wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

SUMMATIVE TEXT QUARTER 1

Total questions: 40

Worksheet time: 40mins

Name
Class
Date
1.

Tayo ay kabilang sa isang malawak na komunidad kung saan iba-iba ang ating mga prayoridad. Alin sa mga sumusunod na mga pahayag ang kailangan para mas mapa-igting ang pag-aaral sa kahalagahan ng ekonomiks?

a)

Hindi pakikialam sa mga usaping panlipunan.

b)

Paggamit sa mga natutunang batas at programa ng pamahalaan sa ating ikabubuti.

c)

Pagsasarili ng pananaw sa mga nangyayari sa paligid.

d)

Nakagagawa ng pasya tungkol sa pagbili ng mga bagay na hindi masyadong kailangan.

2.

Sa ekonomiks kailangang maging makatuwiran ang tao sa kanyang pag-iisip sa pagpili ng mga bagay na mapapakinabangan. Ano ang kahalagahan nito sa panahon ng pandemya?

a)

Kailangan suriin ang mga produktong bibilhin dahil limitado ang pagkakaroon ng salapi.

b)

Ang isang indibidwal ay hindi na kailangan gsuriin ang presyo ng mga pangunahing bilihin sapagkat ang mga ito ay mahalaga para sa kanya.

c)

Hindi pakikialaman ang mataas na presyo ng mga produkto at serbisyo na nais niyang bilhin

d)

Hahayaan na lamang ng isang indibidwal kung ang produkto ay may pakinabang sa kanya o wala.

3.

1) Isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano matutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang yaman.

a)

Ekonomiks

b)

Sosyolohiya

c)

Kasaysayan

d)

Heograpiya

4.

Nagpaplano kung paano mahahati-hati ang mga gawain at nagpapasya kung paano pagkakasyahin ang limitadong resources sa maraming pangangailangan at kagustuhan.

a)

Pamayanan

b)

Sambahayan

c)

Pamahalaan

d)

Pamilihan

5.

Sa loob ng pamilihan, kailangan ng instrumento sa pagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at gaano karami ang malilikhang mga produkto at serbisyo ng mga prodyuser. Alin sa mga sumusunod ang nagsisilbing instrumento ng konsyumer at prodyuser?

a)

Presyo

b)

Produkto

c)

Pamilihan

d)

Pagpapalitan

6.

Alin sa sumusunod na mga sitwasyon ang nagpapakita ng isang tradisyunal na ekonomiya?

a)

Ang mga kalalakihan at kababaihan ay kumikilos alinsunod

sa kanyang personal na interes.

b)

Ang mga pagkain ay ibinibigay ng kalalakihang nangangaso at

kababaihang nagtatanim

c)

Ang bawat pamilya ay may kalayaang makabili ng produkto batay sa salapi nito.

d)

Ang mga kalalakihan ay maaaring makapamili ng kanilang nais na pasukang trabaho.

7.

Kung ang makukuhang kita sa lupa ay upa, sa entrepreneur ay tubo at sa lakas paggawa ay sahod, ano namang uri ng kita ang makukuha sa kapital?

a)

Sweldo

b)

Interes

c)

Makinarya

d)

Sasakyan

8.

Ang entrepreneur ang gumaganap bilang tagapag-ugnay sa ibang naunang salik ng produksyon. Anong katangian ang dapat niyang taglayin bilang may mahalagang gampanin sa produksyon?

a)

Dapat magpakita ng mabilis na paggawa at may kakayahang pisikal.

b)

Dapat malikhain, puno ng inobasyon at handa sa pagbabago.

c)

Dapat hindi nakasalalay sa interes ng kapital, upa sa lupa at sahod sa paggawa.

d)

Dapat isinasaisip ang apat na salik ng produksiyon.

9.

Ang kita ay isa sa mga salik na nakaapekto sa pagkonsumo. Ano ang kaugnayan ng kita ng tao sa kanyang pagkonsumo?

a)

Pagnenegosyo ang sagot sa kahirapan ng mga taong naglilingkod sa bayan.

b)

Nagsusumikap ang tao na matutugunan ang lahat ng kanyang mga pangangailangan.

c)

Higit na mas mahalaga sa tao ang kanyang kita kay sa dami ng kanyang mga pangangailangan.

d)

Kung mababa ang kita ng isang tao mas mababa ang kanyang pagkonsumo sa kanyang mga pangangailangan at kagustuhan.

10.

Ang pagkakaroon ng maraming utang ay makaaapekto sa pagkonsumo ng tao. Bilang isang mag-aaral, paano mo maiiwasan ang pagkakautang?

a)

Dapat may sapat na halaga ng pera bilang pambayad ng utang.

b)

Matutong humingi ng libreng pera sa kaklase para makaiwas sa pagkakautang.

c)

Matutong magtipid sa paggamit ng pera para makabili ng pangangailangan.

d)

Iwasan ang pangungutang sa mga bangko at sa ibang pang mga institusyong pinansyal.

11.

Ito ay tumutukoy sa tungkuling magtatag ng samahan upang magkaroon ng lakas at kapangyarihang maitaguyod at mapangalagaan ang kapakanan ng mga mamimili.

(a)  

12.

Tumutukoy sa halaga ng bagay na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon.

(a)  

13.

Gumagawa ng mga desisyon kung anu-anong produkto at serbisyo ang gagawin, paano gagawin, para kanino, at gaano karami ang gagawin.

(a)  

14.

Ito ay sistemang pang-ekonomiya na nakabatay sa kagustuhan ng mga mamimili ang paggawa ng mga produkto at serbisyo

(a)  

15.

Ano ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng iba’t ibang yunit pang-ekonomiya upang makatugon sa suliraning pangkabuhayan ng isang lipunan?

(a)  

16.

Ang proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsasama- sama ng mga salik upang makabuo ng output.

(a)  

17.

Saklaw nito ang lahat ng yamang pisikal sa ibabaw o ilalim pati ang yamang tubig, yamang mineral at yamang gubat bilang mahalagang salik sa paglikha ng produkto.

(a)  

18.

Ang tawag sa kakayahan ng isang tao na makapagsimula ng negosyo sa nabuong produkto o serbisyo.

(a)  

19.

Ito ay tumutukoy sa tungkuling maipahayag ang sarili at kumilos upang makatiyak sa makatarungang pakikitungo.

(a)  

20.

Aling karapatan ang makatitiyak na ang kapakanan ng mamimili ay lubusang isinasaalang-alang sa paggawa at pagpapatupad ng anumang patakaran ng pamahalaan?

(a)  

21.

Nauunawaan ngayon ang iba’t ibang usaping panlipunan tulad ng usaping pang-ekonomiko ng bansa.

a)

Bilang mag-aaral

b)

Bilang bahagi ng pamilya

c)

bilang bahagi ng lipunan

22.

Nagiging mapanuri ka sa mga nangyayari sa iyong kapaligiran.

a)

Bilang mag-aaral

b)

Bilang bahagi ng pamilya

c)

Bilang bahagi ng Lipunan

23.

Nagagamit sa pagdedesisyon sa mga mahahalagang usapin sa loob ng tahanan.

a)

Bilang mag-aaral

b)

Bilang bahagi ng Lipunan

c)

Bilang bahagi ng pamilya

24.

Nagagamit sa pagbibigay ng mga makatuwirang opinyon tungkol sa pagdedesisyon ng iyong pamilya.

a)

Bilang mag-aaral

b)

Bilang bahagi ng pamliya

c)

Bilang bahagi ng lipunan

25.

Nagagamit sa pag-unawa sa mga batas at programa na ipinatupad ng ating gobyerno.

a)

Bilang mag-aaral

b)

Bilang bahagi ng lipunan

c)

Bilang bahagi ng pamilya

26.

Nakatutulong ito sa pagbuo ng mga matatalinong pagpapasya tungo sa iyong kinabukasan gaya ng paghahanapbuhay.

a)

Bilang mag-aaral

b)

Bilang bahagi ng pamilya

c)

Bilang bahagi ng lipunan

27.

Mas lubos na naunawaan ang mga isyu at suliranin na kinakaharap ng ating bansa.

a)

Bilang mag-aaral

b)

Bilang bahagi ng lipunan

c)

Bilang bahagi ng pamilya

28.

Naibabahagi ang sariling pananaw sa pamilya.

a)

Bilang mag-aaral

b)

Bilang bahagi ng pamilya

c)

Bilang bahagi ng lipunan

29.

Mas napapalawak ang pag-unawa sa sariling buhay at desisyon.

a)

Bilang mag-aaral

b)

Bilang bahagi ng pamilya

c)

Bilang bahagi ng lipunan

30.

Mas lalong naiintindihan ang mga suliranin ng bansa at makapagbibigay ng pananaw sa mga suliraning ito.

a)

Bilang mag-aaral

b)

Bilang bahagi ng pamilya

c)

Bialng bahagi ng lipunan

31.

Anong sistemang pang ekonomiya mayroon ang Inuit sa hilagan Amerika?

(a)  

32.

Anong sistemang pang-ekonomiya mayroon ang Pilipinas?

(a)  

33.

Anong sistemang pang ekonomiya mayroon ang North Korea?

(a)  

34.

Ito ay gumagamit ito ng sinaunang pamamaraan at tradisyon ang produksiyon.

a)

Tradisyunal economy

b)

Market economy

c)

Mixed economy

d)

Command economy

35.

Ang presyo ang nagsisilbing tagbalanse sa interaksyon ng produser at consumer sa pamilihan.

a)

Traditional economy

b)

Market economy

c)

Command economy

d)

Mixed economy

36.

Nakabatay sa kautusan ng pamahalaan ang paggagwa ng produkto at serbisyon.

a)

Traditional economy

b)

Market economy

c)

Command economy

d)

Mixed economy

37.

Sa sistemang ito pinagsama ang pamahalaan at pribadong tao upang matugunan ang pangangailangan ng pamayanan.

a)

Traditional economy

b)

Command economy

c)

Mixed economy

d)

Market economy

38.

Ano ang tawag sa mga salik na ginagamit sa pagbuo ng produkto?

a)

Input

b)

Output

39.

Ano ang tawag sa kinikita ng Lupa?

(a)  

40.

Ano ang tawag sa kabayaran sa paggamit ng kapital sa proseso ng produksiyon?

(a)