wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ANG PILIPINAS AY BANSANG TROPIKAL

Total questions: 18

Worksheet time: 6mins

Name
Class
Date
1.

Mahalagang matukoy ang lokasyon, topograpiya o paglalarawan ng katangian ng isang lugar, at ang hangin at tubigang mayroon dito upang malaman ang klima ng isang lugar o bansa.

a)

Tama

b)

Mali

2.

Nararanasan sa gitnang Latitud o rehiyong temperate ang panahon ng tagsibol, tag-init, taglagas, at taglamig dahil sa pahilis na sikat ng araw dito.

a)

Tama

b)

Mali

3.

Nakararanas din ng malamig na klima ang bansa dahil sa hanging nagmumula sa Dagat Selebes at Karagatang Indian.

a)

Tama

b)

Mali

4.

Ang bahaging nasa pagitan ng kabilugang Arktiko at Tropiko ng Kanser at ang nasa pagitan ng kabilugang Antartiko at Tropiko ng Kaprikorn ay tinatawag na Gitnang Latitud o Rehiyong Temperate

a)

Tama

b)

Mali

5.

Ang bahaging nasa pagitan ng kabilugang Arktiko at Tropiko ng Kanser at ang nasa pagitan ng kabilugang Antartiko at Tropiko ng Kaprikorn ay tinatawag na Gitnang Latitud o Rehiyong Temperate

a)

Tama

b)

Mali

6.

Ang klima ay tumutukoy sa kalagayan ng kapaligiran, halimbawa, taglamig at tag-init.

a)

Tama

b)

Mali

7.

Karaniwang dalawa ang uri ng panahon sa Pilipinas at ito ay ang tag-init at tag-ulan.

a)

Tama

b)

Mali

8.

Nakakapaglaro tayo ng snow o niyebe sa Pilipinas.

a)

Tama

b)

Mali

9.

Ang panahon ay ang pangkalahatang kalagayan ng isang lugar na may kinalaman sa atmospera o hanging nakapaligid sa mundo, temperatura o ang sukat ng init o lamig ng paligid.

a)

Tama

b)

Mali

10.

Ang nararanasang __________ng isang bansa ay nakabatay sa kinalalagyan nito sa mundo.

a)

Atmospera

b)

Hangin

c)

Klima

d)

Panahon

11.

Saan nakabatay ang klima ng isang lugar o bansa?

a)

Sa pagkakaiba-iba ng klima

b)

Sa kinalalagyan nito sa mundo

c)

Sa pag-ikot ng daigdig sa araw

d)

Sa pag-ikot ng mundo sa sariling axis

12.

Ano ang tawag sa pangkalahatang kalagayan ng panahon sa isang lugar na may kinalaman sa atmospera o hanging nakapaligid sa mundo, temperatura o ang sukat ng init o lamig ng paligid, at iba pang nakaaapekto sa pamumuhay ng mga nilalang dito?

a)

Panhon

b)

Klima

c)

Taglamig

d)

Tropikal

13.

Ano ang tawag sa rehiyong napapaligiran ng makakapal na yelo?

a)

Rehiyong Temperate

b)

Rehiyo ng Kanser

c)

Rehiyong Tropikal

d)

Rehiyong Polar

14.

Ano ang tawag sa bahagi ng Tropiko ng Kanser at Tropiko ng Kaprikorn?

a)

Gitnang Latitud

b)

Polong Timog

c)

Mababang Latitud

d)

Rehiyong Polar

15.

Ano ang tawag sa bahaging nasa pagitan ng kabilugang Arktiko at Tropiko ng Kanser at ang nasa pagitan ng kabilugang Antartiko at Tropiko ng Kaprikorn?

a)

Gitnang Latitud

b)

Polong Timog

c)

Mababang Latitud

d)

Rehiyong Polar

16.

Ito ay may malaking kaugnayan sa uri ng klima sa daigdig.

a)

Init

b)

Ulan

c)

Guhit Latitud

d)

Panahon

17.

Nakakaranas ang mga naninirahan sa bahaging ito ng higit na init at sikat ng araw.

a)

Rehiyong Tropikal

b)

Gitnang Latitud

c)

Rehiyong Polar

d)

Rehiyong Temperate

18.

Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa pagtukoy ng klima isang lugar o bansa?

a)

Lokasyon, topograpiya o hangin

b)

Lokasyon, katubigan at sukat ng init

c)

Lokasyon, katubigan at mineral

d)

Atmospera, katubigan at mineral