NEW
Font size
WorksheetsMga Katangian ng Solid, Liquid at Gas
Total questions: 10
Worksheet time: 50mins
Ano ang iba pang paraan bukod sa pagtingin upang malaman ang hugis ng isang bagay kahit hindi ito nakikita?
A. tikman
B. hawakan
C. amuyin
D. pakinggan
Alin ang hindi kabilang sa grupo?
A. pula
B. asul
C. bughaw
D. bilog
Ano ang tawag sa kalayaang paggalaw o pagdaloy ng mga molecules sa loob ng lalagyan?
A. ease of flow
B. pagbuo
C. paggalaw
D. pagkilos
Alin sa mga sumusunod na pangkat ng bagay ang pareho ang tekstura?
A. bato, mesa, upuan
B. bakal, bulak, panghilod
C. luya, kamatis, papel
D. liha, espongha,panghilod
Anong parehong katangian meron ang toyo, suka at patis?
A. hugis
B. ease of flow
C. kulay
D. tekstura
Anong uri ng matter ang sumusunod ang hugis sa lalagyan at may iba’t ibang paraan ng pagdaloy?
A.gas
B. solid
C. liquid
D. plasma
Ano ang pagkakaayos ng molecules ng gas?
A. nagtitinginan
B. dikit-dikit at siksik
C. malaya at tumatalbog
D. nag-uumpugan at dumudulas
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tamang paglalarawan sa solid?
A. ang mga solid ay iisa ang kulay.
B. ang mga solid ay walang kulay.
C. ang mga solid ay hindi nagkakakulay
D. ang mga solid ay may ibat ibang kulay.
Aling ang tamang pagkakapangkat ng mga solid?
A. usok, hangin, sabaw
B. sabaw, tinidor, hangin
C. pinggan, sabaw, kutsara
D. pinggan, kutsara, tinidor
Anong uri ng matter ang oxygen, hangin at usok?
A. gas
B. liquid
C. solid
D. plasma
