NEW
Font size
WorksheetsAP 1st Summative Test (Q1)
Total questions: 20
Worksheet time: 5hrs 0mins
1. Ang ___________ ay binubuo ng ama, ina at mga anak. Ito ang tinaguriang pinakamaliit na yunit ng lipunan.
Barangay
tahanan
pamilya
simbahan
2. Sa ____________ naman hinuhubog ang kaalaman ng mga bata. Ito ang daan tungo sa magandang kinabukasan.
paaralan
tahanan
pamilihan
palaruan
3. ______________ ang gumagabay sa estado at mga namumuno; ito ay may isang sistema ng pamamahalan.
simbahan
paaralan
palaruan
pamahalaan
4. Sa _____________ nagtutungo upang manalangin at magpasalamat sa Maykapal.
simbahan
paaralan
palaruan
pamahalaan
5. Pamilihan ang lugar kung saan bumibili ng mga pagkain tulad ng gulay, prutas, karne at lamang-dagat.
paaralan
tahanan
pamilihan
palaruan
6. Sa Barangay Langgam nakatira ang pamilya nina Marco. Dito sila naninirahan simula ng magkatrabaho ang kanilang ama at ina.
Pangalan ng Komunidad
Namumuno sa Komunidad
Populasyon
Wikang Sinasalita
Grupong Etniko
7. Si Kapitan Romeo Poyaoan ang nagbigay ng ayuda sa mga nasalanta ng bagyo.
Pangalan ng Komunidad
Namumuno sa Komunidad
Populasyon
Wikang Sinasalita
Grupong Etniko
8. Si Rolly ay nakapagtala ng datos na 2257 na pamilyang kanyang bibigyan ng munting aginaldo sa darating na pasko.
Pangalan ng Komunidad
Namumuno sa Komunidad
Populasyon
Wikang Sinasalita
Grupong Etniko
9. Si Nathan ay ipinanganak sa San Pedro, Laguna kaya Tagalog ang kanyang natutuhang wika.
Pangalan ng Komunidad
Namumuno sa Komunidad
Populasyon
Wikang Sinasalita
Grupong Etniko
10. Ang ama ni Sarah ay Ilokano at ang kanyang ina ay Boholano subalit hindi siya gaano marunong gumamit ng wika ng kaniyang mga magulang dahil hindi niya ito nakasanayang gamitin sa pakikipag-usap sa kanyang mga kaibigan.
Pangalan ng Komunidad
Namumuno sa Komunidad
Populasyon
Wikang Sinasalita
Grupong Etniko
11. Ano ang komunidad?
Ito ay binubuo ng pangkat ng mga tao na namumuhay at naninirahan sa iisang pook.
Ito ay binubuo ng tao at kabahayan.
Ito ay binubuo ng maraming tao sa isang lugar.
Ito ay binubuo ng mga tao na may iba’t-ibang hanapbuhay.
12. Ano ang mahalagang bahagi na bumubuo sa komunidad?
doctor
pamilya
pulis
tindera
13. Ang hanapbuhay ng pamilya ni Carlos ay pagmimina dahil sila ay kabilang sa komunidad na matatagpuan sa kabundukan. Pagtotroso naman ang trabaho ng pamilya ni Gorio. Saan kaya naninirahan ang kanilang pamilya?
kabundukan
kagubatan
kapatagan
lungsod
14. Pagtitinda ng isda at lamang dagat ang hanapbuhay ng mga magulang ni Marie kaya nakakapag-aral silang magkakapatid. Sila ay kabilang sa komunidad na matatagpuan sa _______.
kapatagan
kagubatan
tabing-dagat
talampas
15. Ang hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa talampas ay paghahayupan saan naman naninirahan ang mga manggagawa sa pabrika?
Industriyal
kapatagan
tabing-dagat
talampas
16. Ang kapitang ang siyang namumuno sa isang komunidad.
Tama
Mali
17. Ang bilang ng mga tao sa komunidad ay tumutukoy sa populasyon ng isang komunidad.
Tama
Mali
18. Ang komunidad ay binubuo ng pangkat ng mga tao.
Tama
Mali
19. Ang simbahan ang humuhubog sa kaalaman ng mga bata.
Tama
Mali
20. Sa ospital naman dinadala ang mga taong mayroong masamanag karamdaman at nais ng lunas.
Tama
Mali
