wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Kuwentong-bayang (Modyul 1)

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

1. “Alam kong niloloko mo lang ako, pero hindi kita papatulan,” naibulong ni Lokes a Babay sa sarili nang matuklasang niloko siya ng asawa nang pagpalitin ni Lokes a Mama ang hayop na nahuli ng kanilang bitag. Anong paguugali ni Lokes a Babay ang mahihinuha rito?

a)

a. Siya ay mapagbigay.

b)

b. Mapagmahal na asawa.

c)

c. Mahaba ang kaniyang pasensya.

d)

d. Mapagpatawad sa kaniyang asawa

2.

2. Walang maidudulot na tama ang kadamutan.

a)

a. Tama, dahil ito ay maling gawi.

b)

b. Tama, dahil puedeng patawarin ang madamot.

c)

c. Mali, dahil hindi puwedeng magbago ang madamot.

d)

d. Mali, dahil kapag madamot hindi nakapag-iisip ng tama.

3.

3. Magkaiba man ng katawagan, ngunit nagmula naman sa iisang Maylikha.

a)

a. Tama, dahil tayo ay mga Pilipino na iisang lahi.

b)

b. Tama, dahil iisa ang maylikha ng lahat.

c)

c. Tama, dahil sa bayaning nagbuwis ng kanilang buhay.

d)

d. Tama, dahil tayo ay nasa iisang bansa.

4.

4. Bago pa man dumating ang mga Kastila may sarili ng sibilisasyon ang Pilipinas.

a)

a. Tama, dahil pinatutunayan ito ng mga sinaunang paraan ng pagsulat at pamahalaan.

b)

b. Tama, dahil may panitikan na nakasulat sa mga aklat.

c)

c. Mali, umasa lang tayo sa tradisyong bitbit ng mga kastila.

d)

d. Mali, dahil sila mismo ang bumuo ng sibilisadong mga Pilipino.

5.

5. “Hindi ko na matiis ang pakikitungo mo sa akin. Alam ko na ang ginagawa mong panloloko sa akin. Payag na ako sa dati mo pang sinasabing pakikipaghiwalay sa akin,” pahayag ni Lokes a Babay. Ano ang mahihinuhang kalagayan ng mga kababaihan sa kanilang lipunan?

a)

a. Makapangyarihan ang mga lalaki sa tahanan.

b)

b. Makapangyarihan ang mga babae sa lipunan.

c)

c. May kapangyarihan ang mga lalaking makipaghiwalay.

d)

d. May kakayahan ang mga babaeng ipagtanggol ang sarili.

6.

6. Si Lokes a Babay ay bumili ng malawak na lupain at nagpatayo ng isang torogan o malapalasyong tirahan. Ano ang mahihinuhang kalagayan ni Lokes a Babay?

a)

a. Umunlad ang kaniyang pamumuhay.

b)

b. Naghirap siya nang umalis siya sa kaniyang asawa.

c)

c. Hindi na siya nanghuhuli ng hayop sa gubat.

d)

d. Swerte ang munting ibon na kaniyang nahuli sa gubat.

7.

7. Ang mag-asawa sa binasa ay kapwa nabubuhay sa pangangaso. Mahihinuha na ang kanilang lugar ay…

a)

a. magubat at mapuno

b)

b. nasa tabing-dagat

c)

c. nasa lungsod

d)

d. nasa kapatagang taniman ng palay

8.

8.Pinagbilinan ni Lokes a Babay ang kaniyang mga guwardiya na huwag na huwag palalapitin ang kaniyang asawa sa kaniyang magarang tahanan. Mahihinuhang si

Lokes a Babay ay…

a)

a.mapaghiganti

b)

b.mapagkumbaba

c)

c.masungit

d)

d.mabait

9.

9. Sa paanong paraan niloko ni Lokes a Mama ang kanyang asawa?

a)

a. Pinagpalit nya ang kanyang huling ibon sa huli ni Lokes Babay na isang matabang usa.

b)

b. Sa pagtaksil kay Lokes a Babay.

c)

c. Sa pag-iwan kay Lokes a Babay.

d)

d. Sa pakikipag-apid sa ibang babae.

10.

9. “Gusto ko makatikim ulit ng matabang usa. Halika, maglagay tayong muli ng bitag sa gubat,” sabi ni Lokes a Mama. Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag na ito?

a)

a. Madaling makahuli ng usa sa gubat.

b)

b. Sagana ang gubat ng mga hayop na maaaring mahuli.

c)

c. Hindi nauubos ang mga hayop sa kanilang mga kagubatan.

d)

d. Hindi ipinagbabawal ang ang panghuhuli ng mga hayop sa gubat.