NEW
Font size
WorksheetsFILIPINO 9 PANIMULANG PAGTATAYA PARA SA 1ST KWARTER
Total questions: 30
Worksheet time: 15mins
1. Ang mga pangatnig at transitional devices ay nakatutulong sa
A. pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento.
B. Pagbibigay- kahulugan sa konotasyon at denotasyon ng mga salita.
C. pagtukoy sa mga pangunahing tauhan sa maikling kuwento o alamat.
D. pagkilala kung kalian naganap, nagaganap, gaganapin ang kilos o pangyayari.
2. Kapag ang maikling kuwento ay nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari, ito’y mauuri bilang maikling kuwentong .
A. kababalaghan
B. katutubong kulay
C. pangtauhan
D. makabanghay
3. Ang pangatnig na samantala ay ginagamit na .
A. panlinaw
B. pananhi
C. pantuwang
D. panapos
4. Ang tulang naglalarawan ng pagpapahalaga o pagkamuhi ng makata o may-akda sa isang pook o pangyayari ay tinatawag na tulang .
A. mapang-uroy
B. mapaglarawan
C. mapang-aliw
D. mapangpanuto
5. Ang pang-ugnay ay bahagi ng salitang .
A. pangkayarian
B. pananda
C. pantukoy
D. pangawing
6. Kung ang sanaysay na di-pormal ay tinatawag na personal na sanaysay, ang sanaysay na impersonal naman ay .
A. naglalarawan
B. pormal
C. nangungutya
D. nang-aaliw
7. 1. Isang uri ng dulang nagtataglay ng malulungkot na pangyayari subalit nagwawakas na masaya ang .
A. komedya
B. melodrama
C. tragikomedya
D. trahedya
8. Ang sining ng panggagaya sa tunay na kalikasan ng buhay na kinatha upang itanghal at magsilbing salamin ng buhay ay ang .
A. kathambuhay.
B. dula
C. teatro
D. sarsuwela
9. Simula nang natutong magsarili, siya’y naging responsableng bata.
Ang pangungusap ay may pang-abay na pamanahon na .
A. walang pananda
B. payak na salita
C. may pananda
D. inuulit
10.“Ang bawat bituin ay naging munting puting bulaklak na sadyang napakatamis ng samyo. noon, ang kaniyang mga bulaklak ay naging paborito ng mga tao, pangkuwintas sa mga dalaga at bisita at pang-alay sa mga Santa tuwing may okasyon.” Anong salita ang maaaring ipuno na magiging pananda ng pang-abay na pamanahon?
A. Hanggang
B. Kaya
C. Mula
D. Kapag
11. Sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento, gumagamit tayo ng mga:
A. pantukoy
B. pangatnig
C. pandiwa
D. pang-abay
12. araw ng Linggo, nagsisimba ang buong mag-anak. Ang salitang nawawala sa pangungusap ay:
A. Kung
B. Kapag
C. Sa
D. Simula
13. Maituturing ang isang kuwento na alamat kapag
A. naganap sa mga tanyag na lugar.
B. naglalaman ng makatotohanang pangyayari.
C. nagsasalaysay ng pinagmulan ng bagay o lugar.
D. naglalahad ng patunay sa pinagmulan ng mga bagay-bagay.
14. Sa pangungusap na, Si Sitti Nhuraliza ay may ginintuang tinig at ginintuang puso, ang salitang ginintuan ay .
A. nangangatuwiran
B. naglalarawan
C. nag-uugnay
D. nagsasalaysay
15. Sa mga pangungusap na, “Nagugutom si Egay. at Nagluto si Mulong ng pansit.” Ano ang angkop na gamiting pang-ugnay upang maging iisang pangungusap ang mga nabanggit?
A. kaya
B. palibhasa
C. subalit
D. datapwat
16. Haba ng hair,
Utak niya'y puro air,
Amoy mo ay wagas,
Dapat ka ngang magtawas
Ang saknong na mula sa tulang isinulat ni Von Crisostomo Villaraza ay halimbawa ng tulang:
A. mapagbiro
B. mapaglarawan
C. mapanghikayat
D. mapang-aliw
17. Anong uri ng pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap na, Ayon kay Donna, ang pagpapakahulugan sa pahayag ay malinaw?
A. pananda
B. pangatnig
C. pang-ukol
D. pantukoy
18. Ang dekonstruksyon ay isang paraan ng pag-aanalisa ng teksto. Ang pangungusap ay halimbawa ng .
A. pangangatuwiran
B. paglalahad
C. pagkukuwento
D. paglalarawan
19. “ ni Rizal ang Noli at El Fili upang mapalaya ang Pilipinas sa mga Espanyol”. Anong anyo ng pandiwa ang angkop na ipuno sa pahayag?
A. Nagamit
B. Gagamitin
C. Ginamit
D. Kagagamit
20. Ang patalastas o anunsiyo ay isang paraan ng komunikasyon o pakikipagtalastasan na may layuning:
A. maglarawan
B. manghimok
C. mangaral
D. Magpakilala
21. Alin sa sumusunod na pandiwang paturol ang nasa perpektibong katatapos?
A. kumaripas
B. kakalusong
C. katatayo
D. pinagsabitan
22. Ang lahat ay nagsasaad ng makatotohanang impormasyon, maliban sa .
A. naganap ang makasaysayang EDSA Revolution noong Pebrero 25, 1986.
B. taun-taon ay dinadaanan ng hindi bababa sa dalawampung bagyo ang Pilipinas.
C. nakagagamot sa sakit sa ubo ang dahon ng oregano.
D. kung hindi tayo kikilos, maaaring mauwi sa wala ang ating pinaghirapan.
23. “Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw,
Aang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw...”
Ang sinalungguhitang pahayag ay nagpapahiwatig ng .
A. pagdurusa
B. kaligayahan
C. kalutasan
D. kalungkutan
24. Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo. Mayroon siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang amo sa asawa (na kiming iniabot naman ito agad sa kanya, tulad ng nararapat).
1. Mahihinuhang ang ama ay magiging:
A. matatag
B.Mabuti
C. matapang
D. masayahin
Isa sa pinakamahusay na mang-aawit sa Asya si Sitti Nurhaliza mula sa bansang Malaysia. Nagkamit siya ng iba’t ibang awit-parangal hindi lamang sa kaniyang bansa kundi maging sa internasyonal na patimpalak. Isa na rito ang titulong “Voice of Asia” nang makamit niya ang Grand Prix Champion mula sa Voice of Asia Singing Contest na ginanap sa Almaty, Kazakhstan.
1. Maituturing na salitang naglalarawan ang .
A. pinakamahusay
B. ginanap
C. nagkamit
D.. patimpalak
26. Ang salitang "PALIGSAHAN" sa sanaysay ay nangangahulugang
A. pag-eensayo
B. paligsahan
C. . pamahiin
D. programa
27. Ang tulang isinulat ni Pat V. Villafuerte na may pamagat na “Kultura: Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan at Buhay ng Kinabukasan” ay nagpapahiwatig na ang kultura ay .
A. nagbabago
B. di nagpapalit
C. naaalis
D. di itinuturo
28. “Isinuko ko ang aking kalayaan at nagpakahon ako sa kanilang nais.” Ang ipinahihiwatig ng tauhan sa pahayag ay .
A. pagkatalo
B. pagiging sunod-sunuran
C. kawalan ng kapangyarihan
D. kasiyahan
29. Maituturing na pang-abay na pamanahon ang:
A. magiging mabuti
B. nagdadalamhating ama
C. mula ngayon
D. dinukot sa bulsa
30. 1. Ang salitang NGAYON ay isang _____ .
A. pandiwa
B. pang-abay
C. pangngalan
D. pang-uri
