NEW
Font size
WorksheetsPAGHAHANDA SA MIDTERM NA PAGSUSULIT
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
ito ang patuloy na pag-init o pagtaas ng temperatura sa buong mundo.
Kalamidad
Disaster
Global warming
Climate Change
Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga patunay ng climate change?
Ocean acidification
Mas madalas na wildfires
Paggalaw ng mga kontinente
Pagkatunaw ng yelo sa malalamig na lugar
Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa kahulugan ng kontemporaneong isyu?
Napapanahon
Pinag-uusapan
Nakaaapekto sa nakararami
Nananatili sa loob ng daang taon
Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga kontemporaneong isyu sa Pilipinas?
Kahirapan
napakalaking populasyon
Kawalan ng Kalayaan na bumoto
Kawalan ng akses sa edukasyon
Ito ay tumutukoy sa mga pangyayaring maaaring bunga ng kalikasan o gawain ng tao na nagdudulot ng malaking pinsala sa buhay at ari-arian.
hazard
disaster
kalamidad
bulnerabilidad
Ito ay tumutukoy sa pagiging bukas o malapit ng mga tao o komunidad sa mga banta ng panganib.
risk
hazard
disaster
bulnerabilidad
Ito ang ahensiya ng pamahalaan na may tungkulin na ihanda ang mga Pilipino sa iba’t ibang disaster at kalamidad upang mapababa ang tindi ng pinsala.
NDRRMC
PAG-ASA
DOST
PHIVOLCS
Ito ay tumutukoy sa pananatili ng iba’t ibang may buhay sa kapaligiran.
Ecosystem
Biodiversity
Buhay-ilang
Interaksiyon
Alin sa sumusunod ang halimbawa ng Hazard?
Basura
Polusyon
Landslide
Deporestasyon
Anong suliranin ang maaaring ibunga ng katiwalian sa pamahalaan?
kahirapan
polusyon
labis na populasyon
hindi pagkakapantay-pantay
Alin sa mga suliraning pangkapaligirang ito ang nagbubunga ng HIGIT na pinsala sa biodiversity?
Deporestasyon
Degradasyon ng lupa
Pagkawala ng ilang species
Pagbaba ng kalidad ng tubig
Alin sa sumusunod ang kabilang sa dahilan ng patuloy na pagbaba ng kalidad ng watershed sa Pilipinas?
Polusyon sa kalapit na lupa
Mababang suplay ng tubig
Pagtaas ng temperatura sa mundo
Patuloy na pagkuha ng tubig
Alin sa sumusunod ang may pinakamalaking kontribusyon sa paglala ng climate change?
Paggamit ng coal para sa enerhiya
Pag-aalaga ng mga hayop tulad ng baka
Pagtatapon ng mga solid waste sa anyong tubig
Pagtatapon ng dumi at kemikal sa mga lupa
Anong ang kahulugan ng resilience?
Kahandaan ng komunidad na tumugon sa anumang kalamidad o disaster na maaaring tumama
Kakayahan ng komunidad na agad makabangon at makabalik sa normal na pamumuhay matapos ang kalamidad o disaster
Kakayahan ng komunidad na makapaghanda ng mga bagay na kakailanganin para sa posibleng disaster o kalamidad
Pagiging bukas o malapit ng komunidad sa iba’t ibang banta ng kalikasan at gawain ng mga tao
Ano ang layunin ng Disaster Management Program?
Tuluyang mapigilan ang mga kalamidad at disaster sa bansa
Mapababa ang tindi ng pinsala ng mga kalamidad at disaster
Maihanda ang mga tao upang harapin ang iba’t ibang kalamidad
Matiyak ang agad na pagbangon ng lahat ng Pilipino matapos ang kalamidad
