Font size
WorksheetsOGM PAGSUSULIT 1.2
Total questions: 20
Worksheet time: 14mins
Ang sumulat at nagbalita kay Rizal nang masamang sinapit ng pamilya at kababayan sa Calamba.
Leonor Rivera
Paciano
Terrero
Jose Ma. Basa
Ang sumulat kay Rizal at inaming magkaibang-magkaiba na talaga sila ni Pepe.
Paciano
Segunda Katigbak
Leonor Rivera
Josephine Bracken
Ang nagbansag sa Noli Me Tangere bilang eretikal na babasahin.
pamahalaan
simbahan
Dominikano
Heswita
Ang lahat ay suliraning pinagdaanan ni Rizal habang isinusulat ang El Filibusterismo maliban sa _____________.
kawalan ng suporta ng mga kaibigan
problema sa kasintahan
pang-aapi sa mga kababayan
panggigipit sa kanyang pamilya
Sinong karakter sa El Filibusterismo ang sinasabing kumakatawan kay Rizal na nagnanais ng paghihimagsik mula sa mga naranasang kaapihan?
Basilio
Elias
Simoun
Isagani
Word Connections: Piliin ang HIGIT na tama ang pagkakaugnay-ugnay ng mga salita sa Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo.
Dominikano, eretikal, panganib, pag-alis
Binansagan ng mga Dominikano na akdang eretikal ang Noli Me Tangere. Kaya naman upang makaiwas sa panganib sa ikalawang pagkakataon ay muling umalis ang bayani sa Pilipinas.
Galit ang mga Dominikano kay Rizal kaya agad nilang hinusgahan ang akda nito bilang eretikal na babasahin. Iniutos nila na 'wag paalisin si Rizal sa Pilipinas at harapin ang panganib na dala ng kanyang pagsusulat.
Tumutol si Paciano na manatili si Rizal sa Pilipinas sapagkat malay siya na may ginagawang mali ang mga Dominikano. Kaya naman agad niyang hinikayat ang kapatid na umalis sa Pilipinas upang makaiwas ang kanilang pamilya sa panganib.
Ang mga Dominikano ay agad na hinatulan si Dr. Rizal ng kamatayan sapagkat ang mga akdang isinulat nito ay eretikal at nakasisira sa kanilang reputasyon. Pinaghanda nila ang bayani na harapin ang panganib at huwag umalis o tumakas ng bansa.
Tukuyin kung ang mga paglalarawan ay sa unang nobela o ikalawang nobela ni Dr. Rizal.
Huwag Mo Akong Salingin
NOLI ME TANGERE
EL FILIBUSTERISMO
Tukuyin kung ang mga paglalarawan ay sa unang nobela o ikalawang nobela ni Dr. Rizal.
Galit at Paghihiganti
NOLI ME TANGERE
EL FILIBUSTERISMO
Tukuyin kung anong mahalagang pangyayari ang naganap sa petsang ito.
Agosto 6
Ipinatigil ang pagpapalimbag ng El Filibusterismo.
Lumipat si Jose Rizal sa murang palimbagan sa Ghent Belgium.
Dumating sa punto na halos sunugin ni Rizal ang kopya ng El Filibusterismo.
Ito ang ikalawang pag-alis ni Rizal sa Pilipinas
Sino ang taong nagligtas kay Dr. Rizal upang maging posible at matapos ang pagpapalimbag ng El Filibusterismo?
Maximo Viola
Jose Alejandrino
Rodriguez Arias
Valentin Ventura
Word Connections: Piliin ang HIGIT na tama ang pagkakaugnay-ugnay ng mga salita sa Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo.
PAGHIHIRAP - KABIGUAN- SUNUGIN
Inilalarawan ni Dr. Rizal sa kanyang nobela ang mga paghihirap ng mga pilipino noong panahon ng mga Kastila, kaya naman kapag ito'y binalewala ng mga tao sa kasalukuyan tila sinunog na rin nila ang akda ng ating bayani.
Maraming mga tauhan sa El Filibusterismo na halos paghihirap at kabiguan ang ipinaranas sa kanila ng mga mananakop. Kaya naman masasabing sa Kasaysayan ng Pagsulat ng El Filibusterismo halos sunugin ng mga kastila ang kultura, pagkakakilanlan at pagkatao ng mga pilipino.
Maraming pinagdaanang hirap si Dr. Rizal sa pagsulat ng El Filibusterismo, dala ng mga naranasang problema at kabiguan halos muntikan na niyang sunugin ang nobela.
Marami pa ring pilipino sa kasalukuyan ang nakararanas ng kabiguan at paghihirap kahit wala na ang mga kastila kaya naman 'wag sanang balewalain ang isinakripisyo ng ating mga bayani.
Tukuyin kung anong mahalagang pangyayari ang naganap sa petsang ito.
Agosto 1887
Sinimulang isulat sa Calamba, Laguna ang El Filibusterismo.
Ang unang pagbabalik sa Pilipinas matapos ang matagal na pagkakawalay sa pamilya.
Ang panahon kung saan sinusuri na ng mga Dominikano ang kanyang unang nobela.
Sa ikalawang pagkakataon ay muli na namang umalis si Dr. Rizal sa Pilipinas.
Word Connections: Piliin ang HIGIT na tama ang pagkakaugnay-ugnay ng mga salita sa Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo.
ina, Leonor Rivera, Noli Me Tangere, kababayan
Galit ang mga Dominikano kay Rizal kaya agad nilang pinag-initan ang ina at kasintahan ni Rizal na si Leonor Rivera. Hinusgahan nila ang Noli Me Tangere bilang eretikal na babasahin at iniutos na sunugin ang lahat ng mga kopya na naipamigay sa mga kababayan ni Rizal.
Ang mga Dominikano ay agad na hinatulan si Dr. Rizal ng kamatayan sapagkat ang akdang Noli Me Tangere ay akdang eretikal at nakasisira sa kanilang reputasyon. Pinahirapan nila ang pamilya ni Rizal lalong-lalo na ang ina at kasintahan nitong si Leonor Rivera, saksi ang mga kababayan ni Rizal sa kalupitan ng mga kastila.
Ang mga layunin ni Rizal sa pagbabalik sa Pilipinas. Gamutin ang katarata ng ina, kausapin si Leonor Rivera kung bakit hindi ito sumusulat at paglingkuran ang mga kababayan sa pamamagitan ng libreng panggagamot sa mga ito. Inalam din ni Rizal ang naging pagtanggap ng mga Pilipino sa Noli Me Tangere.
Binansagan ng mga Dominikano na akdang eretikal ang Noli Me Tangere. Kaya naman upang makaiwas sa panganib ay pinaalis nina Teodora Alonzo at Leonor Rivera si Rizal sa Pilipinas, marami ring mga kababayan ni Rizal ang humikayat sa bayani na ipagpatuloy lamang nito ang pagsusulat upang mailarawan ang abang kalagayan ng Pilipinas.
Sinong mga tauhan sa Noli Me Tangere ang sinasabing kasawian ang naging ng kanilang pag-iibigan?
Sisa at Basilio
Elias at Salome
Donya Consolacion at alperes
Ibarra at Maria Clara
Nanirahan ako sa Maynila habang hinihintay ko ang pagbaba ng utos sa magiging bago kong tungkulin, sino ako?
Padre Damaso
Padre Salvi
alperes
Kapitan Tiyago
Nang iwan ako ng mahal ko sa buhay nalulong ako sa paglalasing at pananabako, sino ako?
Donya Consolacion
Donya Victorina
Sisa
Tiya Isabel
Madalas akong maaksidente dahil sa kalabuan ng aking mata, nang magsalamin naman ako labis akong kinatakutan ng lahat, sino ako?
Donya Consolacion
Donya Victorina
Maria Clara
Tiya Isabel
Nakalulungkot sapagkat ang dating kumpletong pamilya na mayroon ako ay tuluyang nasira, ngayon ay uuwi na lamang ako sa Malabon, sino ako?
Maria Clara
Kapitan Tiyago
Tiya Isabel
Basilio
Labis ang lungkot na nararamdaman ko sapagkat hindi natuloy ang pinapangarap kong kasal at ano mang sandali ay maaari na akong mamatay dahil sa maling panggagamot sa akin, sino ako?
Don Tiburcio
Kapitan Tiyago
Padre Damaso
Linares
Noong panahong ipinalilimbag niya ang El Filibusterismo, sino ang nakahati niya sa inuupahang apartment sa Ghent?
Jose Alejandrino
Jose Ma. Basa
Rodriguez Arias
Valentin Ventura
