NEW
Font size
WorksheetsMODYUL 10 : PAGMAMAHAL SA BAYAN
Total questions: 16
Worksheet time: 26mins
Ano ang kahulugan ng “pater” na pinagmulan ng salitang patriyotismo?
Katatagan at kasipagan
Pinagkopyahan o pinagbasehan
Kabayanihan at katapangan
Pinagmulan o pinanggalingan
Alin ang HINDI angkop na kilos ng nagmamahal sa bayan?
Pagiging tapat sa sarili, sa kapuwa, sa gawain, at sa lahat ng pagkakataon.
Paggawa ng paraan upang makatulong sa mga suliranin ng bansa.
Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sariling pamilya.
Pag-awit sa Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad.
Alin sa mga sumusunod ang pagsasagawa ng tama tungkol sa pagboto (vote) ?
Ibebenta ang boto para magkakaroon ng pera.
Mamimili ng tamang pinuno na maglilingkod sa taong bayan.
Ipagpapalit ang boto sa kaibigan ng iyong magulang para makakuha ng pabor.
Pipiliin ang mga taong pinipili ng iyong mga kaibigan para magkapareho kayo ng ibinoto.
Alin sa mga sumusunod ang solusyon sa lumalalang problema ng bansa sa kapaligiran?
Pagtatanim ng mga puno
Pagtapon ng basura kahit saan
Pag-ubos sa mga pinagkukunang yaman
Sobrang paggamit ng tubig
Ano ang tumutukoy sa mga ideolohiyang pangmakabayan at damdaming bumibigkis sa isang tao at sa iba pang may pagkakaparehong wika, kultura, at mga kaugalian o tradisyon?
kalayaan
karunungan
patriyotismo
nasyonalismo
Ang sumusunod ay mga pagpapahalaga na indikasyon ng pagmamahal sa bayan MALIBAN sa :
Laging inuuna ang pansariling kapakanan
Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa
Pagsulong sa kabutihang panlahat
Pagpapahalaga sa buhay
Bakit mahalagang mahalin natin ang ating bayan?
Biyaya ng Diyos ang pagkalooban tayo ng lipunang kinabibilangan at pamayanang matitirahan
Dito tinatanggap at iniingatan natin ang ating mga mahal sa buhay upang hubugin ang ating mga kakayahan
Nakikilala tayo ng mundo dahil sa talino at angking kagalingan na hinubog sa ating bayang sinilangan
Utang natin sa ating bayang sinilangan ang ating kalayaan at pagkakataong hubugin ang ating pagkatao
Laging nahuhuli sa pagpasok sa paaralan.
Ito ba ay nagpapakita ng pagmamahal sa bayan?
Oo
Hindi
Siguro
Hindi ko alam
Paggalang sa nakatatanda at may awtoridad.
Ito ba ay nagpapakita ng pagmamahal sa bayan?
Oo
Hindi
Siguro
Hindi ko alam
Alin sa mga sumusunod na kilos ang nagpapakita ng paglabag sa pagsasabuhay ng pagmamahal sa bayan?
Nagbibigay pugay sa bandila o watawat ng ating bansa
Tinutupad ang tungkulin bilang isang mamamayan
Pinapahalagahan ang sariling kultura at tradisyon
Humuhuli at pumapatay ng mga hayop na bawal hulihin
Alin sa mga sumusunod ang angkop na kilos na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan?
Susuportahan ko ang mga produktong banyaga dahil ito ay may mataas na kalidad
Ipagmamalaki ko sa aking kaibigang banyaga na ang kaniyang kultura at tradisyon ang aking pinagtuunan ng pansin
Pawang katotohanan lamang ang sasabihin ko sa aking kapwa
Nanaisin kung manahimik kaysa magsabi sa katotohanan
Alin sa sumusunod ang pinaka nagpapakita ng pagmamahal sa bayan?
Nasisiyahan si Mel ng magsuot ng barong tuwing Buwan ng Wika
Laging nagboboluntaryo si Drid sa mga programa sa kanilang pamayanan
Laging naghahanap ng pagkaing Pinoy si Lily sa tuwing siya ay nasa ibang bansa
Bumibili si Astrid ng branded na damit upang ipapakita kung gaano kaangat ang buhay niya
Bakit mahalagang makilala ang sariling pagkakakilanlan at ang kaugnayan nito sa pagmamahal sa bayan?
Dahil isa ito sa tungkulin ng isang mag-aaral
Dahil ito ay isang repleksyon ng ating pagkatao
Dahil isa ito sa mga inaasahang gampanin bilang isang mamamayan ng bansa
Dahil ito ay isang mabuting gawain bilang mamamayan ng bansa
Si Liza ay isang balikbayan na galing sa New Zealand at napiling magbakasyon sa Pilipinas. Mula nang dumating siya, hindi pa siya nakapunta sa kahit anong sikat na pasyalan dahil sinusulit niya na makasama ang kaniyang pamilya sa loob ng bahay. Nagpapamalas ba ito ng pagmamahal sa bayan?
Oo, ipinapakita niya ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang sariling pamilya
Hindi, bilang isang Pilipino, tungkulin niyang pumunta sa mga sikat na pasyalan
Oo, wala siyang nilabag na batas o hindi binibigyang galang ang tradisyon at kultura ng Pilipino
Hindi, isang tradisyon ng bawat pamilyang Pilipino ang sama-samang mamasyal at pumunta sa mga sikat na pasyalan tuwing may mga balikbayan na darating
Nakita mo si Drew na pinupuna ang kaklase dahil hindi magaling magsalita ng wikang Ingles. Bilang isang mamamayan na may pagmamahal sa bayan, tama ba ang ginagawa ni Drew?
Mali, dapat hindi niya ipinapahiya ang kaniyang kapwa tao
Tama, tinutulungan lamang niya ang kaniyang kaklase bilang tanda ng pagkakaroon ng malasakit sa kapwa
Mali, ang wikang Ingles ay hindi natin lengua franca, mas nararapat na wikang Filipino ang pinagyayabong niya
Tama, baka isipin ng dayuhan na mahihina ang mga Pilipino sa wikang Ingles at ito ang ikasisira ng ating bansa
Alin ang HINDI angkop na kilos ng nagmamahal sa bayan?
Pagiging tapat sa sarili, sa kapuwa, sa gawain, at sa lahat ng pagkakataon.
Paggawa ng paraan upang makatulong sa mga suliranin ng bansa.
Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sariling pamilya.
Pag-awit sa Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad.
