NEW
Font size
WorksheetsFilipino
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Naglalakad ka nang mabilis papuntang silid-aralan. Nabangga
mo ang isang mag-aaral. Ano ang sasabihin mo?
a. Tumayo ka na.
b. Ipagpaumanhin mo.Hindi ko sinasadya.
Nais mong dumaan ngunit ang guro at ang kanyang kausap ay
nakaharang. Ano ang iyong sasabihin sa kanila?
A. Makikiraan po.
B. Tumabi kayo.
Nabali mo ang lapis na iyong hiniram. Ano ang sasabihin mo sa
taong iyong pinaghiraman?
A. Pasensiya na. Hindi ko sinasadya.
B. Bakit mabilis mabali ang lapis mo?
Binigyan mo ng keyk ang iyong kuya at nagpasalamat siya sa iyo.
Ano ang isasagot mo sa kanya?
A. Bayaran mo iyan mamaya.
B. Wala pong anuman.
Pupunta ang iyong ate sa palengke. Ano ang sasabihin mo sa
kanya?
A. Paalam! Mag-iingat ka.
B. Bumili ka nga ng mansanas.
Isang hapon ay nakasalubong mo sa parke ang iyong kapitbahay.
Paano mo siya babatiin?
A. Magandang umaga po.
B. Magandang hapon po.
Kagigising mo pa lamang nang pumasok sa iyong kuwarto ang
iyong nanay. Paano mo siya babatiin?
A. Magandang umaga po.
B. Ano po ang pagkain?
Nais mong magpunta sa palikuran (CR) ngunit ikaw ay nasa klase.
Ano ang sasabihin mo sa guro?
A. Naiihi po ako.
B. Maaari po ba akong pumunta sa palikuran?
Binilhan ka ng iyong tatay ng lobo. Ano ang sasabihin mo sa kanya?
A. Bakit dalawa lang?
B. Maraming salamat po.
Tinanong ka ng Nanay mo kung nagawa mo na ba ang iyong
takdang-aralin. Ano ang isasagot mo?
A. Opo, Natapos ko na pong gawin.
B. Oo, Nagawa ko na.
