NEW
Font size
WorksheetsFILIPINO Q1 W1
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
1. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa bawat
miyembro ng pamilya?
A. Tulung-tulong at sama-sama ang pamilya.
B. Sa hirap ng buhay ngayon, magdamayan sa isa’t isa.
C. Aalagaan at mamahalin ang nakatatandang miyembro ng
pamilya.
D. Lahat ng pahayag sa A, B at C.
2. Ang tawag sa mga pangngalang ito: uniporme, bag, sapatos.
A. bagay
B. hayop
C. lugar
D. tao
3. Tumahol nang malakas si Tagpi kagabi. Alin sa sumusunod ang
ngalan ng hayop?
A. kagabi
B. malakas
C. Tagpi
D. tumahol
4. Alin sa sumusunod ang mga tauhan ng isang kuwento?
A. lolo, lola, apo
B. sa isang kaharian
C. sa Wuhan, China noong Enero, 2020
D. Masayang namumuhay ang buong pamilya.
5. Pumupunta ako sa palengke tuwing Sabado. Ang salitang may
salungguhit ay ngalan ng:
A. bagay
B. lugar
C. pangyayari
D. tao
6. Basahin ang pariralang nakakahon: noong panahon ng Kastila
Ang pariralang ito ay sagot sa tanong na:
A. Saan nangyari ang kuwento?
B. Kailan nangyari ang kuwento?
C. Ano ang nangyari sa kuwento?
D. Sino ang tauhan sa kuwento?
7. Ang banghay ay elemento ng kuwento na tumutukoy sa mga
pangyayaring napapaloob sa isang kuwento. Alin sa sumusunod
ang banghay?
A. sa kagubatan
B. noong bata pa ako
C. Juan, tiyo, tiya, pinsan
D. Hinuli ng mga pulis ang magnanakaw.
8. Alin sa sumusunod ang ngalan ng tao?
A. baboy
B. Covid – 19
C. kasal
D. lolo
9. Ang mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar
at pangyayari ay:
A. Pandiwa
B. Panghalip
C. Pangngalan
D. Pang-uri
10. Sa panahon ng pandemya, ang mga tao ay nananatili lamang sa
kanilang mga bahay. Alin ang ngalan ng pangyayari?
A. ang
B. mga
C. panahon
D. pandemya
