wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q1W3: Maikling Kuwento

Total questions: 25

Worksheet time: 11mins

Name
Class
Date
1.

Ang _______ ay isang uri ng panitikan na nag-iiwan ng isang kakintalan.

a)

tula

b)

maikling kuwento

c)

sanaysay

d)

nobela

2.

Makikita sa bahaging ito ng kuwento ang kapana-panabik na pangyayari.

a)

kasukdulan

b)

kakalasan

c)

saglit na kasiglahan

d)

papataas na aksyon

3.

Maituturing na tauhang _________ ang ina sa kuwentong "Ang Ama."

a)

lapad

b)

bilog

c)

antagonista

d)

protagonista

4.

Ang kuwentong "Ang Ama" ay mula sa bansang _______.

a)

Singapore

b)

Thailand

c)

Indonesia

d)

Pilipinas

5.

Ang nangibabaw na isyung panlipunan sa kuwentong "Ang Ama" ay _______.

a)

kahirapan

b)

domestic violence

c)

kawalan ng oportunidad

d)

bisyo

6.

Uri ng maikling kuwento na nakatuon sa daloy o pagkakasunud-sunod ng pangyayari ay _______.

a)

makabanghay

b)

katutubong-kulay

c)

tauhan

d)

sikolohikal

7.

Sa pagbabasa ng maikling kuwento, lahat ay maaring suriin maliban sa _______.

a)

Tauhan

b)

Tagpuan

c)

Banghay

d)

Entablado

8.

Siya ay itinuturing na kanang-kamay ng pangulo. Ang salitang may salungguhit sa pangungusap ay may kahulugang _____.

a)

konotatibo

b)

denotatibo

c)

panlinaw

d)

panubali

9.

Ang denotatibong pagpapakahulugan sa salita ay _______.

a)

pagtukoy sa pangunahing kaisipan

b)

pagbibbigay ng kaisipan sa salita

c)

literal na pagpapakahulugan sa salita

d)

pagbibigay ng malalim na pagpapakahulugan sa salita

10.

Ipinasa nila ang papel sa unahan. Ang salitang may salungguhit sa pangungusap ay may pagpapakahulugang _______.

a)

konotatibo

b)

denotatibo

c)

tayutay

d)

matalinghaga

11.

Malambot ang kanyang puso sa mga nangangailangan. Ang salitang may salungguhit sa pangungusap ay may konotatibong kahulugan na _______.

a)

maawain

b)

matulungin

c)

mapagbigay

d)

maalalahanin

12.

Binawian ng buhay si Mui Mui makalipas ang dalawang araw at dapat na isisi ang pangyayaring ito sa kanyang ama. Ang pahayag ay nagbibigay ng _______.

a)

paghahatol

b)

pagmamatuwid

c)

pangangatwiran

d)

kongklusyon

13.

“Kaysa ibang lahi ang makinabang sa aking kakayahan, dito na ako tutulong sa sarili nating bansa, sa lungsod ng Maynila.” Ang pahayag ay nagsasaad ng _________.

a)

paghahatol

b)

pagmamatuwid

c)

pagsusuri

d)

paglalarawan

14.

“Hindi na ako muling pipirma ng panibagong kontrata sa aming kompanya dahil lumalaki na ang mga bata at nais kong katuwang mo ako sa paggabay sa kanila...” Ang pahayag ay nagsasaad ng ___________.

a)

paghahatol

b)

pagmamatuwid

c)

pagsusuri

d)

paglalarawan

15.

Hindi na ligtas sa masasamang-loob ang mga kabataan sa kasalukuyan. Mabilis silang sumunod sa agos ng tubig at di na binabalanse ang magiging kahihinatnan ng pangyayari. Ang pahayag ay nagsasaad ng ____________.

a)

paghahatol

b)

pagmamatuwid

c)

pagsusuri

d)

paglalarawan

16.

Ang ________ ay may layuning makahikayat sa pamamagitan ng pangangatuwiran.

a)

paghahatol

b)

pagmamatuwid

c)

pagsusuri

d)

paglalarawan

17.

Ito ay kakayahan ng isang indibidwal na magpasya kung ano ang nais panigan o sang-ayunan.

a)

paghahatol

b)

pagmamatuwid

c)

pagsusuri

d)

paglalarawan

18.

Sa wakas, matatapos na rin ang pandemyang ito.” Ang may salungguhit sa pangungusap ay isang halimbawa ng pangatnig na ________.

a)

pananhi

b)

panlinaw

c)

panapos

d)

panubali

19.

Ang mga transitional devices at pangatnig ay nakatutulong sa __________.

a)

pagtukoy sa pangunahing tauhan sa kuwento

b)

pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento

c)

pagkilala kung kailan naganap ang kilos o pangyayari

d)

pagbibigay-kahulugan sa konotasyon at denotasyon ng mga salita

20.

Ginagamit ito na pang-ugnay sa mga salita, parirala, sugnay at pangungusap.

a)

Pang-abay

b)

Pang-ukol

c)

Pang-angkop

d)

Pangatnig

21.

Hindi na niya itutuloy ang kanyang pagpunta sa ibang bansa __________ napilitan siyang maghanap na lamang ng trabaho malapit sa kanyang pamilya.

a)

pati

b)

kaya

c)

ngunit

d)

palibhasa

22.

Naniniwala ang mga tao na matatapos rin ang pandemyang ito at di magtatagal ay babalik din sa normal ang lahat. Ang ginamit na pang-ugnay sa pangungusap ay _______.

a)

at

b)

rin

c)

din

d)

di

23.

Malaki ang epekto ng pandemya sa bansa ______ patuloy pa ring lumalaban ang mga Pilipino.

a)

ngunit

b)

at

c)

dahil

d)

kaya

24.

Lubusan niyang ikinalungkot ang trahedyang naganap sa kanyang bayan ________ nilisan niya ang kinalakhang lugar _______ haharapin ang bagong buhay sa Maynila.

a)

kaya – upang

b)

dahil – sa huli

c)

sa huli – sapagkat

d)

kaya – at

25.

Nag-aaral siya sa umaga ______ nagtatrabaho sa hapon ______ matugunan ang mga panagangailangang pinansiyal sa paaralan.

a)

kaya – kung gayon

b)

dahil – palibhasa

c)

at – upang

d)

o – bagaman