Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

PAGTATAYA - MANIK BUANGSI

Total questions: 10

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Bumaba sa Lupa si Manik Buangsi at nag-anyong ___________________ upang mapalapit kay Tuan Putli.

a)

A. Punong kahoy

b)

B. Halaman

c)

C. Bato

d)

D. Ibon

2.

Ano ang nadama ng mga kapatid ni Tuan Putli nang siya ay maikasal sa isang makisig na taga langit?

a)

A. Natuwa sapagkat naikasal na din ang kapatid.

b)

B. Naiingit sapagkat tunay na kahanga-hanga ang napangasawa niya.

c)

C. Nalungkot sapagkat di na nila makakasama ang bunsong kapatid.

d)

D. Natatakot sapagkat ang taga-langit ay immortal.

3.

Saan unang Nakita ni Tuan Putli si Manik Buangsi?

a)

A. Sa isang kasiyahan

b)

B. Sa isang Pagtitipon

c)

C. Sa isang Pamilihan

d)

D. Sa kanyang panaginip

4.

Iniwan ni Manik Buansi ang Kalangitan at maging ang kanyang pamilya upang makasama si Tuan Putli na babaeng kanyang sinisinta na isang taga lupa. Anong kasabihan ang angkop dito?

a)

A. Sa hinaba-haba ng prosisyon ay sa simbahan din ang tuloy.

b)

B. Ang pag-ibig ay hindi hinahanap, kusang dumarating sa tamang panahon.

c)

C. Walang mali o pangit. Ganyan kung bulag ang taong umiibig.

d)

D. Ang pag-ibig kapag pumasok sa puso nino man hahamakin ang lahat masunod ka lamang.

5.

Unti-unting naniwala si Tuan Putli sa mga kapatid, dahilan upang pagdudahan ang asawa. Anong katangian ang ipinakikita sa sitwasyong ito?

a)

A. Madaling mapaniwala sa sinasabi ng iba.

b)

B. Walang tiwala sa kanyang asawa.

c)

C. Mapaghinalang tao

d)

D. Walang bait sa sarili

6.

Anong aral ang nais ipakita ng tagpong ito? Nagpaliwanag si Manik Buangsi sa asawa at sumumpang siya lamang ang mahal at kalian man ay hindi nagtaksil, ngunit hindi nakinig si Tuan Putli at itinaboy ang asawa.

a)

A. Maging mapanuri at makinig sa paliwanag ng kapwa upang hindi magkamali sa pagpapasya.

b)

B. Pakinggang ang bulong ng damdamin

c)

C. Paniwalaan ang gustong paniwalaan.

d)

D. Pangibabawin ang iyong kutob.

7.

Nahabag ang Diyos kay Manik Buangsi dahil sa sinapit nito sa lupa kaya’t dininig niya ang paghingi nito ng tawad at pinayagang muling makaakyat sa kalangitan. Ito ay nagpapatunay na ang Diyos ay __________?

a)

A. Hindi tayo pinababayaan

b)

B. Laging nakabantay sa atin

c)

C. Mapagpatawad at hindi tayo pinababayaan

d)

D. Dumarating sa oras ng pangangailangan

8.

Hindi nagustuhan ng mga kapatid ni Tuan Putli ang kasiyahan nito sa piling ni Manik Buangsi kung kaya’t umisip sila ng paraan upang mapaghiwalay ang mag-asawa. Anong katangian ang ipinakikita dito?

a)

A. Kasakiman at karamutan

b)

B. Pagkainggit at Galit

c)

C. Kasakiman at pagkainggit

d)

D. Pagkainggit at Pagkasuklam

9.

Sa pagkawalani Tuan Putli si Manik Buangsi ay nangakong kailanman ay hindi na iibig pang muli. Ang ang pahiwatig nito?

a)

A. Mahal na mahal ni Manik Buangsi ang asawa at tapat ito sa kanyang pag-ibig.

b)

B. Mahal na mahal ni Manik Buangsi ang asawa at nadala nang umibig pa.

c)

C. Mahal na mahal ni Manik Buangsi ang asawa at maghihintay ito sa kabilang buhay.

d)

D. Mahal na mahal ni Manik Buangsi ang asawa at natakot na itong magmahal ng iba.

10.

Ano ang aral sa tagpong ito, pinaalalahanan ni Manik Buangsi si Tuan Putli na magiging mahirap ang kanilang paglalakbay sa ikatlong pagsubok ay huwag na huwag makikinig sa mga boses na maririnig at huwag titingin sa paligid humawak lamang ng mahigpit at ipikit ang mga mata, ngunit hindi ito nasunod ni Tuan Putli nang marinig niya ang tinig ng ina agad niya itong hinanap kung kaya’t nahulog siya sa kawalan.

a)

A. Tiwala ay isang sangkap sa matibay na relasyon.

b)

B. Huwag basta basta magpapadala sa mga naririnig sa paligid dahil maari itong magdala saiyo sa kapahamakan.

c)

C. Panatilihing bukas ang komunikasyon mo sa iyong mga mahal sa buhay.

d)

D. Maraming mapagpanggap na tao sa paligid, huwag magpalinlang.