wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Quiz 1 Q3

Total questions: 10

Worksheet time: 3hrs 30mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga magagandang katangian ng mga Pilipino ang tinataglay sa isang bayanihan?

a)

matulungin

b)

masayahin

c)

maasikaso

d)

malikhain

2.

  Hindi maiangat ng munting mag-aaral ang kanyang bag pababa sa hagdanan. Ano ang iyong gagawin?

a)

Magkunwaring di nakikita

b)

Lalapitan ang bata at tulungan

c)

Sabihin mo sa iyong kasama na siya nalang ang tumulong

d)

Lalayo ako sa lugar na iyon

3.

May dumaang bulag na pulubi sa inyong tahanan at nanghingi siya ng pagkain.  Alam mo namang may natirang pandesal sa mesa.  Ano ang iyong gagawin?

a)

Ipahahabol ko siya sa aming aso

b)

Magkunwari na hindi siya napansin

c)

Papaupuin ko siya at bibigyan ng pagkain

d)

Sasabihin ko doon na lang siya sa kapitbahay pumunta

4.

Tumutukoy sa bisita o mga taong galing sa ibang lugar.

a)

kalaban

b)

panauhin

c)

kaaway

d)

magnanakaw

5.

Likas na ugali ng mga Pilipino tungkol sa pagsalubong sa bisita.

a)

matulungin

b)

hospitable

c)

bayanihan       

d)

masayahin

6.

Nakita mong patawid sa kalsada ang isang babaeng matanda at marami siyang dala-dalang gamit.   Ano ang gagawin mo?

a)

Pabayaan ko lang siya, matanda na siya

b)

  Titingnan ko lang siya

c)

Tutulungan ko siya sa pagbitbit at pagtawid

d)

Sasabihin ko sa traffic enforcer na tulungan ang matanda

7.

Magaling sumayaw si Michaela.  Isang kaibigan ang nanghingi ng tulong, nais nitong matutong sumayaw.  Bakit siya pagbibigyan ni Michaela?

a)

Upang lalo silang maging matalik na magkaibigan

b)

  Upang maibahagi niya ang kanyang angking kakayahan

c)

Upang pagbibigyan din siya kapag siya ang mangangailangan

d)

Upang mabigyan siya ng bayad

8.

Ano ang pamantayan ng iyong pagtulong sa iyong kapwa?

a)

Dapat ito ay bukal sa kalooban

b)

Upang maging sikat

c)

Maghihintay ng kapalit

d)

Upang kumita

9.

Anong dapat gawin upang malaman kung karapat- dapat bang tulungan ang isang tao?

a)

Kilatisin kung tunay na nangangailangan ang tutulungan

b)

Pagbigyan na lamang upang di na mangulit pa

c)

Hayaan na kahit na ano pa ang kanilang gagawin sa bagay na binigay

d)

Magsasawalang kibo na lang ako

10.

Paryentes; mga taong ang isang dugo ay nasa iisang pamilya. 

a)

kapitbahay 

b)

kababayan 

c)

kamag-anak 

d)

kasamahan