NEW
Font size
WorksheetsGawaing Pasulat 1M-A1
Total questions: 30
Worksheet time: 20mins
Nabahala ang amang hari ni Psyche dahil kahit isa ay walang umiibig sa dalaga kaya humingi ito ng tulong kay Apollo.
Ano ang gamit ng pandiwa sa pangungusap?
aksyon
karanasan
pangyayari
Nagpatawag ng pagpupulong si Jupiter, ang diyos ng mga diyos dahil sa panghihimasok ni Venus sa pag-iibigan nina Cupid at Psyche.
Ano ang gamit ng pandiwa sa pangungusap?
aksyon
karanasan
pangyayari
Naglipana ang mga basura sa lansangan.
Ano ang gamit ng pandiwa sa pangungusap?
aksyon
karanasan
pangyayari
Ang paglisan mo ang ikinasawi ng buhay ko.
Ano ang gamit ng pandiwa sa pangungusap?
aksyon
karanasan
pangyayari
Nagalak ang sambayanan sa magandang balita.
Ano ang gamit ng pandiwa sa loob ng pangungusap?
aksyon
karanasan
pangyayari
Ang pokus ng pandiwa sa pangungusap ay _____ kung ang simuno nito ay sumasagot sa ANO ng pandiwa.
gol o layon
kagamitan o instrumental
aktor o tagaganap
tagatanggap o benepisyaryo
Ang pokus ng pandiwa sa pangungusap ay _____ kung ang simuno nito ay sumasagot sa PARA KANINO o PARA SAAN ng pandiwa.
gol o layon
kagamitan o instrumental
aktor o tagaganap
tagatanggap o benepisyaryo
Ang pokus ng pandiwa sa pangungusap ay _____ kung ang simuno nito ay sumasagot sa SINO ng pandiwa.
gol o layon
kagamitan o instrumental
aktor o tagaganap
tagatanggap o benepisyaryo
Ang pokus ng pandiwa sa pangungusap ay _____ kung ang simuno nito ay sumasagot sa PAANO isinagawa ang pandiwa.
gol o layon
kagamitan o instrumental
aktor o tagaganap
tagatanggap o benepisyaryo
Ang pokus ng pandiwa sa pangungusap ay _____ kung ang simuno nito ay sumasagot sa ANO ANG GINAMIT upang maisagawa ang pandiwa.
gol o layon
kagamitan o instrumental
aktor o tagaganap
tagatanggap o benepisyaryo
Nagwawala siya sa matinding galit.
Ano ang pokus ng pandiwa sa pangungusap?
May salungguhit ang simuno nito.
gol o layon
kagamitan o instrumental
aktor o tagaganap
tagatanggap o benepisyaryo
Ang surgical mask at alcohol ang gagamitin nilang pananggalang kontra virus.
Ano ang pokus ng pandiwa sa pangungusap?
May salungguhit ang simuno nito.
gol o layon
kagamitan o instrumental
aktor o tagaganap
tagatanggap o benepisyaryo
Pilit niyang pagtatagumpayan ang edukasyong inaasam.
Ano ang pokus ng pandiwa sa pangungusap?
May salungguhit ang simuno nito.
gol o layon
kagamitan o instrumental
aktor o tagaganap
tagatanggap o benepisyaryo
Ipanlalaban niya ang taglay niyang talino sa mga mapang-api.
Ano ang pokus ng pandiwa sa pangungusap?
May salungguhit ang simuno nito.
gol o layon
kagamitan o instrumental
aktor o tagaganap
tagatanggap o benepisyaryo
Ipinagluto niya ang pinakamamahal niyang asawa.
Ano ang pokus ng pandiwa sa pangungusap?
May salungguhit ang simuno nito.
gol o layon
kagamitan o instrumental
aktor o tagaganap
tagatanggap o benepisyaryo
Ano ang kahinaang taglay ni Psyche na ipinakita sa akdang “Cupid at Psyche”?
kawalan ng tiwala sa iniibig
marupok sa mga pagsubok
maiinggitin sa mga kapatid
mapili o pihikan sa mangingibig
Alin sa mga sumusunod ang hindi kaugnay sa pahayag ni Cupid na: “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala”?
Walang pag-ibig kung walang tiwala.
Hindi wagas ang pag-ibig na ipinagkakatiwala.
Titibay ang pag-ibig kung may pagtitiwala.
Ang pag-ibig at pagtitiwala ay hindi mapaghihiwalay.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng tunay na pagmamahal batay sa mitong Cupid at Psyche?
Agad na pagpayag sa mapapangasawa dahil sa sinabi ito ni Apollo.
Hinarap ni Psyche ang pagsubok ni Venus para sa pagmamahal niya kay Cupid.
Nang nagkasala si Psyche kay Cupid, binalak niyang magpakamatay sa labis na pagsisisi.
Pinayuhan si Pysche ng kaniyang mga kapatid kung paano makaliligtas sa halimaw na asawa.
Anong kaisipan ang nais ipahatid ng wakas ng kuwento nina Cupid at Psyche?
Kalaunan, ang pag-ibig (Cupid) at kaluluwa (Psyche) ay nagkatagpo sa likod ng mapapait na pagsubok sa kanilang pagsasama at hindi na mabubuwag kailanman.
Ang lahat ay tama maliban sa __________.
Maaaring magkaroon ng wagas na pag-ibig kahit mula pa kayo sa magkaibang mundo.
Dahil makapangyarihan si Cupid ang lahat ay kaya nitong gawin.
Kahit anong balakid ay kayang malampasan ng tapat na pag-ibig.
Ang tunay na pag-ibig ay mapagpatawad.
Anong kalakasan ang ipinamalas ni Cupid sa akdang “Cupid at Psyche?”
matipuno at magandang lalaki
tapat at wagas kung umiibig
masipag at masunuring anak
may matibay na pananalig sa Diyos
Ang sumusunod ay kadalasang paksa ng mitolohiya ng Roma maliban sa isa.
pulitika
ritwal
moralidad
teolohiya
Ang pinakamahalagang tema sa mitolohiya ng Roma ay ____.
kabayanihan
pag-iibigan
relihiyon
pagkakaisa
Ang mito ng _______ na sina Romulos at Remus ay ang pinakatanyag na mito sa Roma na ukol sa pagkakabuo ng bansa.
magkaibigan
magkapatid
kambal
magkapareha
Sa pangkalahatan, naging inspirasyon ng mga manunulat ng mitolohiyang Romano ang mga mito mula sa bansang ____.
Gresya
Pilipinas
Bulgaria
Italya
Ang sumusunod ay ibang katawagan ng mito sa Pilipinas maliban sa isa.
kuwentong-bayan
epiko
alamat
kasabihan
Two Facts and a Lie
Piliin ang mali sa mga pagpipilian.
Ang mitolohiya ay tumatalakay sa pagkakalikha ng mundo at pagbabago ng panahon.
Ang mitolohiya ay tumatalakay sa interaksyong nagaganap sa araw, buwan at daigdig.
Ang mitolohiya ay hinango sa tunay na karanasan ng mga nakatatanda na namuhay sa nakalipas.
Two Facts and a Lie
Piliin ang mali sa mga pagpipilian.
Maraming karakter sa mga mitolohiya ang diyos/diyosa.
Maraming karakter sa mga mitolohiya ang hayop.
Maraming karakter sa mga mitolohiya ang tao.
Two Facts and a Lie
Piliin ang mali sa mga pagpipilian.
Ang mitolohiya ay sumasalamin sa kultura ng mga tao.
Ang mitolohiya ay sumasalamin sa paniniwala ng mga tao.
Ang mitolohiya ay sumasalamin sa tradisyon ng mga tao.
Two Facts and a Lie
Piliin ang mali sa mga pagpipilian.
Nagkakapareho ang mito ng Roma at Pilipinas dahil sa mga karakter nito na pawang kathang isip lamang.
Nagkakapareho ang mito ng Roma at Pilipinas dahil sa mga pinaniniwalaan itong naging bahagi ng kasaysayan ng bansa.
Nagkakapareho ang mito ng Roma at Pilipinas dahil sa mga tanong ng mga ninuno na nasasagot sa kamalayan ng mga tao noon.
Two Facts and a Lie
Piliin ang mali sa mga pagpipilian.
Hanggang sa ngayon ay makikita ang mga dibuho ng mga diyos at diyosa ng Roma sa kanilang mga iskultura at pader.
Hanggang sa ngayon ay makikita ang mga dibuho ng mga diyos at diyosa ng Roma sa kanilang mga barya.
Hanggang sa ngayon ay makikita ang mga dibuho ng mga diyos at diyosa ng Roma sa kanilang mga simbahan.
