa may kaarawan pagkatapos kumain.

c)

Sasabihin sa kaibigan na hindi makakasama sa party pero ipagbalot na lamang siya ng handa nito.

d)

Magalang na sasabihin sa kaibigan na hindi muna makakasama sa party dahil mayroong gagawing proyekto.

15.

Mahiyaing bata ang iyong katabi kaya hindi siya nakikisama sa kahit anong gawain sa inyong klase. Paano mo ipahahayag ang iyong saloobin para makatulong sa kaniya?

a)

Isumbong siya sa guro.

b)

Mas maganda pa ngang hindi na lang siya sumali.

c)

Hayaan na lang at makabubuting huwag na siyang pakialaman.

d)

Ipaliwanag sa kanya na mas marami siyang matutuhan kung sasali siya sa talakayan.

16.

Paano maipakikita ang mapanagutang paggamit ng media at teknolohiya?

a)

Ipagpapaliban ang paggawa ng takdang-aralin upang makagamit ng kompyuter.

b)

Magpapabili ng bagong modelo ng cellphone.

c)

Pipiliin ang mga bubuksang websites ayon sa kagustuhan.

d)

Lilimitahan ang sarili sa paggamit ng gadgets at social network account.

17.

Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapuwa?

a)

Naaawa sa mga mahihirap.

b)

Inuunawa ang kalagayan sa buhay.

c)

Tumutulong sa kapuwa nang bukal sa kalooban.

d)

Nagbibigay ng lakas ng loob sa nawawalan ng pag-asa.

18.

Nakasaad sa batas na ito ang pagbabawal ng pagtatapon ng basura kung saan-saan. Sa halip, itinuturo rito ang tamang paghiwa-hiwalay ng mga ito.

a)

Republic Act 8749 o Philippine Clean Air Act of 1999

b)

Republic Act 9275 o Philippine Clean Water Act of 2004

c)

Republic Act 7586 o National Integrated Protected Areas

d)

Republic Act 9003 o Ecological Waste Management Act of 2000

19.

Araw-araw na tumutulong sa pagtitinda si Jose sa kaniyang ina kaya wala na siyang panahon makisalamuha sa kaniyang mga kaibigan. Anong karapatan ang hindi niya natatamasa?

a)

Karapatang makapag-aral

b)

Karapatang makapagsalita

c)

Karapatang makapaglaro/makapaglibang

d)

Karapatang mabigyan ng proteksiyon laban sa pananamantala

20.

Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng pasasalamat sa Diyos?

a)

Pagdarasal sa tuwina

b)

Pagmamalasakit sa kapuwa

c)

Pangangalaga sa kanyang mga nilikha

d)

Lahat ng nabanggit

21.

Alin sa mga sumusunod ang pinakamalapit na kahulugan ng kasabihang “Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama ng maluwat.”

a)

Mahirap mawala ang katapatan sa isang samahan.

b)

Mahalagang sangkap ng mabuting samahan ang katapatan.

c)

Balewala ang pagkakaisa sa isang samahan kung walang katapatan.

d)

Ikatatagumpay ng isang samahan ang pagsasabi ng tapat ng bawat isa.

22.

Nararapat na tinatamasa mo ang iyong mga karapatan bilang isang bata. Alin sa mga sumusunod ang hindi maituturing na iyong karapatan?

a)

Wastong edukasyon

b)

Sapat na pagkain

c)

Maayos na trabaho

d)

Proteksiyon sa diskriminasyon

23.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pakikiisa para sa kapayapaan at kaayusan?

a)

Pagsunod sa batas-trapiko

b)

Pakikibahagi sa Earth Hour

c)

Pag-iwas sa pagkakalalat sa parke

d)

Pakikibahagi sa panunukso sa kamag-aral

24.

Anong kaugalian ang ipinapakita sa pagtanggap ng pagkakaiba ng pagkatao, kaugalian, at paniniwala?

a)

Pagkamagalang

b)

Pagkamatapat

c)

Pagkamahabagin

d)

Pagkamatulungin

25.

Ano ang mangyayari kung walang batas na umiiral sa isang lugar?

a)

Magiging maunlad ang isang lugar

b)

Magkakasundo ang magkakapitbahay

c)

May katiwasayan ng kalooban ang bawat isa

d)

Magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan at kaguluhan

26.

Sinusuring mabuti ang mga nababasa, naririnig o napanonood bago ibahagi sa iba.

a)
b)
27.

Pinahahalagahan ang mga telenobela o teleserye kaysa sa mga balita.

a)
b)
28.

Kinikilatis munang mabuti ang isang produkto na nakita sa patalastas bago bumili o gumamit nito.

a)
b)
29.

Naniniwala ka na ang lahat ng nababasa sa internet ay nakasasama kaya hindi ka gumagamit nito.

a)
b)
30.

Maaaring magsinungaling sa ginawang pagkakamali ng iba upang hindi makasakit.

a)
b)
31.

Nagsasabi lamang ng totoo kung may gantimpalang matatanggap.

a)
b)
32.

Tumutulong at nakikiisa sa mga gawain upang madali itong matapos.

a)
b)
33.

Pinagtatawanan ang paraan ng pagsamba ng ibang relihiyon.

a)
b)
34.

Pagtatangol sa kaibigan kahit batid mong mali ang kaniyang ginagawa.

a)
b)
35.

Pagtatampo kapag hindi sang-ayon ang lahat sa iyong suhestiyon o mungkahi

a)
b)
36.

Ipinapaanod sa kanal o ilog ang mga basura upang mabawasan ang kinokolekta ng mga basurero.

a)
b)
37.

Mas maraming karapatang tinatamasa ang mayayaman.

a)
b)
38.

Ipinakikita sa bayanihan at palusong ang pagtutulungan ng mga Pilipino.

a)
b)
39.

Walang pananagutan ang tao na linangin ang kaniyang talent dahil ipinagkaloob na ito sa kaniya ng Diyos.

a)
b)
40.

Sapat na ang pagdarasal at pagsisimba upang maipakita ang pananalig sa Diyos.

a)
b)
41.

Napanood ni Rein sa telebisyon ang patalastas tungkol sa gamot na pampaganda kaya agad siyang bumili nito at kaniyang ininom.

a)

Tama

b)

Mali

42.

Ibinigay na lamang ni Ann ang hininging impormasyon ng taong nakilala niya sa social media.

a)

Tama

b)

Mali

43.

Sobra ang perang naibigay ng nanay sa iyo. Hindi mo na ito ibinalik sa kanya dahil may gusto kang bilhin.

a)

Tama

b)

Mali

44.

Nagsabi ka ng totoo sa iyong guro na hindi ikaw ang gumawa ng proyekto.

a)

Tama

b)

Mali

45.

Umalis ka na lang sa computer shop nang hindi nagbayad dahil wala roon ang may-ari o tagabantay.

a)

Tama

b)

Mali

46.

Maaasahan sa mga gawain si Mila, may nakatingin man o hindi ang kanyang guro.

a)

Tama

b)

Mali

47.

Inaalam ni Jim ang mga numerong maaaring tawagan sa panahon ng kalamidad at ibinabahagi rin niya ang kaalamang ito sa iba pang kasapi ng pamilya.

a)

Tama

b)

Mali

48.

Ang magkaibigang Jon at Luis ay palaging nasa labas kahit pa alam nilang oras na ng curfew sa kanilang lugar.

a)

Tama

b)

Mali

49.

Ipinagbigay-alam ni Aling Nena sa DSWD ang pang-aabuso sa mga bata na kanyang nasaksihan malapit sa kanyang tirahan.

a)

Tama

b)

Mali

50.

Pakitang-tao ang pagsasabuhay sa mga turo at aral ng relihiyong kinabibilangan.

a)

Tama

b)

Mali