WorksheetsAP4_Q1
Total questions: 65
Worksheet time: 42mins
Ito ay tumutukoy sa nararanasang init at lamig sa isang lugar.
(a)
Ito ang pangkalahatang kalagayan ng atmospera sa isang lugar sa mahabang panahon. Ito ay nakabatay sa kinalalagyan ng bansa sa bahagi ng mundo.
(a)
Ito ang sibilisasyon ng isang bansa, na nagpapakilala ng teknolohiya, wika, sining at kaugalian ng mga tao.
(a)
Pinakamahalagang elemento ng isang estado sapagkat sila ang mga naninirahan at nagpapatakbo sa isang bansa.
(a)
Ito ay ang patag na grapikal na representasyon ng mundo.
(a)
Ito ay ang mga taong gumagawa ng mga mapa.
(a)
Ang distansiya sa pagitan ng dalawang parallel.
(a)
Lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may magkakatulad na kulturang pinanggalingan kung saan makikita ang iisa o pare-parehong wika, pamana, relihiyon, at lahi.
(a)
Kolektibong diwa ng isang pangkat ng tao tungkol sa kanilang iisang kultura, karanasan at kasaysayan.
(a)
Isang uri ng kaayusan ng pamahalaan na binubuo ng isang pamayanang pampolitika na nakatira sa ilalim ng iisang sistema ng pamahalaan.
(a)
Anumang uri o grupo ng tao na makikilala batay sa kanilang kulay ng balat, hugis ng mata, kulay ng buhok, taas, laki ng katawan at iba pa.
(a)
Ito ay instrument ng pagpapahayag ng saloobin, damdamin ng tao at pakikipagtalastasan.
(a)
Ito ang tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan kasama ang himpapawid at kalawakan. Ito ang nagsisilbing tirahan ng mga tao na pinamumunuan ng isang pamahalaan.
(a)
Isang samahan o organisasyon political na itinataguyod ng mga grupo ng tao na naglalayong magtatag ng kaayusan at nagpapanatili ng isang sibilisadong lipunan.
(a)
Ito ay ganap na kalayaan na tumutukoy sa kapangyarihan ng pamahalaang mamahala sa kanyang nasasakupan. Tumutukoy din ito sa kalayaan upang makapagpatupad ng programa o serbisyo na hindi ng walang sinuman ang gumagambala.
(a)
Ano ang dalawang uri ng soberanya?
(a)
Ito ay tumutukoy sa pangangalaga ng sariling kalayaan.
(a)
Tumutukoy sa pagkilala ng ibang bansa sa kalayaang ito.
(a)
Ito ang eksaktong modelo ng mundo. Ang hugis nito ay oblate spheroid.
(a)
Ito ay ang pagaaral o kasanayan sa paglikha ng mga mapa.
(a)
Propesiyunal na sukat sa mapa na ginawa upang maipakita ang sukat at layo ng isang lugar mula sa aktuwal na sukat at distansiya nito.
(a)
Ito ay ang ekstaktong kinalalagyan ng isang lugar o bansa.
(a)
Ito ang mga linyang pahiga mula silangan hanggang kanluran paikot sa mundo.
(a)
Ito ang distansiya sa pagitan ng dalawang Meridian.
(a)
Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng interaksyon ng guhit meridian at parallel.
(a)
Ang guhit na patayo sa gitna na humahati sa kanlurang emisperyo at silangang emisperyo. Ang linyang ito ay matatagpuan sa Greenwich, England.
(a)
Ang guhit na pahiga sa gitna na humahati sa hilagang emisperyo at timog emisperyo.
(a)
Kalahati ng mundo ayon sa hati ng ekwador at prime meridian.
(a)
Ito ang guhit na nasa 180 degrees ng longhitud na katapat ng Prime Meridian. Ito ay mahalaga sa pagalam ng mga oras at araw sa iba't ibang panig ng mundo.
(a)
Ang polong matatagpuan sa pinakamataas na bahagi ng mundo.
(a)
Ang polong matatagpuan sa pinakamababang bahagi ng mundo.
(a)
Ang parallel na nasa 231/2 hilaga ng ekwador.
(a)
Ang parallel na nasa 231/2 timog ng ekwador.
(a)
Ang parallel na nasa 661/2 hilaga ng ekwador
(a)
Ang parallel na nasa 661/2 timog ng ekwador
(a)
Ito ang kinalalagyan ng bansa na ang direksiyon o lokasyon ng isang lugar batay sa kinalalagyan ng mga katabi o kalapit nitong lugar o katubigan.
(a)
Ano ang dalawang uri ng relatibong lokasyon?
(a)
Natutukoy ang lokasyon ng isang bansa sa pamamagitan ng mga karatig bansa nito.
(a)
Natutukoy ang lokasyon ng isang bansa sa pamamagitan ng mga anyong tubig na nakapaligid dito.
(a)
Ito ay hango sa salitang griyego(Greek) na Geographia.
´Geo o daigdig at Graphia o paglalarawan.
´ Sa literal na kahulugan, paglalarawan sa daigdig.
(a)
Ano ng dalawang sangay ng heograpiya?
(a)
Pinag-aaralan dito ang iba’t-ibang natural na proseso at kaganapan na nangyayari sa loob at labas ng mundo.
(a)
Tinatalakay nito kung paano binabago ng tao ang kapaligiran at ano ang mga nagiging epekto ng kapaligiran pabalik sa kanya.
(a)
Isang uri ng bundok kung saan ang tunaw na bato (lava) ay maaring lumabas mula sa bunganga nito.
(a)
Isang lugar kung saan walang pag-taas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito. Maaari itong taniman ng mga palay, mais, gulay atbp.
(a)
Isang pataas na lupa na may matarik na bahagi at hamak na mas mataas kaysa sa burol.
(a)
Higit na mababa kaysa sa bundok. May pabilog ang tuktok nito.
(a)
Isang kapatagan sa pagitan ng burol o mga bundok.
(a)
Isang kapatagan sa tuktok ng bundok o anumang lokasyon ng lupa na mataas.
(a)
Matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at nakahanay.
(a)
Isang lupaing napalilibutan ng tubig. Ang Pilipinas ay binubuo ng 7641 na kapuluan.
(a)
Ang pinakamalaking anyong tubig na bumubuo sa 71% ng buong daigdig.
(a)
Malawak na anyong tubig na masmaliit kaysa sa karagatan. Maalat ang tubig sapagkat nakadugtong ito sa karagatan
(a)
Mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungo sa dagat.
(a)
Nagsisilbing daungan ng mga sasakyang pandagat. Maalat ang tubig dahil ito ay nakadugtong sa dagat o karagatan.
(a)
Anyong tubig na napapaligiran ng lupa. Matabang ang tubig dito.
(a)
Ito ay daloy ng tubig mula sa isang mattas hanggang sa mababang bahagi ng isang pook. Ang pagbagsak ng tubig nito ay maaaring magamit upang makalikha ng kuryente.
(a)
Anyong tubig na nagmumula sa ilallim ng lupa. Ilan sa mga bukal na matatagpuan sa Pilipinas ay malapit sa mga bulkan kung kaya’t mainit o maligamgam ang temperature ng tubig nito.
(a)
Isang bahagi ng karagatan na makikita sa pagbubukas ng dagat. Ito ang tawag sa malaking look.
(a)
Ano ang dalawang uri ng bulkan?
(a)
Dalawang uri ng hanging monsoon.
(a)
Ang hanging ito ay nagmumula sa Hilagang-Silangang bahagi ng Pilipinas. Higit lalo sa Siberia. Nararamdaman ito mula buwan ng Nobyembre hanggang Marso.
(a)
Ang hanging ito ay nagmumula sa timog-kanlurang bahagi ng Pilipinas. Nararamdaman ito mula buwan ng Mayo hanggang Setyembre. Nagdadala ito ng malalakas na pag-uulan sa bansa.
(a)
Uri ng bulkan na kung saan matagal na itong hindi sumasabog.
(a)
Uri ng bulkan na kung saan maaari itong sumabog anumang oras.
(a)
