WorksheetsAraling Panlipunan 2
Total questions: 45
Worksheet time: 45mins
Ito ang pinakamataas na bundok sa bansa.
Bundok Apo
Bundok Banahaw
Bundok Makiling
Bundok Kanlaon
Ito ay pantay, patag at malawak.
Bulkan
Kapatagan
Bundok
Burol
Ito ang pinakamahabang bulubundukin sa bansa.
Sierra Kumpadre
Sierra Kumadre
Sierra Madre
Sierra Padre
Ito ay matatagpuan sa Carmen Bohol at kilala sa dami ng burol at sa tsokolateng kulay ng mga ito sa panahon ng tag-araw.
Chocolate Mountains
Brown Hills
Chocolate Hills
Chocolate Garden
Isang bundok na may bunganga o bukana sa tuktok.
Bulkan
Bundok
Bulubundukin
Burol
Patag na lupa sa pagitan ng mga bundok.
Bulubundukin
Kapatagan
Lambak
Talampas
Patag na lupa sa ibabaw ng bundok. Dahil sa malamig na klima rito mainam itong tamnan ng mga gulay at prutas.
Talampas
Lambak
Kapatagan
Bulubundukin
Ito ay dinarayo ng mga turista sa Alaminos, Pangasinan.
Pangasinan Islands
Thousand Islands
Hundred Islands
Alaminos Islands
Ang pinakamalaking karagatan na matatagpuan sa silangang bahagi ng bansa.
Indian Ocean
Atlantic Ocean
Pacific Ocean
Arctic Ocean
Ang pinakamahabang ilog sa bansa.
Ilog Pasig
Ilog ng Bicol
Ilog Cagayan
Ilog ng Marikina
Matatagpuan sa Lanao del Norte at kilala sa tawag na majestic falls dahil sa ganda nito.
Pagsanjan Falls
Maria Cristina Falls
Aliwagwag Falls
Daranak Falls
Ipinagdiriwang tuwing Enero 1 sa Kristiyanong panahon.
Bagong Taon
Araw ng mga Patay
Sa panahong ito, inaalala ng mga Kristiyano ang pagpapakasakit at pagkamatay ni Jesus sa pamamagitan ng pagsasakripisyo at pagdarasal.
Mahal na Araw
Pasko
Ipinagdiriwang tuwing ikalawa hanggang ikatlong linggo ng Enero kada taon sa Kalibo, Aklan bilang pagkilala sa Santo Niño.
Ati-Atihan
Pahiyas
Taunang kapistahan sa lungsod ng Baguio na idinaraos sa buong buwan ng Pebrero. Ipinagmamalaki dito ang kasaganahan ng mga bulaklak.
Pahiyas
Panagbenga
Ang panahon ng pag-alala sa mga yumao nating kaanak o kaibigan.
Araw ng mga kaibigan
Araw ng mga Patay
Tuwing sasapit ang ika-25 ng Disyembre. Ipinagdiriwang ng mga Kristiyano ang pagsilang ni Jesus.
Mahal na Araw
Pasko
Ang buwan ng pangilin ng mga Muslim. Isinasagawa ito tuwing ika-9 na buwan sa kalendaryong Islam.
Ramadan
Eid'l Fitr
Isinasagawa ang pagdiriwang na ito sa pagtatapos ng Ramadan. Sama-samang nagdarasal at nagsasalu-salo ang mga Muslim tanda ng pagtatapos ng buwan ng pagsasakripisyo.
Ramadan
Eid'l Fitr
Ito ay ipininta ni Fernando Amorsolo na naglalarawan sa pagdiriwang ng mga pilipino.
Antipolo
Dalagang Bukid
Kilalang pintor mula Angono, Rizal na nakilala sa pagpipinta ng ilang makasaysayang pangyayari gaya ng “Unang Misa sa Limasawa” .
Carlos Botong Francisco
Carlo Botong Francisco
Ang nagpinta ng Madonna of the slum.
Vicente Malaya
Vicente Manansala
Siya ang may likha ng The Oblation sa UP Diliman.
Guillermo Tolentino
Guillermo Florentino
Isa sa kanyang likha ay ang monumento ng Sanduguan sa Bohol.
Napoleon Abueva
Napoleon Villanueva
Ang tulang Sa Sanggol na si Jesus ay isang tulang likha ni Dr. Jose Rizal.
Tama
Mali
Sa lugar na ito napatay si Heneral Gregorio del Pilar.
Tirad Pass
Overpass
Makikita rito ang mga lumang bahay. Karamihan sa mga materyales na ginamit sa mga bahay tulad ng adobe, pebbles, at bricks ay nanggaling pa sa Europa.
Vigan Heritage Village
Iligan Heritage Village
Sa simbahang ito naganap ang tatlong mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas. Dito nagkaroon ng kumbensiyon ang Unang Kongreso ng Pilipinas noong Setyembre 15, 1898. Dito binuo ang Konstitusyon ng Malolos mula Setyembre 29, 1898 hanggang Enero 21, 1899.
Barasoain Church
San Agustin Church
Matatagpuan sa tuktok ng Bundok Samat ang isang malaking krus. Ito ay palatandaan ng mga namatay na mga sundalo sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1942.
Dambana ng Kagitingan
Dambana ng Samat
Dito idineklara ang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898.
Aguinaldo Shrine
Rizal Shrine
Ito ay dating tinatawag na Bagumbayan. Dito binaril si Rizal ng mga Espanyol noong Disyembre 30, 1896. Matatagpuan ngayon dito ang isang malaking monumento ni Rizal.
Rizal Park
Disneyland
Dito ikinulong si Jose Rizal bago siya binaril sa Bagumbayan.
Fort Santiago
Fort Pilar
Dito unang naganap ang labanan ng mga Katipunero at Kastila.
Pinaglabanan Shrine
Katipunan Shrine
Namumuno sa isang barangay.
Kapitan
Gobernador
Namumuno sa bayan o lungsod.
Alkalde
Kapitan
Siya ang pumapalit o humahalili kapag nabakante ang pamunuan ng alkalde ng bayan o lungsod.
Pangalawang Alkalde
Pangalawang Pangulo
Pinakamataas na halal na pinuno ng lalawigan.
Pangulo
Gobernador
Ang pinakamataas na pinunong halal ng bansa.
Pangulo
Alkalde
Ano-ano ang mga katangian ng mabuting pinuno?
(NOTE: Maaaring higit sa isa ang sagot.)
Matalino
Pabaya
Matuwid
Tamad
Responsable
Nagtuturo sa pamamagitan ng "Kariton Klasrum" .
Efren Peñaflor
Efren Peñaflorida
Siya ang nagtatag at tumatayong punong direktor ng Gawad Kalinga.
Antonio "Tony" Meloto
Antonio "Tony" Manaloto
Siya ang naging susi kung bakit nagkaroon ng bakuna sa Pilipinas dahil sa kaniyang mga pag-aaral na isinagawa.
Dr. Fe del Mundo
Dr. Fe del Sur
May anim na serbisyong ipinagkakaloob ang Philippine National Red Cross: Blood Services, Disaster Management Services, Safety Services, Community Health and Nursing Services, Social Services and the Volunteer Services.
Tama
Mali
Layunin ng GMA Kapuso Foundation na tumulong at suportahan ang mahihirap na pamilya, mga kabataan, mga biktima ng kalamidad, mga bilanggo at iba pa.
Tama
Mali
Ang Bantay Bata 163 ay social welfare program ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation. Layunin nitong protektahan at tulungan ang mga kabataan sa buong bansa sa pamamagitan ng mga programa at paglilingkod lalo na ang mga batang inabuso, inabandona, at pinabayaan.
Tama
Mali
