wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

POSITIBONG SALOOBIN

Total questions: 15

Worksheet time: 7mins

Name
Class
Date
1.

Nagkaroon sila Jerry ng biglaang pagsusulit sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao. Hindi siya handa sa pagsusulit, ano ang dapat niyang gawin?

a)

Kokopya sa katabi para 'di bumagsak sa pagsusulit.

b)

Sasagutin ang mga tanong sa pagsusulit sa abot ng makakaya.

c)

Magbubukas ng kuwaderno ng palihim para may makuhang sagot.

d)

Ipapasa ang sagutang papel kahit walang sagot.

2.

Paano maipakikita ang tiyaga sa pag-aaral?

a)

Basahin at unawain ang mga aralin sa Modyul.

b)

Tapusin ang sinimulang gawain gaano man ito kahirap.

c)

Magtanong sa Guro o magulang kung nahihirapan.

d)

Lahat ng nabanggit.

3.

Naipapakita ang kawilihan sa pag-aaral kung ____

a)

Lumiliban sa klase kapag umuulan.

b)

Matiyagang pumapasok at nakikilahok sa mga talakayan.

c)

Pumapasok sa paaralan kung gusto lang.

d)

Nag-aaral kung may malaking baon lamang.

4.

Sino sa mga sumusunod ang dapat tularan?

a)

Si Beth na madalas lumiban sa klase.

b)

Si Elisa na gustong maglaro ng Mobile Legends kahit sa oras ng online class.

c)

Si Bernie na hihikab-hikab dahil puyat kaka-Facebook.

d)

Si Robert na matiyagang nag-aaral at gumagamit ng ibang resources sa pag-aaral.

5.

May binigay na bagong damit ang nanay ni Mark para lamang sa bunso niyang kapatid na si Brian, at walang para sa kanya. Paano maipapakita ni Mark ang kaniyang positibong saloobin?

a)

Magpapabili din kay nanay para pareho silang may bagong damit ni Brian.

b)

Tatanggapin ngunit sasama ang loob sa nangyari.

c)

Tatanggapin nang maluwag sa kalooban.

d)

Hindi na lang papansinin ni Mark ang binigay kay Brian.

6.

Ito Ay pagtanggap sa mga bagay nang maluwag o may pagtitimpi.

(a)  

7.

Sama-samang paggawa ng mga tao upang mapadali at mapabilis ang gawain.

(a)  

8.

Gawain na naglalayon ng iisang puso, iisang damdamin at iisang mithiin.

(a)  

9.

Katangiang nagpapakita ng mga kaya mong gawin at mga bagay kung saan ka magaling.

(a)  

10.

Kakayahan ng isang tao na maghintay habang nasa ilalim ng mahirap na kalagayan.

(a)  

11.

Inaya kang maglaro ng computer game na "Among Us" ng iyong pinsan, pero may mga asignatura kang dapat tapusin, ano ang iyong gagawin?

a)

Magpanggap na may sakit upang hindi na ayaing maglaro.

b)

Huhulaan na lang ang mga sagot para matapos agad.

c)

Iiwanan ang aralin at maglalaro na lamang.

d)

Sasabihin sa pinsan na mag-aaral ka at tatapusin ang mga asignatura.

12.

Ang mga sumusunod ay maari mong gawin upang maipakita ang positibong saloobin sa pag-aaral maliban sa _________.

a)

Pagdadamot ng impormasyon o kaalaman sa iba.

b)

Paglalaan ng tiyak at sapat na oras sa pag-aaral.

c)

Pagkakaroon ng kawilihang gawin ang mga gawain.

d)

Pagiging matiyaga sa mga aralin kahit na nahihirapan.

13.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kawilihan sa pagbabasa?

a)

Naghahanap ng mga larawan.

b)

Binabasa at inuunawa ang mga nilalaman.

c)

Tinitignan muna ang kapal ng pahina ng aklat.

d)

Pinagtatawanan ang mga larawan na nakita sa aklat.

14.

Ano ang positibong dulot ng may sapat na kaalaman?

a)

Maiiwasang maging biktima ng panloloko.

b)

Magdudulot ng magandang kinabukasan.

c)

Makakamit ang iyong pangarap.

d)

Lahat ng nabanggit ay tama.

15.

Sumali sa isang Singing contest si Jessica, ngunit ang tinawag na panalo ay si Joshua. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng positibong saloobin para kay Jessica?

a)

Napaiyak na lang dahil hindi siya nanalo.

b)

Binati ang nanalo pero masama ang loob.

c)

Ngumiti at tinanggap na may kasiyahan.

d)

Aalis na lang bigla sa entablado.