wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Magkasalungat

Total questions: 25

Worksheet time: 16mins

Name
Class
Date
1.

Tahimik ang panahon ngayon, di katulad kagabi na sobrang ingay.


Ano ang kasalungat ng salitang tahimik?

a)

katulad

b)

ingay

c)

kagabi

d)

panahon

2.

Ang una nating gagawin ay mag-aral. Huli na nating gagawin ang paglalaro.


Ano ang kasalungat ng salitang huli?

a)

gagawin

b)

paglalaro

c)

una

3.

Masama ang pagsisinungaling at pagnanakaw. Ang mabuting bata ay isang tapat na bata.


Ano ang kasalungat ng salitang mabuti?

a)

pagsisinungaling

b)

pagnanakaw

c)

tapat

d)

masama

4.

Ang aking mga alagang pusa ay maaamo. Hindi sila matatapang katulad ng ibang mga pusang kalye.


Ano ang kasalungat ng salitang maamo?

a)

matapang

b)

alaga

c)

kalye

d)

katulad

5.

Hindi natin malalaman kung kailan ang katapusan ng mundo. Kaya ngayon pa lang, simulan niyo nang gumawa ng mabuting gawain.


Ano ang kasalungat ng salitang katapusan?

a)

gumawa

b)

simula

c)

mabuti

d)

mundo

6.

Hindi ka magiging masigla kung hindi ka kakain ng tama. Kumain ka ng prutas at gulay upang hindi ka magiging matamlay.


Ano ang salitang kasalungat ng salitang matamlay?

a)

kumain

b)

magiging

c)

masigla

d)

prutas

7.

Ang kanyang kamay ay magaspang dahil sa sobrang pagtatrabaho. Noong siya ay bata pa, ang kanyang balat ay sobrang makinis pa.


Ano ang salitang kasalungat ng salitang magaspang?

a)

balat

b)

pagtatrabaho

c)

makinis

d)

sobra

8.

Tuwing Pasko, nakakatanggap ako ng mga bagong laruan ngunit nilalaro ko pa rin ang mga luma.


Ano ang kasalungat ng salitang luma?

a)

laruan

b)

bago

c)

Pasko

d)

ngunit

9.

Maraming mga bata ang naglalaro sa malawak na parke. Ayaw nilang maghabulan sa masikip na kalye malapit sa bahay nila.


Ano ang kasalungat ng salitang malawak?

a)

naglalaro

b)

masikip

c)

parke

d)

marami

10.

Sumakit ang aking ulo kahapon dahil ako ay kulang sa tulog. Hindi maganda sa katawan ang sobrang kapaguran.


Ano ang kasalungat ng salitang kulang?

a)

katawan

b)

tulog

c)

sobra

d)

sumakit

11.

Natanggal ang lungkot ng mga bata dahil nakauwi na mula Japan ang kanilang ama. Magiging masaya ang Pasko nila.


Ano ang kasalungat ng salitang lungkot?

a)

nakauwi

b)

saya

c)

natanggal

d)

kanila

12.

Dukha lamang ang pamilya nila John noon. Ngayong may trabaho na siya at mga kapatid niya, ay mayaman na sila.


Ano ang kasalungat ng salitang dukha?

a)

pamilya

b)

mayaman

c)

kapatid

d)

trabaho

13.

Ang kalapati ay isang ibon na kulay puti habang ang uwak naman ay itim.


Ano ang kasalungat ng salitang itim?

a)

kalapati

b)

uwak

c)

ibon

d)

puti

14.

Subukan nating gumawa ng mga mabubuting bagay araw-araw. Iwasan nating gumawa ng masasama.


Ano ang kasalungat ng salitang masama?

a)

iwasan

b)

gumawa

c)

mabuti

d)

subukan

15.

Nakakita ako ng eroplano. Grabe! Ang taas ng lipad niya! Mababa lamang ang lipad ng saranggolang gawa ni kuya.


Ano ang kasalungat ng salitang mababa?

a)

lipad

b)

eroplano

c)

saranggola

d)

mataas

16.

Naku, ang kalat naman ng bahay natin! Tulungan mo ako at nang maging maayos na ito.


Ano ang kasalungat ng salitang maayos?

a)

tulungan

b)

makalat

c)

maging

17.

Ang haba naman ng leksiyon natin ngayon. Tapos, maiksi lang ng ating break.


Ano ang kasalungat ng salitang maiksi?

a)

leksiyon

b)

break

c)

mahaba

18.

Noong bata pa si Lola Madel ay sobrang kinis ng balat nito. Ngayong matanda na siya ay medyo magaspang na ang balat niya.


Ano ang kasalungat ng salitang magaspang?

a)

matanda

b)

balat

c)

makinis

19.

Ang libro namin sa Math ay makapal kumpara sa aming Primer sa Araling Panlipunan na manipis lang.


Ano ang kasalungat ng salitang manipis?

a)

kumpara

b)

makapal

c)

libro

20.

Masyadong madilim sa loob ng kweba. Mabuti na lang at may dala kaming flashlight, naging maliwanag na ang aming daan dahil dito.


Ano ang kasalungat ng salitang maliwanag?

a)

kuweba

b)

mabuti

c)

madilim

d)

masyado

21.

Ang mga basang unan ay inilagay ng aking ina sa init ng araw kanina. Kaya naman nagamit namin agad ito dahil tuyo na ito pagdating ng hapon.


Ano ang kasalungat ng salitang tuyo?

a)

unan

b)

inilagay

c)

pagdating

d)

basa

22.

Marami ang kinuha mong kanin. Hindo mo yan mauubos. Sa susunod, kaunti lang muna kunin mo.


Ano ang kasalungat ng salitang kaunti?

a)

mauubos

b)

marami

c)

susunod

23.

Piliin ang kasalungat ng salitang may salungguhit.


Masyadong malakas ang pagpapatugtog ni Nona sa kanyang laptop. Pinagsabihan na siya na dapat ay hinaan niya ito.

a)

pinagsabihan

b)

pagpapatugtog

c)

mahina

24.

Noong hindi pa ako nagsusuot ng salamin ay malabo ang aking paningin. Ngayong meron na ako nito ay malinaw na ang aking mga mata.


Ano ang kasalungat ng salitang malinaw?

a)

salamin

b)

malabo

c)

paningin

d)

nagsusuot

25.

Malapit lang ang bahay namin sa istasyon ng bus. Sumasakay ako ng bus papuntang eskwelahan dahil malayo ito sa amin.


Ano ang kasalungat ng salitang malapit?

a)

malayo

b)

istasyon

c)

papunta