wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO ( WW # 1 )

Total questions: 10

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

1.Ang bawat bata ay may kanya-kanyang interes at kakayahan na ibinigay ng Panginoon. Paano mo ito maibabahagi sa iyong kapwa bata?

a)

A. Magsasanay ako upang magamit ang aking talento.

b)

B. Hahanap ako ng grupo na humihikayat na mapaunlad ang aking talento.

c)

C. Ibabahagi ko sa kanila ang ang aking talento upang umunlad

d)

D. Gagawa ako ng paraan upang mapaunlad ang aking talento.

2.

2. .Nalaman ng iyong guro na may talento ka sa pag-awit kaya sinabihan ka niyang na mag audition sa school choir. Ano ang dapat mong gawin ?

a)

A. Magsanay sa bahay.

b)

B. Magpaturo sa tatay ng wastong pag awit.

c)

C. Humanap ng kamag- aral na makakasama sa pagsasanay .

d)

D. Sumali sa school choir audition upang mas mapaunlad ang kakayahan.

3.

3. Ang pagguhit ng paboritong laruan ang iyong proyekto sa ESP ngunit hirap ka sa paggawa nito. Ano ang dapat mong gawin upang mapaunlad ito?

a)

A. Hahanap ako ng paggagayahan ko na proyekto.

b)

B. Makiusap sa guro na magpapasa ako ng gusto kong gawing proyekto.

c)

C. Sisikapin kong gawin sa abot nang aking makakaya.

d)

D. Hihingi ako ng tulong sa aking kapatid upang makagawa ako ng proyekto.

4.

4. Gusto mong sumali sa paligsahan ng tula ngunit hirap kang kabisaduhin ito . Ano ang gagawin mo?

a)

A. Magpapatulong sa nanay ng paghahanda sa tula.

b)

B. Isusulat ko ang tula sa Manila paper upang basahin ito.

c)

C. Babasahin ko ito nang paulit-ulit hanggang maisaulo ito.

d)

D. Magpapatulong sa kapatid upang ito ay aking makabisa.

5.

5. Napakagaling ng iyong kaibigan sa pagsasayaw. Ano ang dapat mong maramdaman sa iyong kaibigan.

a)

A. Ipagmamalaki ko ang aking kaibigan.

b)

B. Masaya ako dahil magaling siyang sumayaw.

c)

C. Magpasalamat dahil magaling siyang sumayaw.

d)

D. Matutuwa sa kanya dahil may talento siya sa pagsasayaw.

6.

6.Natatakot sa dilim ang nakababata mong kapatid. Ano ang Ipapayo mo sa kanya?

a)

A. Paliwanagan siya upang hindi matakot.

b)

B. Sabihin na magdasal at lakasan ang loob.

c)

C. Manood ng masayang palatuntunan sa TV.

d)

D. Yayakapin ko siya hanggang sa mawala ang kanyang takot.

7.

7. Nakaramdam ka ng takot nang napanood mo sa TV na mataas ang bilang ng mga taong nagkakasakit dahil sa COVID 19. Ano ang gagawin mo upang mapaglabanan ang iyong takot?

a)

A. Magdasal nang taimtim.

b)

B. Gumawa ng gawaing bahay.

c)

C. Makipagkwentuhan sa kapatid.

d)

D. Humanap ng mapaglilibangan sa loob ng bahay.

8.

8. May kakayahan ka sa pagtugtog ng tambol.Paano mo ito mapapaunlad.?

a)

A. Magtanong sa iyong guro.

b)

B. Magsanay ng pagtugtog ng tambol.

c)

C. Magpaturo sa kuya ng tamang paraan.

d)

D. Humanap ng mga impormasyon sa aklat tungkol sa pagtugtug ng tambol.

9.

9. Kaarawan ng iyong Lola at gusto mo siyang bigyan ng regalo. Alam mo na mahusay kang gumuhit. Ano ang ibibigay mo sa kanya?

a)

A. Guhit ng larawan ni lola na may dedikasyon.

b)

B. Guhit ng larawan ni lolo.

c)

C. Guhit ng larawan ng buong pamilya.

d)

D. Guhit ng cake na may mukha ni lola.

10.

10. Nakita mo si nanay na abala sa pagllilinis ng bahay . Anong tulong ang maari mong ibigay kay nanay ?

a)

A. Magwalis ng kalat.

b)

B. Magpunas ng mesa.

c)

C. Abutan ng maiinom na tubig si nanay.

d)

D. Pulutin ang nakakalat na laruan at ilagay sa tamang lagayan.