wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP Subukin Quarter 1 Week 1

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

May kakayahan ka sa pagsulat. Isinali ka ng iyong guro sa isang munting patimpalak sa iyong paaralan. Ano ang iyong gagawin?

a)

Sasali ako para ako’y makilala.

b)

Sasali ako para tumaas ang aking grado.

c)

Sasali ako para hindi magalit ang aking guro.

d)

Sasali ako para lalong mahubog at humusay ang aking kakayahan at talento sa pagsulat.

2.

May takdang gawain kami na ibinigay ni Sir NOLI. Pumunta kami sa silid-aklatan upang hanapin ang mga impormasyon na kailangan namin para sa aming gawain. Sa pagmamadali ay aking napunit ang isang pahina ng aklat. Ano ang gagawin ko?

a)

Aaminin ko na ako ang nakapunit ng pahina ng aklat at hihingi ako ng tawad.

b)

Sasabihin ko na lang sa nagbabantay na may punit ang isang pahina.

c)

Isasauli ko nang tahimik ang aklat sa nagbabantay.

d)

Pupunitin ko nang buo ang pahina ng aklat.

3.

Araw ng Sabado, lahat ay abala sa nakaatang na gawaing bahay. Ang naibigay na gawain sa iyo ay magwalis ng bakuran ngunit ikaw ay inaya ng mga kaibigan mo at nakipaglaro kaya hindi mo nagawa ang inutos sa iyo. Sasabihin mo ba ang totoo?

a)

Hindi, dahil mapagagalitan ako.

b)

Hindi, dahil baka paluin ako ni nanay.

c)

Oo, sasabihin ko na nakipaglaro ako sa aking mga kaibigan kaya hindi ako nakapagwalis.

d)

Hindi, sasabihin ko na nagwalis ako kanina kaya lang biglang humangin nang malakas at nalaglag ang mga dahon.

4.

Bumili ka ng nilagang saging sa kantina at dahil ayaw mong tumayo ay inihagis mo na lang ang pinagbalatan nito kaya pagdaan ng kaklase mo ay natapakan at siya’y nadulas. Tinanong ng iyong guro kung sino ang naghagis ng balat ng saging sa sahig. Aaminin mo ba ito? Sasabihin mo ba ang totoo?

a)

Hindi ako aamin.

b)

Hindi, dahil ito’y nakakahiya.

c)

Hindi, dahil mapapagalitan ako.

d)

Oo, dahil ako ang may kasalanan at tatanggapin kung anong pagdidisiplina ang ibibigay sa akin.

5.

Oras ng reses, gutom na gutom ka na. Maraming baon ang iyong kamag-aral. Ano ang iyong gagawin?

a)

Sasabihin ko sa kanya ang totoo na gutom na gutom na ako at kung pwede ay hatian niya ako ng baon niya

b)

Babawasan ko ang kanyang baon habang siya’y nakatalikod.

c)

Titiisin ko ang gutom at hindi ako hihingi sa iba.

d)

Itatago ko sa ilalim ng mesa ang baon niya.

6.

May isang guro sa paaralan na nagtanong kung may nakapulot ng isang libong piso. Eksakto naman habang naglalakad ka papasok sa silid-aralan ay may napulot kang isang libong piso. Sasabihin mo ba na ikaw ang nakapulot ng pera?

a)

Oo, sasabihin ko ang totoo na nakapulot ako ng pera.

b)

Oo, ngunit babawasan ko ito ng isang daang piso.

c)

Hindi, dahil wala akong baon.

d)

Hindi, dahil sayang ang pera.

7.

May dalawang buwang utang na renta ng bahay ang nanay ni Gloria. Bilin ng nanay niya, kapag dumating ang naniningil ng renta ay sabihin niyang wala siya. Kung ikaw si Gloria, gagawin mo ba ang inuutos ng iyong ina?

a)

Hindi. Tatawagin ko ang nanay ko at siya ang makikipag-usap sa kaniya dahil ito ang tama.

b)

Hindi, dahil nahihiya ako sa naniningil.

c)

Oo, dahil wala kaming perang pambayad.

d)

Oo, dahil yun ang bilin ng nanay ko.

8.

Napansin ng may-ari na nakatitig ka sa puno ng mangga. Ano ang sasabihin mo?

a)

Yayayain ang mga kaibigan na kumuha ng mangga kapag di na nakatingin ang may-ari.

b)

Manunungkit na lamang kapag wala na ang may-ari.

c)

Lalapit ka sa may-ari at hihingi ng mangga.

d)

Tatakbo nang mabilis paalis.

9.

Mahaba ang pila sa kantina. Nakita mo ang kaklase mo na sumingit sa unahan ng pila. Ano ang sasabihin mo sa kanya?

a)

Sasabihan ko siya na hindi tama ang ginawa niyang pagsingit sa pila.

b)

Sasabihan natin yung nasa unahan na paraanin tayo.

c)

Sasabihin ko na isama niya ako sa pagsingit sa unahan ng pila.

d)

Sabay na tayong sumingit para agad makabili.

10.

Malinis ang palikuran ng inyong silid- aralan. Pumasok ka na puno ng putik ang tsinelas. Nagtanong ang inyong guro kung sino ang pumasok na putikan ang tsinelas. Aaminin mo ba?

a)

Oo. Aaminin ko na ako ang pumasok na puno ng putik ang tsinelas.

b)

Hindi, dahil wala namang nakakita sa akin.

c)

Oo, ngunit hindi ako hihingi ng tawad.

d)

Hindi, dahil mapagagalitan ako.