wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

KARUNUNGANG-BAYAN/PAGHAHAMBING

Total questions: 10

Worksheet time: 2hrs 46mins

Name
Class
Date
1.

1.Ang sumasalamin sa pang-araw-araw na buhay, karanasan,paniniwala, iniisip, pangarap, pamumuhay ng pangkat ng tao sa isang lugar.Ito rin ay nasusulat at binubuo ng mga titik

a)

Wika

b)

Panitikan

c)

Tula

d)

Tuluyan

2.

Isang sangay ng panitikan noong Panahon ng Katutubo o bago dumating ang mga kastila, kung saan nagiging daan upang maipahayag ang mga kaisipan na nabibilang sa bawat kultura ng tao.

a)

Alamat

b)

Mitolohiya

c)

Karunungang-bayan

d)

Pabula

3.

Ang karunungang-bayan na patalinghaga ang pananalita at gabay o nagbibigay aral sa mga bata

a)

Salawikain

b)

Sawikain

c)

Bugtong

d)

Kasabihan

4.

Alin sa mga halimbawang karunungang-bayan ang kasabihan?

a)

Prinsesa nakaupo sa tasa

b)

Kapag ang lata ay maingay ,walang laman

kapag tahimik, may laman

c)

Haligi ng tahanan

d)

Ilagay sa ilalim ng unan ang pinag-aaralan para mabilis matandaan

5.

Ang kahulugan ng sawikain na "nakahiga sa salapi" ay

a)

banig

b)

mayaman

c)

tamad

d)

mapanghusga

6.

Ang kaisipan sa salawikain na "Kung bagyo ang itinanim,bagyo rin ang aanihin."

a)

tag-ulan

b)

magsasaka

c)

kung ang ginawa mo sa kapwa mo,iyon rin ang babalik sa iyo

d)

dapat tayong maging handa sa bagyong darating

7.

Higit na mainam na maghanap buhay sa sariling bayan kaysa sa mga dayuhan.Ang pangungusap ay pahambing na

a)

Magkatulad

b)

Magkaiba

8.

Kasing makabayan ni Jose Rizal si Andres Bonifacio.Ang paghahambing ay

a)

Magkatulad

b)

Di-magkatulad

9.

Ang sapatos ko ay _________________ mahal kaysa sa iyong bagong sapatos. Anong salitang pahambing ang dapat gamitin?

a)

di-gasino

b)

di-gaano

c)

tulag ng

d)

gaya

10.

Ang Edukasyon ay _________ ng kayaman na di mananakaw kaylan man.Ang salitang pahambing na dapat gamitin ay

a)

magsing

b)

kasing

c)

tila

d)

tulad