wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Seksiyon 3 ng Mga aral na matututuhan sa bibliya

Total questions: 30

Worksheet time: 16mins

Name
Class
Date
1.

Ito ang tore na sinubukang itayo ng mga pamilyang di sumunod kay Jehova noong pagkatapos ng baha, sa layuning sumikat.

a)

Tore ni Abraham

b)

Tore ng Jerico

c)

Tore ng Babel

d)

Tore ng Ehipto

2.

Dahil hindi natuwa si Jehova sa ginawa ng mga taong nagtatayo ng Tore ng Babel, ano ang ginawa niya sa kanila?

a)

Sinira niya ang Toreng itinatayo nila

b)

Pinag-iba-iba niya ang wika nila

c)

Nagpaulan siya ng graniso

d)

Binigyan niya sila ng mga sakit

3.

Nang naging magkakaiba ang mga wika ng mga nagtatayo ng tore ng Babel, ano ang sumunod na nangyari?

(2 ans.)

a)

Hindi na sila magkaintindihan kaya hindi na nila naitayo ang Tore

b)

Nagusap-usap sila kung saan sila lilipat ng tirahan

c)

Naghiwa-hiwalay ang mga tao at tumira sa iba’t ibang lugar sa lupa

d)

Umawit sila ng sabay sabay

4.

Ano ang matutuhan natin sa Aralin 7 (Ang Tore ng Babel)?

a)

Galit si Jehova sa mga nagtatayo ng tore

b)

Bawal gumawa ng tore na aabot sa langit

c)

Gusto ni Jehova sa mga mayayabang

d)

Itinataas ni Jehova ang mapagpapakumbaba at ibinabagsak ang mapagmataas

5.

Ano ang Title ng Aralin 8?

a)

Ang Tore ng Babel

b)

Magkakaanak na!

c)

Sumunod sa Diyos sina Abraham at Sara

d)

Nagbatî Sina Jacob at Esau

6.

Maraming Diyos na sinasamba ang mga taga-Ur, pero sino ang isang lalaki na si Jehova lang ang sinasamba?

a)

John

b)

Abraham

c)

Cain

d)

Adan

7.

Ano ang iniutos ni Jehova na gawin nila Abraham sa Aralin 8?

a)

Umalis sa kaniyang bahay at iwanan ang komportableng buhay niya sa Ur

b)

Magtayo siya ng isa pang bahay

c)

Mangaral sa mga tao sa lugar niya

d)

Huwag siyang umalis sa kaniyang bahay dahil mapanganib sa lugar nila

8.

Sinunod nila Abraham at Sara ang utos ni Jah na umalis sa Ur? At bakit?

a)

Hindi, nagalit sila at nagreklamo kay Jehova

b)

Hindi, dahil masaya na sila sa buhay nila sa Ur

c)

Oo, dahil nagtiwala sila kay Jehova kahit di nila alam kung saan sila pupunta

d)

Oo, dahil alam nilang bibigyan sila ni Jehova ng magandang pagpapala.

9.

Noong 75 yrs. old na si Abraham nakarating siya sa lugar na gustong ipakita ni Jehova, ang lupaing ito ay ang?

a)

Lupain ng Ehipto

b)

Lupain ng Babel

c)

Lupain ng Ur

d)

Lupain ng Canaan

10.

Ano ang ipinangako ni Jehova kay Abraham?

a)

Magiging pag-aari niya ang buong lupain ng Ur

b)

Siya ay magiging malaking bansa, at ibibigay ni Jehova sa mga anak niya ang lupain ng Canaan

c)

Dadami ang mga bituin sa lugar nila

d)

Bibigyan niya sila ng mga kayaman gaya ng ginto at pilak

11.

Ano ang matututuhan natin sa Aralin 8 (Sumunod sa Diyos sina Abraham at Sara)?

(2 ans.)

a)

Sumunod kay Jehova, kahit minsan di natin ito maintindihan

b)

Dapat tayong magkaroon ng pananampalataya kay Jehova

c)

Huwag na magtayo ng malaking bahay, dahil iiwan din naman natin iyon

d)

Mas mahalaga pa rin ang maganda at komportableng buhay

12.

Sa Aralin 9 (Magkakaanak Na!) Nagreklamo ba si Sara nang umalis sila sa Ur at tumira sa tolda? At bakit?

a)

Oo, kasi mahirap tumira sa tolda

b)

Hindi, dahil gustong gusto niya ng umalis sa Ur

c)

Oo, kasi hindi niya alam kung paano sila mabubuhay doon

d)

Hindi, dahil may tiwala

siya kay Jehova

13.

Dahil hindi magkaanak si Sara, ano ang ginawa niya?

a)

Ibinigay niya kay Abraham ang alipin niyang si Hagar, at nagkaanak ito

b)

Nagalit siya kay Abraham

c)

Hindi niya na iyon inisip pa

d)

Nagkimkim siya ng galit kay Jehova

14.

Nung 99 taon na si Abraham at 89 taon na si Sara sino ang mga tatlong bumisita sa kanila? At bakit nila binisita si Abraham?

a)

Mga tao, para humingi sa kaniya ng payo

b)

Mga anghel, para ibalita sa kanila na magkakanak sila

c)

Mga mahihirap, para humingi ng makakain at maiinom

15.

Nang marinig ni Sara ang sinabi ng mga anghel kay Abraham na magkakaanak siya, ano ang naging reaksiyon niya?

a)

Umiyak siya sa tuwa

b)

Nalungkot siya dahil imposibleng mangyari iyon

c)

Natawa siya, at naisip kung magkakaanak pa ba siya sa edad niyang iyon

d)

Sobrang nagpasalamat siya sa mga bisita

16.

Nagkaanak ba sila Abraham at Sara pagkaraan ng isang taon? Kung oo, ano ang naging pangalan nito?

a)

Hindi, masyado nang matanda si Sara

b)

Oo, Lot ang naging pangalan nito

c)

Oo, Isaac ang ipinangalan nila dito na nangangahulugang “pagtawa”

d)

Hindi, anak na lang ni Hagar ang naging anak nila

17.

Ano ang nakita ni Sara na ginagawa ni Ismael na nakatatandang anak ni Abraham kay Hagar sa anak niyang si Isaac?

a)

Inaalagaan niyang mabuti si Isaac

b)

Hindi niya binibigyan ng pagkain si Isaac

c)

Nakikipaglaro ito kay Isaac

d)

Binubully niya si Isaac

18.

Sa Aralin 10 (Tandaan ang Nangyari sa Asawa ni lot) saan piniling tumira nila Lot at ng kaniyang pamilya noong kailangan na nilang humiwalay kina Abraham?

a)

Sodoma

b)

Canaan

c)

Ur

19.

Bakit nagdesisyon si Jehova na wasakin ang lunsod ng Sodoma at Gomorra?

a)

Dahil sobrang sama ng mga taong nakatira sa mga lunsod na iyon

b)

Para umalis si Lot at ang kaniyang pamilya sa lugar na iyon

c)

Dahil hindi masyadong maganda ang pamumuhay nila doon

20.

Sa tulong ng mga anghel ni Jehova nakatakas sila Lot, at sinabi sa kanilang huwag na huwag silang lilingon. Bakit?

a)

Dahil masusunog masakit iyon sa mata

b)

Dahil bawal ng lumingon sa nakaraan

c)

Hindi na maganda ang view

d)

Dahil mamamatay sila

21.

Sa pamilya ni Lot, sino ang di sumunod sa panuto o instruction na huwag lumingon? At ano ang nangyari sa kaniya?

a)

Si Lot, kaya namatay siya

b)

Mga anak ni Lot, kaya di na sila nakatakas

c)

Asawa ni Lot, kaya naging haliging asin siya

22.

Ano ang nangyari sa Aralin 11 (Isang Pagsubok ng Pananampalataya) ?

4 lines
23.

Anong napakahirap na utos ang hiniling ni Jehova na gawin ni Abraham?

a)

Ihandog ang anak niyang si Isaac

b)

Maghandog ng isang tupa

c)

Lumipat ulit ng tirahan

24.

Sinunod ba ni Abraham ang iniutos ni Jehova na ihandog si Isaac? At Bakit?

a)

Oo, dahil masunurin siya at di niya masyadong mahal si Isaac

b)

Hindi, dahil mahal na mahal niya si Isaac

c)

Oo, dahil malaki ang pananampalataya niya kay Jehova

25.

Dahil napatunayan ni Abraham na may pananampalataya siya kay Jehova, hindi natuloy ang paghahandog kay Isaac. Ano ang naging kaugnayan ni Abraham kay Jehova?

a)

Naging kaibigan siya Jehova

b)

Naging Diyos niya si Jehova

c)

Naging magka-away sila ni Jehova

26.

Sa Aralin 12 ano ang pangalan ng dalawang kambal na anak nila Isaac at Rebeka

a)

Cain at Abel

b)

Noe at Adan

c)

Jacob at Esau

27.

Bakit napunta sa nakababatang anak na si Jacob ang mana?

a)

Dahil pinagpalit iyon ni Esau sa isang mangkok na nilaga, dahil di niya iyon pinapahalagahan

b)

Dahil, mas may kakayahan si Jacob

c)

Dahil paboritong anak ni Rebeka si Jacob

28.

Sa Aralin 13, ano ang ikinatatakot ni Jacob na baka mangyari pag babalik siya sa kaniyang pamilya?

a)

Baka maiyak siya sa tuwa

b)

Baka masyadong mabigla ang mga magulang niya

c)

Baka saktan sila ni Esau

29.

Ngunit ano ang nangyari nang makabalik si Jacob sa pamilya niya?

a)

Nag-away sila

b)

Tumakbo si Esau palapit kay Jacob at niyakap ito

c)

Ginawan sila ng masama ni Esau

30.

Sa Araling 13 (Nagbatî sina Jacob at Esau) ano ang natutuhan mo?

4 lines