Font size
WorksheetsReviewer for Spiritist Academy Daily Quizzes, 11-20 Sept 21
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Ukol lamang sa mga bagay ng materia ang Ciencia Oficial at ukol lamang sa mga bagay ng espiritu ang Ciencia Espirita.
Tama
Mali
May taglay na ganitong uri ng mediumnidad ang mahuhusay na mananalumpati, na tumatanggap ng mga pagpapaisip mula sa mga espiritu. Ano ang kaparaanang ito?
(a)
Ano ang tawag ng mga espiritista sa tubig na binasbasan ng mga batlaya sa pamamagitan ng mga medium upang maging panlunas sa mga karamdaman?
(a)
Ano ang tawag sa unang hakbang sa paggawa ng tubig na panlunas kung kailan pinapalis ng medium ang karumihan ng tubig, kung mayroon man.
(a)
Ano ang tawag sa pagtatapat ng mga medium ng kanilang mga kamay sa tubig na panlunas upang magkaroon pa ng lalong bisa sa pinag-uukulang karamdaman?
(a)
Mayroon daw ng lakas ng buhay na nagbibigay sa mga nilikhang mayroon nito ng kakayahang makagalaw ng kusa, pati na ang mapalaki at maparami ang sarili. Ano ang tawag sa lakas na ito sa Wikang Kastila
(a)
Itinuturing na pinakamababang uri ng nilikhang may buhay ang halaman dahil wala ito ng ganitong kakayahan. Ano ito?
(a)
Ang kakayahang makaunawa ng masama at mabuti ang nag-aangat sa tao sa mga mababang uri ng mga nilikha. Ano ang tawag sa kakayahang ito?
(a)
Aling kuwento sa biblia tungkol sa mga ginawa ng Maestro Hesus ang nagpapatotoo na nagmumula ang mga karamdaman sa paglabag sa batas?
(a)
I-tsek ang lahat ng palatandaan ng mga maysakit na wala ng lakas ng loob.
Pag-iyak
Pagdaing
Pagtitiis nang walang tutol
Paglalapat ng sari-saring kagamutan
Alin sa mga sumusunod ang hindi umaayon sa prinsipyo ng reencarnacion?
May kalayaan ang espiritung pumili ng mga hirap na kanyang dadanasin sa pagkakatawang-laman.
Maaaring ipagpaliban muna ang pagbabayad-utang sa isang kasalanan sa susunod na mga kabuhayan.
Nasa tao ang lubos na kalayaang magpasiya kung magkatawang-laman siya o hindi.
Maaaring bumalik sa mababang kalagayang panlipunan ang isang espiritu.
Kailangan na maging perfecto o wagas ang isang espiritu bago siya matakdaan na maging isang anghel na tagatanod.
Tama
Mali
Mayroong anghel na tagatanod ang lahat at bawa't isang espiritu.
Tama
Mali
Kailan namamatay ang taong may karamdaman?
Kapag hindi nalapatan ng gamot.
Kapag hindi kaagad nadala sa lunduyan.
Kapag yaon na ang oras na itinakda ng Diyos.
Kapag hindi napagamot sa medium curandero.
I-tsek ang lahat ng ipinatatawad sa atin kapag taos-puso ang ating pagsisisi.
Kasalanan
Kagulumihanan
Kamangmangan
Kasiraan
Kabalisahan
Ano ang katunayan na may Diyos?
(a)
Dapat ipinapangalangin natin ang kaluluwa ng mga taong pumanaw na sapagka’t nakakatulong ito na mabawasan at mapaikli ang kanilang mga tiisin.
Tama
Mali
Sa malao’t madali, magiging wagas daw ang lahat ng mga Espiritu. Ayon ito sa anong batas?
(a)
Itinalaga ang ating mundo bilang permanenteng lugar kung saan maghihirap at magtitiis ang mga mabababang espiritu.
Tama
Mali
Maliban sa pera o mga bagay na nabibili ng pera, ano pa ang ipinagbabawal na nakawin mula sa kapwa.?
(a)
Aling kaangkinan ng Diyos ang malalabag kapag pinahihintulutan Niya na mabawasan o mapaikli ang mga tiisin ng mga nagkasala nang dahil lamang sa ating mga dasal?
Karunungan
Kapangyarihan
Kabutihan
Katarungan
Pag-ibig
Aling kaangkinan ng Diyos ang pinagbabatayan ng Espiritismo sa hindi pagtanggap sa pagpapalagay na walang hanggang kaparusahan para sa mga makasalanan ang impyerno?
Karunungan
Kapangyarihan
Kabutihan
Katarungan
Pag-ibig
Ayon sa Espiritismo, paghihirap ng laman at kalooban ang purgatoryo. Samakatuwid, panahon daw ito ng ano?
(a)
Ano ang tawag sa wikang Filipino sa pahayag na ibinibigay ng mga espiritu sa pamamagitan ng mga talaytayan?
(a)
Sino ang Direktor-Heneral ng Region IX na nagharap ng Munting Aklat ng Espiritismo sa Direktiba-Heneral ng Union Espiritista Cristiana de Filipinas, Inc. upang mabigyan ng patibay ito?
(a)
I-tsek ang lahat ng mga halimbawa ng pagkakawanggawa sa espiritu.
Pag-awat sa mga nag-aaway
Pagbibigay ng payo sa mga naguguluhan ang pag-iisip
Pagtuturo ng paggalang sa kapwa
Pag-aalay ng panalangin sa mga bagong kamamatay
Paghikayat na maging masipag
Ano ang dapat ipinagdarasal natin para sa bagong kamamatay upang makatulong sa kanya?
(a)
I-tsek ang lahat ng mga nagaganap kapag ipinagdarasal natin ang kaluluwa ng mga taong sumakabilang-buhay na.
Nahahalina ang mga banal na espiritu na lapitan sila at bigyan ng kaliwanagan
Napapaikli ang kanilang mga paghihirap.
Nahihikayat sila na magsisi sa kanilang mga maling gawa at magpakabuti na
Nababawasan ang kanilang mga tiisin.
Natutuwa sila sa pagkaalam na mayroong nagmamalasakit sa kanila.
Matatagpuan ang mga ito sa lahat ng dako ng sandaigdigan. Ano ang mga ito?
(a)
Ayon sa Espiritismo, hindi raw pook ang 'Langit' at ang 'Impyerno', kundi mga katayuang espiritual. Ano naman ang paniniwala ng Espiritismo sa tinatawag na purgatoryo?
Pook
Katayuang Espiritual
Pareho
Dahil walang katawang-materia ang Diyos, masasabing ano ang kalikasan Niya?
(a)
Hindi man daw masalat ng ating mga palad ang Diyos, maaari naman natin Siyang madama sa pamamagitan nito.
(a)
Ano ang ipinahihiwatig ng maayos na kalakaran ng kalikasan at ng buong sansinukob?
(a)
Kahit na totoo man ang ating sinasabi, kasalanan pa rin daw ang paghahamak o pagtuligsa sa kasiraan ng ating kapwa sapagka't alit ito saan?
(a)
Sa ating pagkakalat ng mga balita na nakakasira sa magandang pangalan ng ating kapwa, alin sa Sampung Utos ang ating nilalabag?
Ikawalong Utos
Ikapitong Utos
Ikaanim na Utos
Ikalimang Utos
Ikaapat na Utos
Ang kuwento tungkol sa paglikha ng Diyos sa daigdig sa loob lamang ng anim na araw; ano ang tawag sa ganitong mga banggit sa Biblia na mas malalim ang kahulugan kaysa sa tuwirang nasusulat?
(a)
Ano ang sinisimbolo ng alabok na kinuha ng Diyos, minasa at ginawang hugis-tao, hiningahan at naging si Adan?
(a)
Ano ang kalikasan ng fluido universal?
Materia
Espiritu
Ano itong bahagi ng sandaigdigan na ginagamit bilang kasangkapan ng espiritu?
(a)
Ito ang tinatawag na Lakas ng Buhay, na nagbibigay sa mga nilikhang mayroon nito ng ilang mga tanging kakayahan.
(a)
Likas na karapatan ng tao ang magkaroon ng ari-arian, nguni't sa anong kondisyon?
(a)
Ito ang ginamit na katawagan sa pagpapakita ng magagandang ugali nguni't pakunwari lamang.
(a)
Sa pagsasabi ng kung ano ang ating iniisip, at sa paggawa ng kung ano ang ating sinasabi, kanino tayo nagiging tapat?
(a)
Kapag nagsasabi ng hindi totoo ang isang tao dahil iniiwasan niya ang makasakit ng kanyang kapwa, hindi na ito maituturing na kasalanan dahil mabuti naman ang kanyang layunin.
Tama
Mali
Upang lubusang gumaling ang isang maysakit, kinakailangang niyang alisin ang mga masasamang alitigtigin na sanhi ng kanyang karamdaman. Paano raw maalis ang kanyang mga masasamang alitigtigin?
(a)
Bakit kinakailangang dumaan ang tao sa mga paghihirap at pagtitiis sa buhay?
(a)
Nagkakasala tayo sa Diyos sa ating paggawa ng kasamaan, kaya tayo dumaranas ng paghihirap at pagdurusa.
Tama
Mali
Magbigay ng pagkakataon na nakahihiwalay ang espiritu sa katawang-laman nang hindi patuluyan?
(a)
Sa pamamagitan nito nahahayag sa katawang-laman ng tao ang mga alitigtigin ng kanyang espiritu.
(a)
Sa pagsilang ng sanggol saka pa lamang umuugnay ang kanyang espiritu sa kanyang katawang-laman.
Tama
Mali
