wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Aralin Panlipunan - Quiz #1

Total questions: 15

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang pinakamalaking kontinente sa buong mundo?

a)

Asya

b)

Europa

c)

Hilagang Amerika

d)

Timog Amerika

2.

Anong rehiyon ng asya ang kilala sa malaking deposito ng petrolyo

a)

Kanlurang Asya

b)

Timog-Silangang Asya

c)

Hilagang Asya

d)

Silangang Asya

3.

Alin sa mga sumusunod na rehiyon ng Asya nabibilang ang bansang Pilipinas?

a)

Silangang Asya

b)

Timog-Silangang Asya

c)

Hilagang Asya

d)

Kanlurang Asya

4.

Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa proseso ng pagpapalaki ng mga isda at iba pang ibang lamang dagat sa kinokontrol na kapaligiran.

a)

Farming

b)

Yamang Dagat

c)

Aquaculture

d)

Extractive activities

5.

Ito ay tumutukoy sa proseso ng paghahanap ng mga mineral, langis, at natural na gas na isang mahalagang gawaing pang-ekonomiya para sa maraming bansa sa Asya.

a)

Harvesting

b)

Farming

c)

Aquaculture

d)

Extractive activities

6.

Ito ay ang likas na yaman ng Asya na sinasabing malapit ng maubos.

a)

Yamang Dagat

b)

Yamang Gubat

c)

Yamang Mineral

d)

Yamang Lupa

7.

Ito ay tumutukoy sa pag-alat ng tubig dahil sa humalong asin na maaaring nagmula mismo sa ilalim ng lupa o dinala ng irigasyon na nagmula sa mga river estuaries

a)

Afforestation

b)

Reforestation

c)

Desertification

d)

Salinization

8.

Ito ay ang pangmatagalang proseso ng pagkawala ng sustansya ng lupa hanggang ito ay maging tuyo at tigang at tuluyan nang hindi mapakinabangan

a)

Salinization

b)

Desertification

c)

Reforestation

d)

Afforestation

9.

Ito ay ang pagkakalbo o pagpuputol ng mga puno sa kagubatan hanggang tuluyang mawala ang mga ito.

a)

Afforestation

b)

Reforestation

c)

Deforestation

d)

Salinization

10.

Ito ay tumutukoy sa paglipat ng maraming tao para manirahan sa mga pamayanang urban o siyudad mula sa mga pamayanang rural o kanayunan dahil sa pinaniniwalaang mas maraming oportunidad ang matatagpuan dito

a)

Migrasyon

b)

Aquaculture

c)

Land conversion

d)

Salinization

11.

Ito ay tumutukoy sa patuloy na paglaganap ng isang kultura sa ibang kultura o pamayanang may kultura.

a)

Acculturation

b)

Afforestation

c)

Diffusion

d)

Reforestation

12.

Si Martin ay isang karpentero. Alin sa mga sumusunod na likas na yaman ang pinaka pinagkukunan ni Martin ng panghanapbuhay?

a)

Yamang Dagat

b)

Yamang Lupa

c)

Yamang Mineral

d)

Yamang Gubat

13.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng migrasyon?

a)

Si Naruto ay lumipat ng tirahan sa syudad mula sa probinsya para magtrabaho.

b)

Si Hira ay nag aral kung paano gumawa ng parol.

c)

Si Jan ay pinili na mag-alaga ng mga manok kaysa na mga baboy.

d)

Si Max ay bumalik sa kanyang dating tinitirahan.

14.

Si Wonwoo ay sumasali sa mga 'tree planting programs' sa kanilang lugar. Layon niya at ng mga kasamahan na muling maparami ang mga punong kahoy sa kanilang lugar. Ang layuning ito ay halimbawa ng alin sa mga sumusunod?

a)

Afforestation

b)

Deforestation

c)

Reforestation

d)

Diffusion

15.

Si Vernon ay may layuning gawing bagong kagubatan ang isa sa mga lupaing kanyang nabili. Ang layuning ito ni Vernon ay halimbawa ng alin sa mga sumusunod?

a)

Afforestation

b)

Deforestation

c)

Diffusion

d)

Reforestation